Chapter 30

2.4K 60 22
                                    

"Will you be my fiancee?"

Napatitig ako kay Jumin. Di ko alam yung sasabihin. Di ko din alam kung nagjojoke ba siya o seryoso.

Fiancee? Ibig sabihin,darating kami sa kasalan?

"Ahh Jumin--"

"I'm serious Kiezha!"

Napainom ako bigla ng Juice na nasa table.

WTF?! Sino ba naman ang paoayag sa ganitong proposal?

Sino? Kahit sino di papayag.

Kahit sabihin na natin na ang hot ni Jumin,tapos matangkad sya,ang firm ng muscles niya,tapos mayaman,yung fierce nyang mata na akala mo lalapain ka lagi. Yung seryosong nyang mga titig at yung mga galaw na pinag iisipan niyang mabuti lagi. Tapos yung lagi pa syang nakasuit ang hot diba?

Mapapa 'Daddy,spoil me please' ka nalang.

So bakit hindi pa ako papayag?

Daig ko pa ang mananalo sa loto.

Pero wala talagang papayag sa ganito.

Ikaw ba papayag ka?

Eh di ikaw na magpakasal sa kanya.

"Ahh Jumin,Ahhhhhh. Pwede ko bang pag isipan to?"

Natetempt talaga akong tanggapin ang offer niya. Pero mabuti akong tao. Pinalaki ako ng mommy at daddy ko bilang dalagang pilipina. Joke. Wala sila nung lumaki ako hahahaha

"Don't worry di ako nagmamadali"

"Pero,Teka Jumin. Kaya ba gusto mo akong dalhin sa condo mo para buntisin ako tas pipikutin mo ako para wala na akong takas na maging fiancee mo. Oh my gad Jumin! Dalagang Pilipina ako!"

"Hahahahahahahaha!" Dali daling napatawa si Jumin. Ngayon ko lang ata syang nakitang tumawa. Yung tawang genuine.

Napatitig naman ako sa kanya. Okay,ang rare kasi ng ganito kahit sino masashock.

"Bakit ka natatawa?Wehh?!Tumawa ka talaga? Ikaw ba yan Jumin?"

Tawa pa rin ng tawa,yung tipong parang tawa ni Seven na may luha luha pang nalalaman at hawak hawak sa tyan pero ang pinagkaiba,ang kay Jumin tawang mayaman at kay Seven naman ay tawang kanto.

"Ang cute mo!" seryosong sagot sa akin ni Jumin. Ang bilis magbago ng emosyon niya. Mula sa kakatawa biglang nagbago ang expression niya sa pagiging seryoso.

"Ang weird mo!" biglang sagot ko sa kanya.

"Umuwi na nga tayo."



Akmang tatayo na dapat kaming dalawa ng biglang may tumawag sa amin.

"Uy! Jumin! Kiezha!" pagtawag sa amin ni Zen na kakapasok palang sa pinto ng cafe,kasama si Seven at Yoosung.

Lumapit sila sa table namin at nakiupo na.

"Bat andito kayong dalawa?Nagdedate kayo noh?" pang aasar sa amin ni Yoosung.

"Anong date pinagsasabi mong bata ka!Sa ugali nyan ni Jumin. Di makikipagdate yan kahit kanino." pabirong sagot ni Seven sa kanya.

"We're actually on a date!" seryosong sagot ni Jumin.

"Wehh? Jumin totoo? Hey baby Kiezha,bakit ka naman nagpapaloko dito kay Jumin?"

Tumawa nalang ako sa kanila bilang sagot.

"Huy Jumin magtigil ka! Di pa pwedeng magdate tong si Kierra. Ikaw Kierra,sino nagsabi sayong pwede kang magdate?" biglang seryoso na si Seven. Nawala na yung lagi niyang nakakalokong mukha.

"Bakit naman hindi?" seryoso ding tanong ni Jumin dito.

"Oo nga Seven. They're both single." pagsulsol pa ni Yoosung.

"Tsaka ano naman sayo seven? Daig mo pa daddy niya." Pasaring pa ni Zen.

"Kasi---Ako ang guardian niya! Huy Kierra Halika dito!" sagot ni Seven. At biglang tumayo ito. "Mag uusap tayo!" Sabi pa nito at tinitigan ako ng masama.

Parang ewan naman tong si Seven. So baka tinotoyo lang to o nireregla ay nagpaalam na din ako sa tatlo at sumunod kay Seven. Pero palabas na ako ng pinto ng biglang pumasok si Seven.

"Bat ka bumalik,muntanga ka." natatawang ani ni Zen.

"Naiwan ko susi ko. Tse!"


"Kwento!" Bungad nito sa akin matapos namin makaupo. Nagdrive pa sya ng kotse sa kabilang kalsada lang naman kaming cafe pumunta. Para talagang ewan.

"Tinotoyo ka ba?" out of the blue kong tanong.

"Oo,akala mo matutuwa akong nakikipag date ka sa isa sa amin."

"Eh bat mo ako nilulunod ng fan service ni V?"

"Para sumaya ka duh?! At wag mong baguhin ang topic. Anong nagdedate kayo ni Jumin ha?!"

"Di kami nagdedate para kang ewan. Niyaya niya lang akong maging fiancee niya!"

"What?!" may palaki laki mata pa tong effect. "Anong fiancee. Magtigil kayo! Wag mong tanggapin."

"At bakit?"

"Wag mong tanggapin. Ang kulit! Wag ng matanong!" sagot nito at binaling ang tingin sa malayo. Napansin kong namumula ang tenga niya. Seryoso atang galit sya.

"Naisipan kong wag ng mag kagusto kay V!" malumanay kong sagot sa kanya.

"Huh?!" nagtataka niyang tanong. Parang ang out of the nga naman kaso ng sagot ko.

"Nakakapagod palang magmahal ng taong may nag mamay ari na."

"Sa akin,ikaw lang pwede mag may ari!" seryosong sagot nito sa akin. Nakatitig siya sa akin na tila sinasabi ng mga mata niya na 'I'm always here'.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon