Chapter 15

3.8K 68 4
                                    

"Ano ba V,hindi dapat ganun yung tanong mo!" Nawawala na sa posture na sabi ni Jumin habang inaalog alog ang balikat ni V na ngayon ay pulang pula na ang mukha.

Maging ako ay namula na din ang mukha sa sobrang kahihiyan dagdagan pa ng dalawang to na sobra kung makatawa.

Nice Seven,ang suppotive mo!

"M-mali ba?" Inosenteng tanong ni V.

"Mali yun,babae yung kausap natin. Ano ba?!" Natatarantang ani ni Jumin na napatingin sa akin. Agad naman itong tumikhim at umayos ng posture.

"Ahem! Wag mo ng pansinin ang sinabi ni V,Kiesha. So, bakit pangalan namin ang naisipan mong gamitin sa kwento mo?" Maingat na tanong ni Jumin.

"Ahh kasi---" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Seven.

"Bakit ba? Hahahahaha the best naman ah!" Ani Seven.

"Oo nga hahhaa! Nung binabasa ko yun naiimagine ko sarili ko at yung crush ko." Singit naman ni Zen.

Bigla namang napaangat ng ulo si Jaehae pagkarinig nun.

"May crush ka?!!" Gulat na gulat na tanong nito.

"Oo naman!Hahahaha" sagot ni Zen sabay kindat pa dito.

"Sino?!" Seryoso ngunit pasigaw pa ring tnong ni Jaehae.

"Ikaw!HAAHAHHAHA" kumindat na naman si Zen dito. Pati si Jaehae di na pinalagpas sa pnlalandi niya.

Namula naman si Jaehae pero agad na nakabawi.

"Tsk,hanap ka nga ng kausap mo dun!" Ani Jaehae na tila nawalan ng gana kaya bumalik nalang ulit ito sa pag ub ub ng ulo sa mesa.

"Manahimik nga kayo!" Saway ni Jumin sa kanila. "So Kiesha?"

"Ahh kasi,a-ano. K-kasi,ahh tama kasi wala na akong maisip na p-pangalan! Palusot ko nalang. Hindi ko masabi na matagal na akong tagahanga ng grupo nila at lalo lalong na ni V,feeling ko mas nakakahiya yun kesa sa natuklasan nilang ako ang writer ng isang mahalay na kwento.

"At wag na nating gawing issue yan Jumin,bakit? Bitin ka ba sa kwento niya?" Seryosong tanong ni Seven. Nakatanggap naman siya ng matalim na tingin mula kay Jumin bilang sagot.

"Woah,joke lang! Hhahahaha pero yun nga,dahil naman dun mukhang magiging malaki ang susunod na party natin eh!"

"Well,tama ka,puro magulang ng kababaihang studyante ang kusang kumokontk sa atin!" Seryosong sagot ni V, pero namumula pa rin ito.

Di ko naman sila masisi kung ganyan ang reaction nila. Mga lalaki sila. Tapos nag iisang babae lang ako dito sa bahay na to na nagkataong writer ng isang mahalay na kwento na ginawa pa silng mga character sa kwento. Nakakahiya,oo! Pero waaaaaah ang cute ni V magblush!!!

"So,Miss Kiesha,komportable ka pa rin ba kasama kami kahit na alam na namin ang sekreto mo? Kung hindi ka komportable,hindi ka namin pipiliting maging muse." Seryosong wika ni Jumin.

"Sus,si Kierra pa!" Ani Seven sabay akbay sa akin.

Kinagay ko naman yung kamay niya kaya halos maiyak iyal sya sa sakit pero pinipigil niyang umaray. Binelatan ko siya.

"Ahem!" Bawi ko nung makitang kung taimtim na nakatigtig sa akin sina V at Jumin.

"Walang bawian! Ako pa rin ang muse ng LFO!" Sagot ko ng may matamis sa ngiti sa labi.

"Good!" Ani Jumin at iniabot ang kamay nito,tinanggap ko naman ito at nakipag kamay sa kanya.

"Goodluck!" Wika ni V at ngumito ito sa akin sabay abot ng kamay ko at nakipagkamay sa akin.

Napatulala naman ako sa ginawa niya. Nahawakaaaan ko ang kamay ni V! Sheeeeet!

Nakatulala lang ako sa kanya at di ko namamalayan na pahigpit na ng pahigpit yung paghawak ko sa kamay niya. Kasabay ng paglakas ng paglakas ng kabog ng dibdib ko.

"A--ahhh! Miss Kiesha,y-yung kamay ko!"

"Ahhh!" Napabitaw naman ako sa kanya sabay tawa ng medyo awkward.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon