"Love knows no boundaries."
************************
Kasalukuyang ibinabalik ni Lucille ang mg aklat sa book shelves nang bigla nalang sumulpot sa tabi niya si Jackson.
"Whoa! Ba't ba ang hilig mong ---," saglit na hindi naituloy ng dalaga ang ginagawa nang mabilis nitong ginawaran ng halik ang mga labi niya. "manggulat," patuloy niya na pinamumulhan ng pisngi.
"What's your plan?" kaswal na tanong nito.
Saglit na sinilip ni Lucille ang kinaroroonan ni Gina. May pa hum pa itong nalalaman. Ilang araw na rin niyang napapansin itong si Gina na nagpupupunta ng music room tuwing hapon para mag-ensayo ng gitara kaya naman naisipan niyang sundan ito, of course sa tulong na rin ni Jackson.
"Kaya nga binilisan ko na ang ginagawa ko ngayon para maagang makalabas dito at sundan si Gina. Kaya kung gusto mong mas mapabilis ang ginagawa ko, eh kung tulungan mo nalang kaya ako." Nakapa-meywang pang anas ni Lucille.
"Oo na," nakangiti namang tugon ni Jackson.
Ang isang positibong resulta na nakita ni Lucille sa pagtatapat na ginawa niya kay Jackson ay mas lalong naging malapit sila sa isa't isa. Hindi na kasi siya nag-aalangan na makasama ito. Ang lalake man ay sinusulit rin ang ilang sandaling makakasama niya ang babae kaya naman halos sa bawat oras ay magkasama silang dalawa.
Mga kalahating oras na ring nasa labas ng music room ang dalawa. Nagtutulakan kung sino ang mauunang papasok. Baka kasi magulat si Gina kung bakit sila naroroon kapag wala silang magandang maidadahilan sa pagpasok nila.
"Ikaw na nga muna ang mauna?" ani Lucille.
"Ikaw na. Sino ba kasi ang may plano nito, di'ba ikaw naman talaga."
"Hmp!" Napaismid nalang ang babae. "Basta 'yong camera ha, ihanda mo."
Pinakalma na muna ni Lucille ang sarili bago ipinasiyang pihitin ang door knob.
Naabutan niyang kumakanta si Gina pero tumigil ito nang makita siyang pumapasok.
"Hey!" Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito. "Bakit ka tumigil?"
"Bakit nandito ka, kayo?" anito nang makita si Jackson na nakasunod sa kanya.
"Narinig kasi naming may magandang boses na nanggagaling dito sa loob kaya nakisilip na kami. Hindi ko akalain na magaling ka palang kumanta, Gina," aniyang pilit na pinapakaswal ang tinig.
"Hi, Gina!" nakangiti namang sabi ni Jackson na itinaas pa ang mga kamay.
Napapakamot naman sa ulong tiningnan silang dalawa ni Gina. "Tama nga ang naririnig kong usap-usapan na lagi kayong magkasama. Ba't ba hindi kayo napaglalayo na dalawa?"
Saglit namang nagkatinginan ang dalawa.
"Bakit gusto mo ba na magkahiwalay kaming dalawa?" saka natatawang tanong ni Jackson.
"Hindi naman sa ganoon. Nakakainggit lang kasi kayong dalawa."
"Hay naku, baka kung saan pa mapunta ang usapan. Para-paraan Gina eh. Sige na, kumanta ka na nga kasi. Iparinig mo na sa amin ang maganda mong tinig," sansala naman ni Lucille.
"Kainis kayong dalawa. Kakaumpisa ko pa ngang mag-aral na tumugtog ng gitara."
"Kakaumpisa? Hello, ang ganda na kaya nung naririnig namin. Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka kumakanta. Ikaw din, hahanapin ka sa inyo."
"Pananakot ba 'to Lucille?"
"Of course not. I am giving you the courage to sing in front of an audience. I heard, plano mong mag-audition sa darating na School Fair. Ayaw mo nun, bago ka man lang sumabak sa mas malaking audience ay makakarinig ka na ng feedback mula sa aming dalawa ni Jackson," pangu-ngumbinsi ng dalaga.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...