Chapter 9: Getting Closer

281 101 85
                                    


"How will you know if it's the right decision if you never make it?"

*****************************

Maagang nagising kinabukasan ang dalaga. Naalala niya ang sinabi ni Jackson na susunduin siya nito. Hindi sa anupamang rason kaya siya gumising ng maaga. Hindi dahil sa gusto niyang magpa-impress sa lalake. Hindi rin dahil sa interesado siya dito kaya kinakailangan niyang gumising ng maaga dahil susunduin siya nito. Kundi dahil sinanay siya ng mama niya na huwag mahuhuli sa pagpasok at sa anomang usapan. Masama na pinaghihintay ang tao, 'yon ang laging bilin ng mama niya.

Kasalukuyan niyang pinupusod ang buhok sa harap ng salamin nang pumasok ang mama niya.

"Akala ko ay nakahiga ka pa. Himala at maaga kang bumangon ngayong araw," nakangiting sabi ng ina na parang may halong pang-aasar sa tinig.

"Maaga naman talaga akong gumigising mama, sadyang napaka time-bounded niyo lang po. Palagi niyo akong pinapaalis an hour ahead sa usual time dahil ayaw niyo pong nahuhuli ako," sagot naman niya na binuntunan pa ng kunting tawa ang sinabi.

"Ayoko lang na nahuhuli ka anak. Alam mo naman na ayoko sa mga taong makupad," depensa naman ng mama niya. "Pagkatapos mo diyan ay bumaba ka na agad at mag-almusal."

Napatango lang siya saka tumalikod na ang ina.

"Mama, may susundo po sa akin ngayon papuntang school," paalam niya. Kasalukuyan silang kumakain nun.

"Kaibigan mo?"

Napatango lang siya.

"Lalake o babae?"

"Lalake po."

"Baka nanliligaw 'yan sa'yo?" pag-uusisa ng mama niya pero hindi naman ito galit.

"Hindi po ma, nagmagandang loob lang. Isa pa, kung may manliligaw man po sa akin, of course ikaw ang unang-unang makakaalam. Alam niyo naman po na hindi ako naglilihim sa inyo, di'ba?"

"I know anak, kaya nga malaki ang tiwala ko sa'yo because I know you are responsible enough to make decision."

"Thanks ma." Saka nagpatuloy na sila sa pagkain.

Palabas na rin siya ng bahay nang siya namang pagdating ni Jackson. Nakangiti pa ito nang lumapit sa kanya. Alanganing sinagot niya ang ngiti nito.

"Good morning po, ma'am," ani Jackson nang sumunod na lumabas ang mama ni Lucille. Maging ang dalaga ay napalingon din sa ina. Hindi niya kasi namalayan na sumunod pala ang ina sa paglabas niya.

"Mama, si Jackson po, kaibigan ko. Jackson, ang mama ko, si mama Tina," pagpapakilala ng dalaga sa dalawa.

"Hello po," masiglang bati ng binata.

"Kapag may time ka, hijo, dumaan ka naman dito sa bahay. Para naman makilala ko ang mga nagiging kaibigan nitong anak ko," anang mama niya.

Tiningnang mariin ni Lucille ang ina. "Mama, kaibigan ko lang po siya," halos pabulong na sabi ng dalaga sa ina. Alam niya ang ibig sabihin nito sa tono ng pananalita nito. At nahihiya siya sa pwedeng isipin ng lalake sa tinuran ng mama niya.

"What? Wala akong ibang ibig sabihin," ganting bulong ng mama niya ngunit may diin sa tinig nito.

Naiintindihan ni Jackson ang mga lihim na pinag-uusapan ng mga ito kaya naman bahagya siyang napatawa.

"I will surely do that ma'am," ang sabi nalang ni Jackson.

"Alis na kami 'ma," paalam ng dalaga saka nilapitan pa ang ina at hinalikan sa pisngi.

"Ang saya niyong tingnan ng mama mo. Naiinggit ako," masayang komento ng lalake.

"Bakit, hindi ka ba masaya kasama ang mama mo?"

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon