"If I have to turn back time and undo things, I will take the risk just to be with you once more."
****************************
Napapitlag ang dalaga nang mauntog ang kanyang ulo sa mga nakahilerang box. Wala siyang ideya kung paano nangyari at nandoon siya sa lugar na 'yon. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang sentido. Para kasi siyang nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng ulo. Mayamaya'y napatingala si Lucille para tingnan kung ano ang nasa harapan niya. Isang box ang muntik ng bumagsak na nasa tuktok, mabuti nalang at may mga kamay na pumigil dito."Lucille, nakatulala ka na naman. Pinatawag ka ni Visor."
Isang nababagot na tinig ang narinig niya mula sa likuran niya.At sino naman 'to? Nakakunot ang noong nilingon niya ito. Nakita pa niyang nakataas ang mga braso nito dahil pinipigilan nito ang box na malaglag.
Samo't saring tanong ang nagliparan sa utak ni Lucille sa mga sandaling iyon. Mga tanong na hindi niya mapigilang isipin. Kinapa niya ang kanyang ulo, nakabalot ng hairnet ang naka-bun niyang buhok.
Muli ay tinitigan niya ang lalakeng kaharap. Kinikilatis niya ang mukha nito kung tama nga ang nasa isip niya. Magkahalong gulat at kaba ang naramdaman ni Lucille sa pagkakataong iyon. Unti-unti ay rumerehestro sa utak niya ang mga pangyayari. Sa loob ng ilang segundo ay maraming bagay at impormasyon na ang namuo sa utak niya. Mga impormasyon na dati ay alam na niya. Kung tama ang pagkakaalala niya, nandoon siya sa bodega ng bookstore na pinagtatrabahuan niya at ang kaharap niya ngayon ay ang bugnutin niyang kasama na si Elwin John.
"Puntahan mo nalang si Visor sa office niya," anito saka nagpatiuna na sa paglakad.
"O-kay," alanganing napatango si Lucille.
Hindi na muna kumilos sa kinatatayuan si Lucille. Napaupo siya sa gilid habang inaalala ang mga nangyari kani-kanina lang. Parang ilang minuto lang ang nakalipas ay naramdaman niya ang pananakit ng ulo dulot noong pagkakapalo sa kanya.
Napapikit ang dalaga habang pinipigilan ang paggaralgal ng boses at ang luhang nagpupumilit na lumabas sa kanyang mga mata.
Paanong nangyaring sa isang iglap ay nawala siya sa piling ng mga mahal niya sa buhay at heto siya ngayon, parang bumalik na yata siya sa kasalukuyan niyang buhay.
Ilang beses muna siyang napapahugot ng malalim na paghinga bago nagpasyang lumabas ng stock room.
Habang tinatahak ang daan patungong office ng supervisor nila ay abala rin ang utak ni Lucille sa pag-alala sa mga nangyari. Nasa isang pamilyar na lugar siya. Sa bookstore kung saan siya nagtatrabaho. Pero bakit? Bakit naroon siya? Tapos na ba ang mga dapat niyang gawin?
Napailing siya nang maalala ang sinapit niya sa mga bisig ni Jackson. Jackson, I'm sorry! Hindi ko napaghandaan ang mga nangyari.
Nakaramdam ng matinding kirot ng dibdib ang dalaga nang maalala ang mukha ni Jackson. Ano ang gagawin ko?
Aware naman siya sa mga consequences na pwede niyang sapitin depende sa mga resulta ng mga kilos niya. Pero hindi gaya nito. Hindi pa siya handang umalis. Ang dami-dami pa niyang gustong gawin para sa mga taong napamahal na sa kanya. Wala na ba talaga siyang chance na magawa iyon? Ito na ba talaga ang hangganan ng kakayahan niya? Nakakalungkot lang isipin na parang ang lahat ay bunga lamang ng isang napakahabang panaginip.
Muli ay magiging mag-isa na naman siya. Mag-isang itataguyod ang sarili, mag-isang haharapin ang bawat araw at mag-isang haharapin ang sakit ng kalooban. Paano kung makita niya ulit sila Jiro at ang ibang members ng basketball team? Sina Gina at ang iba pa niyang kasamahan? At si Jackson? Maalala pa kaya siya ng mga ito? Napakagat-labi ang dalaga para pigilan ang mapasigok nang maalala ang binata. Ipinilig niya ang kanyang ulo para alisin ang anomang emosyon na gustong kumubkob sa loob niya.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...