"Let life caught you by surprise."
******************************
Magpapaalam na sana si Lucille para umalis nang malingunan niya si Micah na abala sa ginagawa nitong fruit carving.
Nagkalat din ang mga balat ng watermelon sa mesa, at pansin niyang parang naiirita ito kaya naisipan niyang lapitan.
"Do you mind?" Tawag pansin ng dalaga rito.
Saglit lang siyang tiningnan nito saka nagpatuloy sa ginagawa. Nanlulumong inilagay nito sa mesa ang carving knife. Tila sumusuko sa anomang ginagawa.
"May I?" sabi ni Lucille saka inilahad ang mga palad.
Napatingin lang sa kanya ang dalagita saka inilagay sa palad niya ang carving knife.
"Are you trying to make a sunflower into this watermelon?" umpisa niya habang ini-examine ang halos hindi na ma-itsurang carving na ginagawa nito.
Alanganin itong napatango, tinatantiya kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi.
"I don't know your hobbies, but with carving, all you have to do is to imagine things. Isipin mo na parang nagsusulat ka lang o di kaya ay gumagawa ng sketch," ani Lucille na paminsan-minsan ay sinusulyapan ito, tinitingnan kung nakikinig ito sa kanya.
Naguguluhan man ay nakatuon lang ang atensiyon nito sa ginagawa niya.
Binago niya ang itsura ng gawa nito. Nasira na kasi at hindi na pwedeng isalba. Binago nalang niya ang concept nito.
Tahimik lang si Lucille sa ginagawa niya habang si Micah ay hindi maalis-alis ang mga mata sa bawat kumpas ng mga kamay niya.
"I know, napaka simple lang nitong ginawa ko. I just want to save whatever is left," ani Lucille nang matapos sa ginawa. She just carve a swan out of it. At 'yong mga pira-pirasong laman ng watermelon ay inilagay niya sa loob.
"That's beautiful, are you kidding me?" manghang bulalas ng dalagita.
"I'm glad at nagustuhan mo. If you want, pwede kitang turuan ng mga basics. Nasa library lang naman ako every afternoon. I'm sure tapos ka na sa klase mo nun."
At lumiwanag ang mukha nito. Nanlaki pa ang mga mata nito saka tiningnan ang kinaroroonan ng ina. "Mommy?" sigaw na tawag nito.
"Yes?" Nagtataka namang sagot ni Mrs. Mybel.
"Pwede ba akong magpa tutor kay ate Lucille sa fruit carving?"
Pagkuwa'y lumapit sa kinaroroonan nila ang ginang, napasunod na rin ang asawa nito, anak at si Jackson. Inusisa kung ano ang pinagkaabalahan nilang dalawa.
Napakamot sa ulo ang dalaga nang magpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa ginawa niya at sa kanya.
"Ikaw ba gumawa nito?" Parang di makapaniwalang bulalas nito.
BINABASA MO ANG
My Time With You (Completed)
RomanceLove moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan si Lucille at kasabay ng kanyang pagbabalik ay ang pagtatagpo ng landas nilang dalawa ni Jackson, i...