Chapter 23

3K 67 28
                                    

[SEVEN'S POINT OF VIEW]

Sa totoo lang,masama ang loob ka na bigla bigla nalang akong hinatak papunta dito ni Kierra,sa lugar na wala man lang will para sa akin na mabuhay.

At sakto pa talagang patulog ako? Kung kelan talagang puyat na puyat ako! Ilang program pa ang kailangan kong tapusin! Pero andito ako sa lugar na napag iwanan na ata ng panahon.

7pm plaang halos tulog na ang mga tao. Eh kung pinatulog sana ako ni Kierra kahapon ih di sana gising ko palang yung 7pm.

Ahhhhhh!!

Pero nawala lahat ng inis ko nung matikman ko kanina yung luto ni Nanay Cora. Ang saraaaaaaap! Tinolang manok daw yun sabi ni Kierra. First time kong makatikim nun kaya ang sarap talaga. Ang sarap pag lutong bahay. Well,lutong bahay din naman ang ginagawa ni V pero kalimitan kasi yung madadali lang lutuin.

At aaminin ang refreshing sa lugar na to. Ang tunog ng alon ng dapat,ang pagapas ng dahon ng mga puno kada madadaanan ng hangin. Ang huni ng mga ibon. Hays. Ang refreshing sobra. Parang lahat ng stress ko nawala.

Well,not bad! May kwenta ka din palang babae ka! HAHAHAHAHAHAHHA akala ko kasi puro V lang laman ng utak nito ih.

Crush niya kaya ako?

Kaya niya ako dinala dito.

HAHAHAHAHAHA

Why not Seven. Lamang lang si Zen ng ligo sa akin! At lamang lang din si V ng pagkain ng masustansya sa akin.

Pero gwapo ako. At maganda minsan. HAHAHAHAHA

"May nagustuhan ka na ba Seven?" Tanong ni Kierra sa akin. Kasulukuyan kaming nakaupo sa damuhan ngayon habang nakatingin sa mga bituin.

Ang ganda pala talaga ng kalangitan pag puni ng bituin. Pero bat feeling ko,mas maganda pa rin ako! HAHHAHA

"Hmm oo naman. Gusto kita. Gustong gusto HAHAHAHA" Sagot ko sa tanong niya sabay pitik sa noo niya. HAHAHHAA Ang sarap niya talagang asarin.

"Tang---- ano ba! Seryoso kasi." Naiinis nitong sigaw sa akin ngunit sa mahinang boses para di makabulahaw.

"Oo naman. Ano akala mo sa akin robot?" Pagsagot ko sa nauna niyang ganong.

"Oo,bwisit ka. Isa kang robot na ginawa para tumawa lang." Sagot nito sa akin sabay pout.

"Di ka ba nabibigatan Seven?" Seryosong tanong nito habang nakatitig sa mga bituin. Medyo naguluhan naman ako sa tanong niya.

"Hahahahaha xD ikaw magdala ng dalawang itlog at isang jumbo hotdog Kierra,tas tanungin kita. Mabigat ba?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Ano ba Seven." Pagsaway niya sa akin sabay sapak sa braso ko. Ambigat talaga ng kamay ng babaeng to.

"Nabibigatan ba saan?" Seryoso ko ng sagot. Oo na seryoso na. Sige na. Pagbigyan. Sayang moment.

"Sa buhay mo,sa dinadala mong problema. Masyado kang palabiro at masayahin pero walang kahit isa ang nakakaalam sa amin kung anong buhay nga ba talaga ang meron ka. Alam ko,sa likod ng mga tawa at birong ginagawa mo,sa likod ng nga yun ay ang lungkot na pilit kong tinatago sa pagkatao mo." Sagit nito at nagpakawala ng malalim na hininga.

Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. Oo tao lang din ako. Nakakaramdam din ako ng lungkot at madami akong pinoproblema. Pero dapat pa bang malaman ng iba yun? Bawat tao may problema sa buhay,kailangan ko pa bang idagdag ang problema ko? At ako lang naman ang makakalutas sa sarili kong problema eh.

"HAHAHAHAHAHA XD Nakakita ka lang ng bituin ganyan ka na agad. Si God Seven to! Si Seven tong kausap mo uy! Tsk tsk tsk Kierra. Noob ka pa. Di uso sa akin yan!" Pabiro kong sagot sa kanya at sinabayan ko ng malakas na tawa.

"Alam mo dati. Sa tuwing nakakakita ako bituin ang unang naiisip ko si V. Para siyang isang bituin. Nakikita ko siya at ang layo layo niya at napakahirap niyang abutin." Sabi nito.

"Pero ngayon,sa oras na to. Naisip kong mali pala ako. Kasi ang totoo. Ikaw Seven ay parang isang bituin. Napapasaya mo ako sa kahit anong oras. Kumbaga nagbibigay ka ng liwanag sa akin. Pero deep inside. Mag isa ka lang sa laban mo at mag isa mong tinatahak ang dilim ng buhay." Pagpapatuloy pa nito sa kwento niya. Napakatitig lang ako ngayon sa mukha niya.

Kierra. Anong gusto mong ipahiwatig?

Wag mong ipakita sa akin ang ganyang ugali mo. Wag mong ipakita sa akin na naiintindihan mo ako. Na kaya mo akong kilalanin at tanggapin ng buo.

Baka mahulog ako sayo at hindi ko kayang mapanindigan.

"Seven." Tawag sa akin ni Kierra,nakaharap na sya sa akin ngayon. Pareho na kaming magkaharap sa isa't isa at nagtitigan.

"Ang pangit mo. Wag kang tumitig sa akin!" Pagpuputol ko sa dapat na sasabihin niya. Dahilan para mapapout siya.

Wag Kierra. Kaya ko ang sarili ko at kung anuman ang meron ako.

Wag. Kasi nakakatakot.

Natatakot ako na baka masaktan lang kita sa huli.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon