"Always go with the choice that scares you the most, because that's the one that is going to help you grow." Caroline Myss
******************************
Nakatulugan na ni Lucille ang pag-iisip sa proposal ni coach Bernard. Kailangan niyang makapag-desisyon kinabukasan. Naalala pa niya ang masiglang mukha ni coach nung kinakausap siya nito.
He positively assume that she will accept his proposal.
She wanted to help, of course. But, she has to think it over.
************
"Lola?" nagulat pa si Lucille nang makita ang matanda. Nandoon na naman silang dalawa sa garden. Kunot-noong nilapitan niya ito sa kinauupuan saka napalinga-linga sa paligid.
Muli, sila lang dalawa ang naroon sa lugar na 'yon. Naisip niya agad na baka nasa panaginip na naman niya ang matandang babae. Para kasing nasanay na siya sa ganoong set-up.
"How's your life?" masayang tanong nito.
"More than okay, lola. Thanks for the chance," sagot naman niya saka naupo sa tabi nito.
"Huwag kang magpasalamat sa akin. It's your life you're making, just let your decision make a difference."
Napangiti ang dalaga ngunit maya-maya ay napakunot din ang noo.
"You're in my dreams again, lola. Bakit po tayo nagkikita rito sa panaginip ko? Hindi ko po maintindihan."
"Bakit, ayaw mo ba na magkita tayo ulit?" parang nagtatampong sabi ng matanda.
"Of course, gustong-gusto po. May mga bagay po akong gustong itanong sa inyo. Mga bagay na bumabagabag po sa aking isipan. Gaya ngayon, di ko maintindihan kong bakit hindi kagabi, hindi noong mga nagdaang gabi, kundi bakit kailangang ngayon tayo magkita?"
"Ano naman ang mga gusto mong itanong?"
"Kung mananatili po ba ako sa panahong ito? O, kung babalik pa ba ako sa panahon kung saan talaga ako nagmula?"
"Bakit, ayaw mo na ba sa panahong ito? Nagsisisi ka ba sa naging desisyon mo?"
"Hindi po, lola. Masaya po ako rito, malayo sa pinagdaanan kong buhay dati. Mababait ang mga taong nakakasalamuha ko rito kaya masaya po talaga ako. Hindi ko lang talaga maiwasan ang mag-isip."
Napapatango lang ang matanda.
"Talagang malikot ang isipan mo, nuh. Along the way, malalaman mo rin kung bakit ka naririto. Mahirap ipaintindi sa'yo lahat kasi hindi naman lahat ng bagay ay kayang ma- explain sa salita lang, dapat din itong makita ng dalawa mong mga mata at ma-experience. Hahayaan kitang madiskubre ang ilang mga bagay na naging dahilan din kung bakit ka naririto."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" mas lalong nagtaka ang dalaga.
"Kung may mga bagay na gusto mong mabago sa nakaraan mo, may mga bagay din na mababago sa mga taong nakakasalamuha mo dahil nagiging part ka na ng buhay nila. Kaya kung ano man desisyon na gagawin mo, kailangang maging wise ka sa pagpili nito."
"Paano ko po malalaman na tama ang gagawin ko?"
"Dahil dito," anang matanda saka inilagay ang kanang palad sa ibabaw ng kaliwang dibdib. "Your heart and your conscience will tell you kung tama ang gagawin mo o hindi," seryosong sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/117696304-288-k590115.jpg)
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
Storie d'amoreLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...