"You want to be great, learn to empty your cup." Chinese Proverbs
********************************
"Hi!" nahihiyang bati ni Jackson kinaumagahan nang sunduin si Lucille.
"Hi!" ganting sabi ng dalaga. Kahit siya ay nakaramdam din ng hiya nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi.
Kapwa hindi halos makatingin sa mukha ng bawat isa.
Kapwa nagtatanong sa sarili kung ano ang pwedeng gawin para maalis ang hiyang nararamdaman.
"Let's go!" pilit pinasisigla ni Lucille ang tinig. Ibig niyang maibalik sa dati ang pakikitungo niya rito. Di niya gustong bahiran ng anomang malisya ang namagitan sa kanilang dalawa.
Nag-aalangan man ay napatango nalang ang lalake.
At namagitan sa kanilang dalawa ang mahabang katahimikan habang lulan ng sasakyan.
"About what happen last night. I just want to stress out that I really meant what I said," basag ng lalake sa katahimikang namagitan sa kanilang dalawa.
Alanganing napatango ang dalaga. "Yeah right!"
"I do really like you. At hindi ko babawiin kung anoman ang nasabi ko. I just hope you feel the same way too."
Hindi alam ni Lucille kung ano ang isasagot dito. Gusto niyang mapailing. Napaka-straight forward talaga ng lalakeng ito. Ni hindi man lang ito kumukurap habang sinasabi ang mga 'yon.
"I'll think of it," sa wakas ay sabi niya. "Baka kasi nabibigla ka lang. You might not see the real picture."
"I'm sure of it!" Pagpupumilit parin ng lalake. "I won't take it back!"Walang nagawa ang babae kundi ang mapabutong-hininga at ibaling sa labas ng bintana ang mga mata.
"You might not know what you are saying," bulong ng dalaga.
------------
"Whoa! That was great!" palatak ni coach Bernard matapos ang isang practice game.
Pagkadating na pagkadating kasi nilang dalawa ni Jackson sa court ay sinalubong agad sila ng warm up para sa unang practice game. Kalaban ng mga freshmen ang kanilang mga seniors sa first game.
Si coach Bernard mismo ang namili kung sino-sino ang isinali niya sa unang team ng freshmen na sasabak sa unang game.
Inaasahan na ni Lucille ang magiging takbo ng laro. Sa ngayon, alam ni Lucille na hindi pa kayang lagpasan ng mga freshmen ang scores ng mga seniors. Lalo pa at ang team-up ng freshmen na binuo ni coach ay hindi sakto sa naisip niyang perfect team.
Sa maikling panahon na nasubaybayan niya ang istilo ng paglalaro ng mga freshmen na 'to, nakita na niya agad ang kalalabasan ng magiging laro nila kung ang makakalaban nila ay ang kanilang mga seniors. May maipagmamayabang naman kasi talaga ang mga seniors sa galing nila sa paglalaro lalong-lalo na si Jackson. Hindi dahil sa bias niya ang lalake kundi dahil alam niya at nakikita niyang iba ang galing nito.
"What can you say coach? Bilib na ba kayo sa akin ngayon?" nakangising tanong niya dito.
Abot hanggang taenga ang ngiting napatango si coach Bernard. "Alam kong hindi ako mabibigo sa pagpili sa'yo Lucille kaya naman malaki ang tiwala ko sa'yo!"
"Huwag mo na munang lahatin coach dahil baka wala ng pagsidlan ang bilib mo sa akin kapag naipakita ko sa inyo ang iba pang improvement ng inaakala mong walang maibubuga sa gitna ng court!" pagbibida ng dalaga.
Napahalukipkip naman ang ginoo. "Talaga?! Hindi ko pa pala nakikita ang lahat?"
Sunod-sunod lang na napatango ang dalaga. "Kagaya niyo coach, mahal na mahal ko ang larong basketball dahil isa ito sa pamana ng papa ko sa akin!" pagmamalaking anas niya saka saglit na inabot ang backpack na nasa ibabaw ng mesa at inilabas ang notepad niya.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...