Chapter 31: Time is Running Out!

142 13 1
                                    

"I love you and I don't want to lose you."

****************************

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Lucille maging hanggang sa loob ng sasakyan. Kasalukuyan na nilang tinatahak nun ang daan pauwi sa bahay nila Lucille. Tahimik lang na nakaupo sa tabi niya ang dalaga at malalim ang iniisip. Lagi naman!

Kanina pa niya sinusubukang magbukas ng topic na pwedeng mapag-usapan o magtanong man lang pero inuunahan siya ng kaba at hiya.

"Are you okay?" sa wakas ay nagawa rin niyang magsalita sa loob ng ilang minutong pag-iisip. Napahigpit  din ang hawak niya sa manibela nang sabihin iyon saka saglit na napapikit.

Hindi agad nakasagot si Lucille kaya sinulyapan niya ito. Sinisigurado kung narinig ba nito ang sinabi niya.

Isang pilit na ngiti ang sumungaw sa mga labi nito nang tumingin sa kanya.

Nakahinto na ang sasakyan ni Jackson sa tapat ng bahay nila Lucille. At wala man lang ang may balak na bumaba sa kanilang dalawa. Pawang naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita.

"Seriously, okay ka lang ba talaga? This past few days kasi, napapansin kong parang ang daming bumabagabag sa'yo. Palaging nasa malayo ang isip mo. Wala ka bang gustong sabihin sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Jackson.

"Ang totoo?" balik tanong ni Lucille na nakatingin sa kanya ng seryoso. "Ang dami-dami kong gustong sabihin sa'yo pero hindi ko alam kung dapat nga ba. Iniisip ko pa hanggang ngayon kung pwede ko bang maipaalam sa'yo o hindi."

Nangunot ang noo ng lalake nang mapailing ng sunod-sunod si Lucille. Mas lalong bumangon ang curiosity niya na malaman kung ano ang ibig sabihin nito.

"Then tell me. Wala ka bang tiwala sa akin na baka makatulong ako sa dinadala mo ngayon? I find it weird kapag ganyan ka."

Hindi napigilan ni Jackson na hawakan ang mga kamay ni Lucille matapos sabihin 'yon. Gusto niyang iparamdam dito na handa siyang makinig sa kung anoman ang sasabihin nito. Na handa siyang unawain kung anoman ang bumabagabag sa isipan nito.

Bahagyang pinisil ng babae ang mga kamay niya bilang ganri saka nagpakawala ng isang tipid na ngiti. Alam ni Jackson na isang pilit na ngiti lamang ang mga 'yon.

Ano ba ang pwede niyang gawin para pagtiwalaan siya nito? Hindi pa ba sapat ang pag-ibig niya dito para pagkatiwalaan siya nito?

"Jackson," umpisa nito.

"Hmmm!"

"You are one of the most special people I've ever meet in my entire lifetime. At napakasaya ko dahil dun." Nag-umpisang lumamlam ang mga mata ni Lucille habang sinasabi iyon. "Siguro, mahal lang kita ng sobra kaya ganito nalang ang takot na nararamdaman ko ngayon. Takot na baka mawala ka sa buhay ko hindi paman nagaganap ang mga dapat na mangyari."

Mas lalo namang nagdulot ng pagkalito sa lalake ang sinabi niyang 'yon.

"What do you mean by that?"

Muli ay napailing ang babae saka napapikit para pigilan ang mga luha sa pagdaloy.

"Hindi ko alam kung papaano sasabihin at ipaintindi sa'yo. Hindi pa ako handang sabihin sa'yo ang totoo sa ngayon. I may sound selfish pero hindi pa kaya ng sistema ko ang posibilidad na layuan mo ako kapag nalaman mo na ang totoo."

My Time With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon