"First impression is not always correct."
*****************************Ilang minuto naring nakatayo sa labas ng pinto si Lucille. Urong-sulong parin ang pakiramdam niya kung tutuloy ba siya o hindi nalang. Ilang beses din niyang itinataas ang kamay para sa pagtatangkang pagkatok pero bago paman niya magawang ilapit ang kamay sa pinto ay agad rin niya itong ibinababa.
Walang ibang nagawa si Lucille kundi ang mapakagat-labi.
Napag-desisyunan na niyang umalis nang magsalita si Lea. Sa hindi malamang dahilan ay parang gusto niyang makinig sa kung anoman ang sasabihin ng babae.
"Jackson, I know you are not sleeping. Open your eyes, will you! I need to talk to you!" umpisa nito.
"What?" tunog naiiritang sambitla ni Jackson.
"Tell me the truth. Totoo bang mahal mo si Lucille? Hindi kaya nabibigla ka lang. Hindi naman tayo ganito dati ah. Ang saya-saya nating dalawa. Noon paman ay pinangarap na kitang makasama habang-buhay. Akala ko ganoon ka rin sa akin?"
Gustong manlumo ni Lucille dahil sa narinig. Hindi siya nagagalit dahil sa naging pahayag nito. Bagkus ay naiintindihan niya ang damdamin nito. Kaya naiintindihan niya kung bakit naiinis ito sa kaniya. Sino ba siya para hindi maintindihan ang damdamin nito? Naaawa siya kay Lea dahil alam niya na hindi madaling ihayag ang dadamin para sa isang taong alam mo ay hindi kayang suklian ang nararamdaman mo.
Sa pagbabalik niya, hindi naman niya isinama sa isip niya ang magkagusto sa isang tao. Gusto lang niyang maitama ang mga pagkakamaling nagawa niya. Gusto lang niyang gumawa ng tama.
Hindi niya maiwasang isipin na baka hindi kasama sa pagbabalik niya ang ma involve sa isang lalake. Paano kung si Lea talaga at si Jackson ang nakatadhana sa isa't isa? At ang pagdating niya ay pampagulo lamang sa tadhana ng dalawa. Kung magka ganunman, kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi magkagalit ang dalawa.
Kung kailangan niyang isuko ang umuusbong na pagtingin niya kay Jackson ay gagawin niya, maayos lang ng dalawa ang relasyon nila. They deserved each other. 'Yon ang gustong ikumbinsi ni Lucille sa isip at puso niya.
"Hanggang ngayon masaya naman tayo ah," sagot ni Jackson.
"Hindi na gaya ng dati ang relasyon nating dalawa. Ni hindi ka na nga nagagala sa amin. Masyado ng occupied ang isip mo mula ng dumating dito si Lucille. Ano bang meron siya na wala ako? Ano ba ang kailangan kong gawin para magustuhan mo ako, Jackson?"
"Wala ka namang dapat na gawin. Noon paman ay hanggang sa pakikipag-kaibigan na ang turing ko sa'yo. Ni minsan ay hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ka."
Natutop ni Lucille ang bibig. Hindi niya inaasahan na kayang sabihin ni Jackson ang mga salitang 'yon. Hindi ba niya alam na para sa isang babae, ang marinig mula sa lalakeng nagugustuhan ang mga katagang 'yon ang pinakamasakit.
Narinig niya ang paghikbi ni Lea. Nakaramdam siya ng awa para rito.
"Hindi ako makapaniwala na mapapalitan lamang ng isang stranger na hindi ko alam kung saan galing ang ilang taon na pag-iingat ko sa nararamdaman ko sa'yo. Bakit ka ganyan?" anitong inundayan pa ng suntok ang dibdib ng lalake.
Hinuli ni Jackson ang kamay nito ilang sandali ang nakalipas.
Hinarap niya ang babae.
"I'm sorry Lea. Ganoon lang siguro talaga 'yon. Hindi naman natuturuan ang puso na magkagusto sa isang tao. Pasensiya na kung hanggang sa pakikipag-kaibigan lang talaga ang pwede kong maibigay sa'yo. Kung kaya ko lang turuan ang puso ko na magustuhan ka, disin sana noon pa ay na-reciprocate ko na ang pagmamahal mo," seryosong pahayag ng lalake.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...