"Do not be afraid to try something new."
******************************
"Wow, ang ganda naman ng bahay ni Ma'am!" Hindi maiwasang bulalas ni Lucille.
Hindi man mala-mansiyon ang laki ng bahay, napapaligiran naman ito ng mga naggagandahang halaman. May puno ng manga, santol, mangosteen, makopa at bayabas sa gilid at likod ng bahay. Kaya naman hindi mapigilan ni Lucille ang mapamangha.
Sabi kasi ng marami, mababait daw ang mga taong nakatira sa isang bahay na maraming halaman at pananim. At dahil nature lover sila, sensitive din sila sa pakikitungo sa iba. Hindi naman niya alam kung totoo 'yon. Pero most of the time ay ganoon din naman ang nakikita niya, so, maaaring totoo nga rin.
Nakangiti si Mrs. Mybel nang pagbuksan sila ng pinto.
"Pasok." Mas niluwangan pa nito ang pagkakabukas ng pinto.
Nakasunod lang silang apat sa ginang. Sinundan nila ito papuntang kusina. Pansin din nilang hindi pa nailalapag ang lahat ng pagkain sa mesa kaya nag presenta silang tumulong.
"Kayo po ang naghanda ng lahat ng ito Ma'am?" hindi maiwasang tanong ni Lucille. Ang dami kasi ng mga inihanda nito.
"Well, tinulungan din naman ako ng ilang mga kasambahay namin. But personally I prepared most of it. Darating kasi ang anak ko ngayon galing sa ibang bansa kaya inihanda ko ang lahat ng mga paborito niya," masayang pahayag ng ginang. "Batid kong miss na rin ng binata ko ang mga pagkain natin dito," dagdag pa niya.
Nakikita niyang excited talaga ito. Wala sa loob na tinitigan niya ito.
"Ano?" maang na tanong ng ginang, nakangiti pa rin ito.
Napailing lang ang dalaga.
"Masaya lang po ako makakita ng isang masayang pamilya. Nakakagaan sa pakiramdam."
"Did you live with your parents?"
"Well, mama ko lang po ang kasama ko ngayon, pumanaw na po kasi ang papa ko."
"Sorry to hear that." Malungkot ang mukhang sabi ng ginang.
"It's okay, tanggap ko na po na ganun ang nangyari. Ang importante naman po ngayon sa akin ay kasama ko ang mama ko." Saka pinakalma na ni Lucille ang kalooban.
"So, ano na po? May iba pa po ba tayong gagawin?" pag-iiba ni Lucille.
"Oh yeah, I remember. Ihahabol ko pang lutuin itong pasta. Paborito kasi 'to ng pamangkin ko. Wala 'yong ibang gustong kainin kundi spaghetti," naiiling ngunit nakangiting sabi ng ginang. Saka inilagay ang isang kilong pasta sa kumukulong tubig.
"Marunong po akong magluto ng spaghetti, paborito rin po kasi ng papa ko ang spaghetti. Baka gusto niyo po na ako nalang ang magpatuloy sa pagluluto para makapaghanda na rin po kayo. Para may oras pa po kayo na makapag-ayos," mungkahi ng dalaga.
"Are you sure?" paniniguro naman ng ginang.
"Hundred percent sure!" masiglang sagot ni Lucille.
"Okay," anang ginang na itinaas pa ang dalawang kamay bilang pagsuko. "So, maiiwan na muna kita."
Tumango lang si Lucille.
Matagal na ring hindi nakakapagluto ang dalaga at bigla niyang na miss ang kusina. Kahit naman kasi nandito siya sa nakaraan niya, sariwa pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kasalukuyan. Sa limang taon kasing pagtatrabaho sa bookstore, hindi na masyadong nakakakain ng masarap ang dalaga dahil na rin palagi siyang nagmamadali at nag-iipon din siya ng pera para makapag-aral sa kolehiyo.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...