Chapter 45: Things Happen!

123 9 2
                                    

"Goodbyes are not forever. Goodbyes are not the end. They simply mean I'll miss you, until we meet again!" Pinterest.

****************************

"Hey! Wait up. Punta tayo ng canteen, bigla akong ginutom matapos ang klase ko."

Napalingon siya sa babaeng biglang sumulpot sa tagiliran niya. Mabilis nitong ipinulupot ang braso nito sa braso niya. May dala-dala itong paper bag sa isang kamay, ang laman noon ay mga test papers. 

"May magagawa pa ba ako kung ganyang nakapulupot ka na sa akin."

"Hey, careful!" baling naman nito sa isang estudyanteng babae na patakbong sumalubong sa direksiyon nila.

"Pasensiya na po Miss Claire," napayukong hinging paumanhin nito.

"And please, no running in the hallway! Kailan ko ba dapat ulit-ulitin na bawal ang tumakbo sa hallway!"

"Sorry again, miss."

"Just go!"

Nahihiyang umalis naman agad ito.

Lihim naman siyang napapailing. Sa harap ng mga estudyante ay napaka-strict nito pero kapag silang dalawa ang magkasama ay napakakalog nito. Hindi mo mapaghahalatang isa itong guro.

It's been a week mula nang magbalik si Lucille sa kasalukuyan niyang panahon. At marami ang nagbago sa pagbalik niya na hindi niya inaasahan. Maging ang memorya niya sa loob ng sampung taon na nagdaan ay nagbago rin. 

Nagulat pa siya noong nagmulat siya ng mga mata at matagpuan ang sarili niya na nasa ibabaw ng kama niya. Humahangos pa siyang bumaba noon ng hagdan para siguraduhin kung saan siya naroon. 

"Masama yata ang gising mo?"

Hindi kumurap si Lucille. Is she seeing her mom for real?, ang laman

"Mama?" magkahalong saya at pagtataka ang rumehistro sa mukha niya nang makita ito na suot ang apron nito at naghahanda ng agahan nila.

"Okay kalang ba?" nag-aalaaman itong lumapit sa kanya at sinalat siya sa noo. "Wala ka namang sakit ah, okay kalant ba?"

Hindi na nagawang sumagot ni Lucille at dali-daling niyakap ang ina. Napakasaya niya na makita ito. Nagtagumpay ba siya sa mission niya? Gusto niyang maniwala na oo. Paano si Jackson? Nagkita na ba sila ulit? Pilit niyang hinahagilap sa memorya niya ang mukha nito. Pero sa ilang sandaling pagbabalik-tanaw ay walang mahagilap ang utak niya. Ganoon pa rin ang huling alaala niya rito. Ang paghihiwalay nilang dalawa sa dalampasigan.

Sa isiping 'yon ay napaluha ang dalaga. Jackson, nasaan ka na?

"Lucille, ano bang nangyayari sa'yo?" 

Gusto niyang sisihin ang sarili niya dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay napaka-emosyonal pa rin niya. "Mama, wala po. Okay lang po ako." Mabilis niyang pinahid ang luha sa mga mata niya. Hindi pwedeng mag-alala ang mama niya para sa kanya. Dapat ay masaya lang silang dalawa. "Biglang namalat ang lalamunan ko, inom lang ako ng tubig mama," kunwa'y sabi niya saka kumalas sa pagkakayakap dito.

"Maligo ka na rin at baka mahuli ka pa sa trabaho mo."

Alanganing napatango si Lucille pero matapos makainom ng isang basong tubig ay pumanhik na nga rin siya pabalik ng kwarto niya.

Lihim niyang pinagmasdan ang kabuoan ng bahay nila. Nagbago na nga ang itsura nun. Hindi na siya nakatira mag-isa sa isang paupahang bahay. At habang pilit na ibinabalik ng dalaga ang isip niya sa kasalukuyan ay unti-unti namang pumapasok sa utak niya ang mga impormasyon na kailangan niya.

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon