Chapter 24: Consequences!

128 15 4
                                    

"Sadness is losing someone you love."

********************************

Hindi naman pala talaga siya hinahanap ni coach Bernard. Sinadya lang talaga ni Jiro na katukin siya para maiiwas siya sa kamalditahan ni Lea. Napangiti siya ng lihim dahil sa pagiging concern nito. Hindi niya akalain na may soft side pala ang batang ito.

Pinilit niyang makisaya nang magbalik sila sa loob ng room.

Nagpakalasing na sa alak ang karamihan sa mga lalake. Nagyaya pa nga ang mga ito sa kanya pero todo tanggi siya kaya hindi na rin nagpumilit ang mga ito. Si Lea ang inaalala niya kasi parang balak pa yata nito ang magpakalango sa alak. Sinamantala nito ang pag-alis ng papa nito isang oras na ang nakakalipas. Umalis ang dean dahil may ka-meeting itong importanteng tao.

Gustuhin man ni Lucille na pigilan si Lea, hindi naman niya magawa dahil galit ito sa kanya.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang bantayan nalang ang mga kilos nito.

Mag-a-alas-siyete na ng gabi nang magpasya silang umuwi.

Nagmagandang-loob si Zack na ihatid siya pero tinanggihan niya ito. Pinakiusapan niya itong si Lea nalang ang ihatid dahil lasing na ang babae. Napapakamot naman sa ulong napatango si Zack.

"Ako nalang kaya ang maghatid sa'yo Lucille," mungkahi ni Jiro.

"Okay lang ako Jiro. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa concern. Isa pa dadaan din ako saglit sa bookstore. Maghahanap ng librong pwedeng basahin, pangpa-relax ng kalooban," aniya.

Napapatango nalang ito. Alam niyang batid nito ang ibig niyang sabihin.

Napatigil silang dalawa ni Jiro sa paghakbang nang makitang pasuray-suray na sa daan si Lea. Nahirapan ding napasunod si Zack dito.

Nilapitan nila ang kinaroroonan ng dalawa at kapwa inalalayan ito sa paglalakad.

"Don't touch me!" Kahit na lasing ay nagawa paring sabihin 'yon ni Lea sa kanya.

Pero hindi iyon pinansin ni Lucille.

"Ano nalang ang sasabihin ng papa mo kapag nakita kang nagkakaganito?" mahinang sabi niya.

"Sasabihin ko sa kanya - na ikaw-," may paturo-turo pa itong nalalaman. "- ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Eh kung mawala-ka na sana sa paningin- ko ay magi-ging okay na ang lahat," anitong nakalungayngay na ang ulo dahil sa kalasingan.

Napapiksi lang si Jiro dahil sa inasta ni Lea. Hindi na niya kayang sikmurain ang kabastusan ng bibig nito ngayon.

"Iinom-inom, hindi naman kaya," hindi napigilang bwelta ni Jiro.

Siniko ito ni Lucille. "Hayaan mo na," aniya.

Tatlo na sila ni Zack at Jiro ang nagtulong para maitayo ito ng maayos.

Nasa intersection ng kalsada na sila nun. Naghihintay na mag stop ang traffic light para makatawid na sila. Nasa kabilang street pa kasi nakaparada ang sasakyan ni Zack.

Muli ay nagmulat na naman ito ng mga mata.

Galit nitong hinawi ang kamay ni Lucille na nakahawak sa braso niya.

"Huwag niyo akong hahawakan, pwede. Kaya ko ang sarili ko," pagmamatigas niya saka walang paalam na naglakad sa gitna ng kalsada na hindi man lang alintana ang mga sasakyang dumadaan.

"Lea! Ano bang ginagawa mo, baka masagasaan ka."

Sinundan ito ni Lucille at mabilis na nahawakan sa braso para ibalik sa kinatatayuan nila.

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon