"When I'm not with you I lose my mind."
****************************
"Sino po kayo?"
Koro ng apat na lalake nang tuluyang makalapit sa kinatatayuan niya. Nakakunot man ang mga noo nito, nakikita naman niya ang paggalang sa aura ng mga mukha nito."I'm just a nobody. Aalis din naman ako," aniyang akmang hahakbang na.
"Kasama niyo po ba si coach?" tanong nung pinakamatangkad sa mga ito. Napatigil naman siya para tingnan ito. Nakakunot ang noo ni Lucille. Wala kasi siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Sa pagkakaalam niya ang mag-isa lang siyang pumasok sa loob ng stadium.
"Mag-isa lang naman ako dito." Hindi pa rin maalis-alis ang pagtataka sa mukha ni Lucille.
"Ganun po ba?" napapaisip naman ang binatilyo saka saglit na napailing. "Imposible kasing maiwang bukas ang pinto kung wala si coach. Siya lang naman kasi ang may hawak ng susi rito sa loob tuwing Biyernes," halos pabulong na sabi ng binatilyo pero sapat para marinig niya.
"O sige,magpapaalam na ako. Pasensiya na kung naging trespassing man ako," muli ay hinging paumanhin niya saka tuluyang umalis.
---------
Napa-stretch pa si Lucille matapos makapag-bihis ng pajamas. Nakaramdam kasi siya ng konting pananakit ng katawan gawa ng hindi na siguro nasanay ang katawan niya na tumalon, magtatatakbo at mag-dribble.
Pasalampak na nahiga sa kama si Lucille, hawak-hawak sa isang kamay ang kanyang cellphone.
"Jackson, sana ay makita na kita ulit," aniyang napapabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang larawan nito na nasa cellphone niya. Kung pwede lang sana, kung kaya lang sana niyang hilahin ang orasan para paggising niya ay Biyernes na ulit ay gagawin niya makita lang ito ulit sa loob ng court.
"Sana maging maganda ang bukas," hindi niya mapigilang anas bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
-------
"Ah! Kakapagod."
Napalingon si Lucille sa kasama niyang si Analie. Napa-stretch pa ito matapos isara ang pinto ng stock room. May inaayos siyang mga stocks nung abutan siya nito. Saglit lang niya itong nginitian pagkatapos nun ay ibinalok na rin niya ang kanyang atensiyon sa ginagawa.
"Lucille, sumabay ka mamya ha. May pa birthday kasi si Andrew. Kaya ayon nagyaya na kumain sa labas tapos karaoke narin sa KTV bar."
Napahinto naman sa ginagawa si Lucille at muli itong nilingon.
"Pass na muna siguro ako. Ang dami ko pa kasing gagawin."
"Ano naman kaya?" Napataas naman ang kilay nito. "Ang dami mo talagang mga palusot para lang hindi makasama sa mga lakad. If I know, magmumukmok ka lang naman pagdating sa bahay mo."
Gusto sanang umiling ni Lucille pero napapaisip naman siya sa sinabi nito. Matagal na rin naman kasi niya itong kasama at kahit na hindi naman sila gaano ka close ay kasundo naman niya ito kahit na papaano.
"Minsanan lang naman kasing mang-blowout 'yang si Andrew kaya um-oo ka na para kumpleto ang tropa. Promise ko sa'yo, kapag hindi mo ito nagustuhan, hindi na kita pipilitin ulit." Halatang halata naman ni Lucille na ayaw patanggi nitong si Analie.
Wala naman sigurong mawawala kung sasama siya. Ngayon lang naman. Naisip rin niyang magandang diversion 'yon para mawaglit saglit sa isip niya si Jackson.
"Okay," sa wakas ay sabi niya.
Lumiwanag naman agad ang mukha ni Analie dahil sa confirmation niya na para bang may mas nakatagong dahilan sa ngiting iyon.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...