Chapter 13: Lea Bustamante

163 14 12
                                    


   "Sometimes, when you least expect it, you'll realize that someone loved you. And that means that someone will make you smile."

******************************

Matapos ang maikling pag-uusap ni Lucille at ng dean ay si coach Bernard naman ang kumausap sa kanya. Ang dean ay naupo sa ibaba ng railings at pinagmamasdan ang paglalaro sa loob ng court ng team. Ramdam ni Lucille na maging ang dean ay mahal talaga ang larong basketball dahil sa pagiging atentibo nito. Napangiti siya ng lihim.

Iprinisinta niya kay coach Bernard ang naging arrangements niya na ikinakunot ng noo nito. Inasahan na niya ang magiging reaksiyon nito dahil sa unang tingin parang napaka-illogical ng naging pagpili niya. Ganunpaman, alam ni Lucille sa sarili niya na alam niya ang ginagawa niya at papanindigan niya 'yon.

"How did you come up with this arrangement?"

"I just did!" tanging sagot ni Lucille sa pangungunot ng noo ni coach Bernard.

"Give me some reasonable explanation kung ano ang magagawa ng team up ng mga 'to na puro mahihina, walang alam sa teamwork at hindi pa alam ang sarili nilang kakayahan?" tila interesado si coach Bernard na malaman ang rason ni Lucille sa ginawa niyang arrangements.

Kahit puno ng pagtataka ang nasa mukha ni coach, halata naman sa mga mata niya ang pagiging interesado niya. Unang kita palang kasi niya sa kakayahan ni Lucille ay humanga na siya rito. Gusto lang niyang patunayan sa sarili niya na hindi siya nagkakamali sa kaniyang hinuha.

"That's exactly the reason sir, hindi nila alam ang sarili nilang kakayahan at dahil freshman pa lamang ang marami sa kanila, hindi pa sila ganoon ka hasa sa mga kakayahan na meron sila. I know you have your own reason kung bakit po ninyo tinanggap sa team po ninyo ang mga baguhang players. Pag nakita at na-realized nila kung saan sila nababagay, malaking tulong 'yon sa magiging improvements nila individually at the same time improvement ng team," seryosong paliwanag ni Lucille.

Nanatiling nakakunot ang noo ni coach Bernard kaya naman nagpatuloy nalang si Lucille sa iba pa niyang sinasabi, "It's better to show you than to tell you coach," patuloy niya. "Let's stick to your original arrangement as of now, and then later, I will take mine," dagdag pa niya.

Ilang sandali pa ay kinausap ni coach Bernard ang buong team at muling pinapasok sa loob ng court. Limang freshmen ang nasa benches.

Habang nagpatuloy ang paglalaro sa loob ng court ay patuloy naman ang pagrerecord ni Lucille sa mga points at sa mga fouls na nagawa ng bawat isa.

Ang team nina Jackson, Zack, Xian, Marlo at Mico ay nakakuha ng 10 points; samantala, ang grupo naman nina Ken, Blaize, Nicolo, Tyron at Leo ay nakakuha ng 6 points.

Nang sumunod na laro ay nagpalitan na ng team, sina Tyron, Mico, Ken, Blaize at Jiro tapos sa kabila naman ay sina Leo, Nicolo, Xian, Zack at Noel. Hindi na muna pinasali sa laro si Jackson. At sa pagkakatong ito, ang nakakuha ng mataas na puntos ay ang grupo nina Xian na may 8 points habang ang kabilang grupo ay may 7 points.

Apat na beses na palitan ng teammates at sa apat na palitan na 'yon ay paiba-iba rin ang nagiging score.

Halos maubos na ang laman ng sketchpad ni Lucille dahil sa mga isinulat niyang plans, equations at strategies. Iba rin kasi kapag gumagana ang utak niya dahil hindi niya mapigilan ang sarili na isubsob sa mga ginagawa niya.

"Ang seryoso naman ng mukha mo, Lucille. Baka magkapalitan na kayo ng mukha ng sketchpad mo," basag ni Jackson sa pagiging seryoso niya. Napatingin siya rito. Dahil abala masyado sa ginagawa ay hindi man lang niya namalayan na nasa tabi pala niya si Jackson. Hindi niya alam kung ngingitian ba niya ito, susungitan o ano.

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon