"I do like you but I guess I have to keep it by myself!"
******************************Napapahikab si Lucille habang ibinabalik ang mga aklat sa bookshelves. Biyernes nun ng hapon, si Gina ang kasama niyang nag-aayos ng aklat habang ang dalawa pang lalake ay abala sa pagwawalis ng sahig at pagliligpit ng ilang libro na naiwan sa mesa at inilalagay sa cart para naman ibigay sa kanilang dalawa ni Gina.
Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang naging practice game nila. Every morning nalang din ang pagsama ni Lucille sa practice ng mga ito. Ang oras niya kinahapunan ay ginugugol naman niya sa trabaho niya sa loob ng library.
"Mukhang napagod ka ah," puna ni Gina.
"Medyo lang naman," sagot naman niya na hindi na nag-abalang tingnan ito sa mukha.
Narinig niyang napabuntong-hininga ito. Doon lang siya tumingin kay Gina na napakunot pa ang noo.
"Anong problema mo at napapabuntong-hininga ka diyan?"
"Wala lang, napapaisip lang kasi ako sa bigat ng mga ginagawa mo," wari'y nag-aalalang sabi nito.
"At bakit naman?" siya naman ngayon ang napakunot ang noo. Wala kasi siyang mahanap na rason para maramdaman 'yon ni Gina.
Muli napabuntong-hininga ito bago nagsalita ulit. "Hindi ka ba napapagod sa mga pinaggagawa mo? I mean, maliban kasi sa pagiging library aide mo ay basketball consultant ka pa, tapos nag-aaral ka pa. Hindi ba mahirap ipagsabay ang mga 'yon?"
"Hay naku, akala ko naman kung ano na? Yon ba ang inaalala mo?" Ang dalaga naman ang nagpakawala ng buntong-hininga saka ngumiti. "Salamat naman sa pag-aalala mo pero wala ka namang dapat na alalahanin, kasi okay lang ako. Sanay ako na maraming pinagkakaabalahan sa buhay. Isa pa, mas mabuti na 'yong may pinagkakaabalahan kesa sa wala. Baka kung ano pa ang maisip kong gawin," paliwanag naman ni Lucille.
"Kunsabagay mas mabuti nga 'yon," anitong napangiti na. "Kaya siguro nagsisimula na akong humanga sa'yo dahil sa pagiging workaholic mo."
"Workaholic ka diyan!"
Tapos natawa silang dalawa saka napapailing.
"Gina, Lucille, ito na 'yong mga huling books. Nalinis na namin ni Edwin ang bawat sulok at naibalik narin ang mga upuan sa tamang ayos. Mauuna na kami sa inyong dalawa. May iba pa kasing gagawin," ani Ronnie.
Sabay namang napatango ang dalawa.
Palabas na ang dalawa nang sumungaw ulit ang mukha ni Ronnie.
"Nandito pala si-," anitong hindi na natapos ang sasabihin.
Napakunot ang noo nilang dalawa.
"Ha?"
"Wala," anitong napapakamot ng ulo. "Sige, bye!" muling paalam nito.
Muli ay napatango silang dalawa saka nag wave.
"Ano ang problema ng mga 'yon?" aniyang napapailing saka nagpatuloy na sa ginagawa.
"Maiba tayo Lucille," pag-iiba ng topic ni Gina.
"Hmm?" ani Lucille na ngayon ay nasa kabilang shelves at ibinabalik ang mga librong ibinigay sa kanila ni Ronnie.
"Kayo na ba ni Jackson?"
Natigil naman sa ginagawa ang dalaga. Hindi niya napaghandaan ang tanong nito.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Wala lang."
"Anong wala lang? Of course, may pinaghuhugutan 'yang mga sinasabi mo ngayon. Tell me, bakit mo natanong 'yan?" Andito na naman si Lucille sa pagiging mausisa niya. At hindi 'yan titigil hangga't hindi nakukuha ang sagot na gusto niya.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...