Chapter 28: That's How Love Works!

139 12 6
                                    

"Mostly it is loss which teaches us about the worth of things." Anonymous

*****************************

"Okay lang ako Jackson. Salamat sa pag-alala," pilit ang ngiting sabi niya dito. Ayaw niyang nakikita ang napaka-OA nitong mukha kapag nag-aalala sa kanya na para bang anytime soon ay mawawala na siya sa paningin nito. "Kailangan kong makausap si Lea." Muli ay sinulyapan ni Lucille ang kinaroroonan ni Lea. Nakayuko pa rin ito na para bang napagitnaan ng mga taong gustong lumapa rito.

"What?!" Mahina ngunit may diin na sabi ni Jackson na pasimpleng tiningnan ang babae. "Are you out of your mind? Baka mapahamak ka na naman sa paglapit mo sa kanya. I won't let that to happen!"

"Hey," aniya na inihawak pa ang dalawang palad sa mukha ng lalake para ipaharap sa kanya ng maayos at tiningnan ito sa mga mata. "Relax, okay. Hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Gusto ko lang siyang makausap. Ang dami kong dapat na sabihin sa kanya. Please trust me!"

Hindi pa rin nawawala ang negatibong aura sa mukha ng lalake. "The last time I trusted you with her you got into an accident. I won't let that happen again!"

"Jackson, please! Mahirap nalang sabihin but I really need this. Pagkatapos nito, kahit ikulong mo pa ako o itali, I won't complain. Just please, let me do this!"

Napapiksi nalang ang lalake. "Ang tigas ng ulo!"

"Thank you!" aniyang saglit itong niyakap.

Inakay niya si Lea patungong basketball court. Sa ganoong paraan makakausap na niya si Lea, mababantayan pa siya nung tatlo na nakasunod lang sa kanilang dalawa. Kung makabantay naman ang mga 'to parang mga bodyguards niya.

"Why are you doing this to me?" mahinang tanong ni Lea habang naglalakad sila patungong court.

"You're my friend Lea, that explains why!" 

Nasa kabilang bahagi ng court silang dalawa ni Lea nakaupo, habang ang tatlo ay nasa kabilang bahagi naman. Ayaw niyang marinig ng mga ito ang magiging pag-uusap nilang dalawa ni Lea kaya pinakiusapan niya ang mga 'to na huwag lumapit.

Napabuntong-hininga si Lucille habang minamasdan ang hindi mapakaling mukha nina Jackson. Bahagya siyang napailing dahil sa inaasal ng mga 'to pero sa kabila noon ay gusto ring matuwa ng kanyang puso dahil sa pag-aalalang ipinapakita ng mga 'to sa kanya.

Pagkuwa'y muli niyang hinarap si Lea na noon ay tahimik lang na nakaupo sa bench.

Ginagap niya ang mga kamay nito.

"Are you okay?" umpisa niya.

Nag-angat ng mukha ang dalaga.

"How could you ask me if I'm okay kung ikaw itong nasasaktan ko?"

"Because I can feel you," giit ni Lucille. "I've been there. Kung ano ang pinagdadaanan at nararamdaman mo ngayon ay naranasan ko na rin dati. Kaya kahit anong gawin mo, mananatili ako sa tabi mo. Hindi kita iiwanan kahit na gusto mo akong ipagtabuyan."

"Bakit ka ganiyan?"

Hindi sumagot si Lucille. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya sa tanong ni Lea.

"Bakit ka ganiyan?" ulit na tanong ni Lea? "Bakit ang bait mo sa akin?"

Tipid na ngiti lang ang naging sagot ni Lucille sa tanong ni Lea.

"Sapat na siguro ang sagot na 'dahil ayoko ng gulo' sa tanong mo. Isa pa hindi naman sagot sa sitwasyon natin ngayon ang isa pang pagkakamali at galit sa puso. It sounds cheesy and corny pero ganoon lang 'yon. Ayoko ng may kagalit o kaaway lalo pa at pwede namang mapag-usapan ang mga bagay-bagay."

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon