"Take a chance. You never know how perfect something might turn out to be." Anonymous.
****************************
Akala ni Lucille ay magiging okay na ang lahat. Everything seems perfect according to plan. Okay na silang dalawa ni Lea dahil magkaibigan na sila ulit.
Dalawang araw ang nagdaan na naging smooth ang takbo ng araw niya. Pero hindi pa pala tapos ang lahat dahil may kasunod pa na pangyayari na hindi niya inaasahan.
Nakita niyang patakbong lumabas sa katatapos lang na klase si Lea. Napatakbo rin siyang tinungo ang pinto ng nilabasan nito para makapagtanong sa mga estudyanteng naroon kung ano ang nangyari.
"Anong nangyari dun?" Agad na tanong niya sa unang estudyante na nalapitan niya.
"She was caught cheating in our exam," mabilis na sagot nito.
"What?" Mulagat ang mga matang sinundan ni Lucille ng tingin ang pasilyong dinaanan ng dalaga. "Are you sure?" Hindi pa rin makapaniwalang baling niya sa babae. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito. That's far from possible. Alam niyang hindi 'yon magagawa ni Lea. She's smart enough to do such thing!
Sa kabila ng pag-iisip ay nahabol pa ng paningin niya ang nakakaasar na pagmumukha nung tatlong kutong-lupa na nasa loob ng classroom, nakatayong nakatingin sa direksiyon niya - nakangisi ang mga labi.
Like what I'm thinking! May kinalaman na naman ang tatlong ito! Kailan ba nila patatahimikan ang buhay ni Lea? Mga walang-hiya!
Hindi napigilan ni Lucille ang pagkuyom ng dalawang kamao. Ang sayang namutawi sa labi niya kani-kanina lang ay agad napalitan ng inis at pag-aalala.
Patakbong sinundan niya ang direksiyong tinungo nito.
"Jiro!" Nagulat pa siya nang masalubong iti sa pasilyo nung paliko na siya sa kaliwang bahagi ng building.
"Lucille!"
"Nakita mo ba si Lea?"
Hindi agad nakasagot ang lalake. Wari'y inirerehistro pa sa utak ang tanong niya.
"Paakyat ng roof top," wala sa loob na sagot nito.
"What?!" Hindi mapakali sa kinatatayuang anas ng dalaga.
"Hey! Ano bang nangyari?" Tila nahahawa na sa nararamdaman niyang kaba si Jiro. Mulagat ang mga mata nito at nakakunot ang mga noo.
"Kailangan muna natin siyang makita. She's in danger."
Malalaki ang mga hakbang na inakyat ng dalaga ang hagdan patungong roof top.
Naguguluhan man ay napasunod lang si Jiro sa kanya. Napapakamot nalang sa ulo si Jiro, habang tumatagal ay mas na-we-weird-uhan na siya sa mga ikinikilos ni Lucille.
Ang ikinamangha niya ay tama ang naging hinala nito nang makarating sila sa roof top. Walang pagsidlan ang kabang kumukubkob sa dibdib niya nang makita ang nanginginig na katawan ni Lea sa may railing. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa may railing.
Ramdam ni Jiro ang matinding takot na baka matisod ang isang kamay nito ay tuluyan itong mahulog.
"Lea? What are you doing?!"
Puno ng kaba at takot ang nakikita ni Jiro sa mukha ni Lucille habang papalapit ito sa kinaroroonan ni Lea.
Ilang beses na napapalunok ng laway si Jiro. Maging ang kanyang mga binti ay tila nakakaramdam ng panghihina dahil sa matinding takot na lumalamon sa puso niya. Magkaganoon man ay sinusubukan pa rin niyang lumapit sa mga ito.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...