"When someone you love becomes a memory, the memory becomes a treasure."
******************************
Walang paglagyan ang takot na namumuo sa kalooban ni Jackson nang walang malay na dinala nila si Lucille sa pinakamalapit na hospital. Duguan ang kaliwang bahagi ng ulo nito dahil sa lakas ng impact ng pagkapalo nung ka-engkwentro nila.
Hindi mapigilan ni Jackson ang mapalakad ng paroo't parito sa labas ng ICU room. Kahit pa kanina pa siya pinagsasabihan ng uncle niya na kumalma ay hindi niya magawa. Paano siya kakalma kung nasa loob ng ICU si Lucille.
Nakakainis lang kasing isipin na palagi nalang itong napapahamak dahil sa pagtulong sa ibang tao.
Sa isiping iyon ay napabaling siya sa kinatatayuan ni Nicolo na noon ay, kagaya niya, hindi rin mapakali sa kinatatayuan nito
Sumugod na rin ang buong team nang malaman ng mga ito ang nangyaring disgrasiya. Kaya naman, literally, hindi lang naman siya ang nag-aalala. Mas tamang sabihin na mas lalo lang siyang apektado, he's the boyfriend in the first place.
Naalala niyang gustong niyang sugurin kanina si Nicolo dahil ito naman talaga ang nagpahamak sa babae pero pinigilan niya ang sarili niya na gawin iyon. Uunahin pa ba niya ang galit dito kaysa kay Lucille? Hindi naman maibabalik ang mga nangyari na kung sakali mang labanan niya ito. Naiinis siya, oo, pero natabunan na ng matinding pag-aalala sa kalagayan ni Lucille ang galit na nararamdaman niya kay Nicolo.
Wala siyang ibang pwedeng gawin sa mga sandaling iyon kundi ang ipanalangin sa Dios na sana ay magiging okay ang kalagayan ng babae.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling mayroong masamang mangyari rito. Hindi niya kakayanin!
Dumaan ang araw, linggo at buwan na hindi parin nagigising ang dalaga. Pagkagaling sa practice ay deretso na agad siya sa hospital. Gusto niya na kung magigising man si Lucille, siya ang unang masilayan ng mga mata nito. Naabutan niya ang mama nito na mugto na naman ang mga mata habang nakahawak ang mga kamay sa palad ng dalaga.
Naabutan niyang kinakausap ng mahina ng ginang si Lucille.
"Good afternoon po, tita," mahinang sabi ni Jackson nang tuluyang makalapit dito.
Nginitian lang siya nito saka muling ibinaling ang atensiyon sa nakapikit na anak.
"Tita, may dala po akong pagkain," iniabot niya ang isang supot ng pagkain na nasa loob ng styro.
"Salamat sa pag-alala Jackson. Hindi mo na naman kailangan na gawin ito."
"Paano kung kayo naman po ang magkasakit. Paano kung magising si Lucille at hindi kayo makita dahil nagkasakit po kayo dahil napabayaan ang sarili niyo. I know hindi gugustuhin ni Lucille na mangyari 'yon," nag-aalala kong sabi.
"Ang bait mo talagang bata," isang pilit ngunit nakakaintinding ngiti ang sumungaw sa labi ng ginang. "kaya naman masaya ako at ikaw ang naging kasintahan ng anak ko. Alam kong pwede kong ipagkakatiwala ang anak ko sa'yo," pagkasabi noon ay napahikbi naman ito. "Sana lang at magising na si Lucille. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala pa sa akin. Siya nalang ang natitira kong pamilya. Ang anak ko nalang ang tanging kasama ko sa buhay."
Nakakaintinding hinawakan ni Jackson ang balikat ng ginang at mahinang pinisil iyon. "Magigising rin po si Lucille tita." Gustong magtiwala ni Jackson na hindi magtatagal ay magigising rin si Lucille at muli na nilang makakasama.
Miss na niya ito ng sobra.
May mga pagkakataon din na kasama niya sina Jiro at Lea sa pagdalaw kay Lucille sa hospital. Maliban sa kanya, ang dalawang ito ang labis ring nag-aalala kay Lucille at ang may ibig na makita itong magmulat ng mga mata. But most of the time, siya lang itong hindi lumiliban sa pagdalaw kay Lucille, may mga kanya-kanya rin kasing ginagawa ang mga ito.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...