Chapter 30: Things that I can't explain!

128 12 0
                                    

"Change the way you see things and the things you see will change." Dr. Wayne Dyer.

*****************************

Mula noong mangyari ang aksidente ay palagi ng nakabuntot si Jackson kay Lucille. Sa bawat sulok ng campus ay palagi mo silang makikita na magkasama. Masasabi nga siguro talaga na over-protective itong si Jackson, over-protective lalo na sa mga taong mahalaga sa kanya.

Kahit na papaano ay unti-unti na ring naibabalik ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Lea lalo pa at nagsusumikap ngayon ang dalaga na baguhin ang perspective niya sa buhay. Nagawan na rin niya ng paraan para malinis ang pangalan niya sa cheating issue na nangyari noong nagdaang mga araw.

She finally learn how to stand and defend herself. Unti-unti na rin niyang naibabalik ang kumpiyansa sa sarili dahil na rin sa tulong ng mga taong nasa paligid niya.

Dahil sa mga nangyari sa buhay ng dalaga ay mas lalong naging malapit ang loob niya kay Lucille. Habang tumatagal ay mas lalong gumagaan ang loob niya para sa dalaga. Pakiramdam nga niya ay nagkaroon na siya ng bagong bestfriend sa katauhan ni Lucille. Unti-unti na rin niyang nakakalimutan ang pagtingin niya para sa dating kaibigan. Natuturuan na niya ang sarili na huwag maging masyadong affected sa tuwing nakikita ito.

Lunch break kaya naman sinusundo na niya si Lucille sa huling klase nito. Mas maaga kasing nagtatapos ang klase nila kumpara sa schedule nila Jackson. Kaya naman ay nagpatiuna na silang dalawa sa cafeteria. Doon nalang nila hihintayin ang mga ito.

Hindi matawaran ang sayang nadarama ni Lucille dahil nakikita niyang nagbubunga ang mga ginagawa niya. At least magiging panatag na ang loob niya kung sakaling panahon na niyang umalis sa panahon na 'yon. Bakit niya naisip 'yon? 'Yon ay dahil sa nangyari noong nakaraang mga araw sa loob ng infirmary.

Matinding takot ang nadarama ni Lucille noong mga panahong nagising siya at makita ang nakatunghay na mukha ni Jackson paggising niya. Akala niya kasi ay hindi na niya makikita ulit ang binata. Ang mahigit isang oras na pagkakatulog niya ng mga panahong iyon ay katumbas ng hindi mabilang na araw na pagliliwaliw  sa isang parang na siya lang ang tanging nilalang na naglalakad.

Sa mga panahong iyon ay ilang beses niyang naranasan na naglakbay ang astral body niya sa iba't ibang panahon. Naalala niya ang bilin sa kanya nung matandang babae na kapag hindi niya nagawa ang misyon niya ay posible na tuluyang maglaho ang katauhan niya sa buhay ng mga taong nasa paligid niya.

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya sa isiping hindi na muling masilayan ang mga taong mahalaga sa kanya. Kaya naman ipinangako ni Lucille sa sarili niya na gagawin niya ang lahat ng pwede niyang gawin para sulitin ang panahon na nalalabi sa kanyang pananatili sa panahong iyon. Anytime soon alam niyang mawawala na siya sa panahong kinaroroonan. At ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang posibilidad na muling makita ang mga taong naging bahagi ng buhay niya sa darating na panahon.

Ang daming pangit na bagay ang nakita niya sa paglalakbay niya. Mga bagay na posibleng maiwasan na mangyari. And one more thing, pitong petals nalang ang naiwan sa panyong ibinigay sa kanya ng matandang babae. At wala siyang ideya kung ano ang posibleng mangyari sa kanya ngayon.

Tinititigan lang niya ang likuran ni Lea na noon ay nakapila para bumili ng pagkain. Hindi na siya nagpumilit na sumama rito sa pagpila, mas pinili na lamang niya ang maupo sa pwesto nila. Naroon siya sa kanang bahagi ng cafeteria kung saan makikita ang apat na maliliit na mesa na pinagdugtong nilang dalawa ni Lea para maging malaki at malapad para sa kanilang dalawa at sa buong team na tiyak niyang dadagsa ilang minuto nalang ang lilipas.

At para hindi mainip sa paghihintay sa pagdating ng mga ito ay inabala na lamang  niya ang sarili sa paggawa ng practice routine ng bawat member ng team in line with their strengths and weaknesses. 

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon