Chapter 1

13.4K 133 22
                                    

Matapos sumikat online yung ginawa kong smut story ay hindi na magkamayaw ang mga nagpapadala sa akin ng mga sulat ng pagbati at paghingi ng ikalawang kabanata ng kwento pero buo na ang isip ko hanggang dun na yun di ko na kayang dugtungan pa iyon.

Ako si Kiesha Rachelle Salvador at isa akong online writer. Kilala naman ako sa aking online pen name bilang Kierra matapos sumikat ang kwentong 'The Sex Web'. Walang nakakakilala sa totoong pagkatao. At hindi ako pwedeng makilala.

Kasalukuyan akong nag aaral bilang 3rd year high school sa Lancelot University. Paaralan ng mga mayayaman o may pamilyang kilala sa lipunan.

"Kiesha!!" Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa gate ng paaralan namin ng marinig ko ang matinis na boses ng kaibigan ko na tinatawag ako.

"Ang aga mong mag ingay." Paunang bati ko kay Ronneth,bestfriend ko na halos kaklase ko every year.

"Bat di mo man lang ako tinawagan na mauuna ka,kung di pa ako tumawag sa bahay niyo di ko pa malalaman." Nagpout ito na akala mo naman cute.

"Di ako informed na kailangan yun." Sarkastiko kong sagot na mas lalong nagpahaba ng nguso niya.

"Okay. Okay! Sorry. Unang araw kasi ng pasukan at bilang SSG President,madami akong kailngang asikasuhin. Babawi ako mamaya sayo. Libre kita." Natatawa kong paliwagan.Bigla namang umaliwalas ang mukha nito.

"Kahit ano?" Ani Ronneth na halos magningning na ang mga mata.

"Yup.Pero kailangan ko ng mauna talaga,puntahan mo nalang ako mamaya sa SSG Office at sabay na tayo sa canteen."

"Okay.Byeeeeee!"

Haays! Pag libre talagang to si Ronneth ambilis. Mapera naman,napaka kuripot.

Sa Lancelot University,isa ako sa pinakamataas at pinakanirespetong tao na kailangang maging role-model sa bawat estudyanteng nag-aaral dito. Ang pinakaunang dahilan kung bakit hindi pwedeng malaman na ako ang author ng pinakatanyag na ero-story na "The Sex Web" kundi.

"Waaaah,Rox! Ano? Natapos mo na ba yung The Sex Web?"

"Oo bes,ang ganda!"

"The Sex Web ba? May season 2 na ba?"

"Wala! Naghihintay nga din kmi sa season 2."

"Sana maawa sa atin si Kierra."

Ilan lang yan sa mga usapang maririning ko habang naglalakad papunta sa SSG Office. Bukod kasi sa nakapublish sa 'Wattpad' ang aking gawa ay pinublish ko din ito sa site ng school namin. Bawal yun,pero pwedeng maipost yun bilang confession sa Secret Section ng site namin.

"Good morning Ms. President!" Bati sa akin ni Zynor Chavez,ang SSG secretary.

"Ang aga aga,tigilan mo ako sa trip mo Zynor." Natatawa kong sabi sabay gulo ng buhok niya.

"Ano ba Rachelle,pinaghirapan kong ayusin ang buhok ko." Siya lang ang tumatawag sa aking Rachelle. Isa sa kababata ko si Zynor kaya ganito kami kakomportable sa isa't isa.

Natawa ako. "Natapos mo na ba ang mga pinapagawa ko?"

"Yes. Ito na yung list ng mga bagong estudyante ngayong taon. Akalain mo yun,ang daming babae ang nag enroll ngayon at ang nakakatawa ay ang dahilan."

"Bakit?" Nagtataka kong taong at binuklat isa isa ang files na binigay niya.

"To meet the group of 'V' or mas kilala ngayon bilang character of this talk of the town story 'The Sex Web'!" Natatawa nitong sagot.

"Anong trip ng mga babaeng to?" Okaaaay,dapat ba akong maflatter?

"Well,kung sino man ang writer ng story na yun dapat syang bigyan ng reward ng school na to. Ang lakas ng hatak niya eh."

"Ang tanong,sino nga ba siya?" Inosente kong tanong at kunwaring busy sa pagbabasa ng files.

"Yun ay isang malaking misteryo."

"Wag na nating tutukan ng pansin ang bagay na yan." Pag putol ko sa pag iisip ni Zynor. "Ipasa mo to sa Principal's Office." At iniabot ko sa kanya ang mga files.

Bat di ko naisip ang problemang to? Ahhh kinain na naman ako ng mga kakaiba kong pantasya at nakalimutan kong mag isip.

Paano na? Paano pag nalaman nila na ang SSG president nila si Kierra.

Masasayang ang pinaghirapan ko.

Nakakabaliw.

Pero kasi naman. Maganda naman ang nagawa ng imaginations ko ah.

Okay gumugulo na naman ang utak ko.

Kailangan lang walang makaalam.

Isasama ko sa libingan ko ang sekretong to.

Bahala na si Batman.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon