"Sometimes in life, you just don't have words to explain what you see in a person."
******************************
"At bakit hindi?" Hindi alam ni Jackson kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na iusal ang mga katagang 'yon. Ilang araw na rin kasi siyang binabagabag ng isip kung papaano niya papakalmahin ang sarili at kung papaano niya haharapin ang babae.
Mag-a-alas-otso narin ng gabi kaya naisipan na niyang pumasok ng basketball court para sunduin ito. 'Yon din naman kasi talaga ang bilin sa kanya ng tito Bernard niya, ang sunduin at ihatid sa kanila itong si Lucille.
Napatigil ang lahat nang makita ang paglapit niya. Ang iba ay napapayuko, habang ang iba ay napapatingin sa malayo para iwasan ang mga titig niya.
Sa loob ng court ay kinakatakutan siya ng mga kasamahan niya dahil sa pagiging captain niya at sa pagiging seryoso niya pagdating sa larong basketball. Hindi niya gustong ginagawang biro ang paglalaro kahit ang pagpa-practice man lang.
Pero pagdating sa babaeng ito ay nagiging mahina ang depensa niya. Kaya naman gusto niyang ipakita rito na hindi siya nito dapat na minamaliit.
Napaghahalata niyang nanigas ito sa kinatatayuan habang lihim na iniiwasan na mapasulyap man lang sa kaniya.
"Bakit hindi ka makipag-date sa akin?" lakas-loob na tanong niya.
Alam niyang mapapahiya siya kapag agad itong tumanggi sa inaalok niya. Pero bahala na. Gusto niya lang talagang marinig ang magiging sagot nito para matahimik narin ang kalooban niya.
Alanganin itong humarap sa kanya saka nagpakawala ng mahinang buntong-hininga.
"Makipaglaro ka muna ng one on one sa akin ngayon at kapag lamang ka ng kalahating puntos sa akin sa first half ay saka ko pag-iisipan ang iniaalok mo. Pero kung three fourth ng points mo ang makukuha ko ay tatanggihan ko ang iniaalok mo," hamon nito sa kanya.
"Deal!" matapang na sagot niya.
Ibinigay sa kanya ni John Paul ang hawak nitong bola saka nagpatiuna na siyang humakbang gitna ng court. Tahimik lang na naupo sa benches ang mga freshmen na naroon. Nakita pa niyang nilapitan ni Lucille si John Paul at may kung anong sinabi dito.
Ilang sandali pa ay pumagitna na rin si Lucille. Ibinigay niya rito ang bola. "You go first," sabi niya.
Seryoso ang mukhang tinanggap iyon ni Lucille saka napatango ito nang lingunin sina John Paul at Jiro na noon ay hawak-hawak nito ang videocam na pinahiram niya kay Lucille.
Napakunot ang noong hinarap ni Jackson si Lucille.
"Hindi ko naman kailangang manalo sa'yo. Kailangan ko lang ay three fourth ng scores mo. I hope na seseryosohin mo ang larong ito Jackson," mahina ngunit seryosong sabi ni Lucille nang magharap silang dalawa.
Wala sa loob na napatango ang binata.
Sa unang isang minuto ay naka-score na agad si Jackson ng limang puntos habang si Lucille ay hindi pa nakakapuntos kahit isa.
Napapahingal na humarap si Jackson kay Lucille.
"Paano ba 'yan, umpisa palang ay lamang na ako sa'yo!"
"Let see!" tiningnan lang siya ni Lucille.
Hindi man lang namalayan ni Jackson ang ginawang pag-agaw ni Lucille sa bola sa kamay niya habang idini-dribble niya ito.
Napatayo sa kinauupuan ang mga kasamahan niya at napahiyaw nang maipasok ng dalaga ang bola sa loob ng ring.
Lumipas ang ilang minuto na halos dikit na ang scores nilang dalawa ni Lucille. Hindi maiwasan ni Jackson ang hindi makaramdam ng kaba. Mula kasi nang mag-umpisa ang laro nilang dalawa ay hindi niya nakitang kinakabahan ang babae. Kalmado ang naging bawat pagkilos nito. Naging buhay na ni Jackson ang pagba-basketball kaya alam niya kung may panama o wala sa kanya ang nagiging kalaban niya sa loob ng court.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...