Matapos ng pag uusap na yun ay plinano kong iwasan nalang si Seven na hindi naman na ako pinahirapan ng mundo dahil 5 araw ng di pumapasok ang chupol na yun.
Wala naman akong problema kay V at kay Jumin dahil wala naman silang alam. Hindi rin kami nag uusap dahil hindi nman kami close.
Si Ronneth lang talaga ang may lakas ng mukha at matibay na loob ang nakikipag usap sa dalawa. Minsan nga narinig ko ng pinachichismisan siya ng mga kaklase namin.
Wala na din akong masyadong trabahong ginagawa sa SSG maliban sa kokonting reports.
Nasa kalagitnaan ng klase ng tumunog ang cellphone ko ng malakas na syang bumulabog sa katahimikan ng silid. Lahat ng attention nasa akin.
Tumayo nalang ako agad. "Excuse me!"
Tiningnan ko ang tumatawag. Unknown number.
"Hello? Who's this?"
"Namiss mo ba ako?" mapang asar na sagot ng nas akabilang linya. At sa boses palang alam ko na kung sino to.
"Seven Tan. Alam mo bang nasa kalagitnaan ako ng klase." Nanggigigil kong singhal.
"Alam ko." Tumawa ito na tila nang aasar. Kung naging trabaho lang ang pang aasar employee of the month tong chupol na to.
"Pumunta ka sa canteen dali. Emergency! Magsisisi ka pag di ka pumunta ngayon." Nagbago ang boses nito. Mahihimigan mo ang panic at pag aalala.
Pinatay ko na agad ang cellphone at dali daling tumakbo sa canteen.
Hingal na hingal akong pumunta sa table ng grupo nila. Nakita ko sya dun na nakatunghay sa folder. Tumingin ako sa paligid. Wala namang emergency na nangyayari.
"Oh! You're here! Sit down!" Kampante nitong utos sa akin at umupo na din ako sa harap niya dahil hiningal talaga ako. "Water?"
"Don't mind me,what's the emergency?" Tanong ko agad. Tumingin ito sa akin na puno ng pag aalala sa mukha.
"I miss you!" Natigilan ako sa sinabi niya. Di ako handa. Nakatitig lang ako sa kanya at bahagyang napanganga dahil sa shock.
"A---"
"Yun ba ang inaasahan mong sasabihin ko?" Pagpuputol nito sa sasabihin ko nilapag ang folder at tumawa na naman. May luha pa. Walanghiya ka talaga Seven Tan.
"Wala kang kwentang kausap,alam mo yun?" Naiinis kong tugon akmang tatayo.
"Pag ako nawala,mamimiss mo yung walang kwentang kausap na to." Seryoso nitong tugon na inirapan ko lang. Sinisira talaga nito ang araw ko.
"Seven Tan. Sumersyoso ka nga."
"Here." Inabot niya sa akin yung folder na binabasa niya kanina. "Yan yung mga kailangan mong gawin bilang muse."
"Hindi pa ako pumayag na maging muse ninyo."
"Wala ka din namang choice eh. Pagkakakilanlan at buhay mo din naman ang kapalit dito." Seryoso nito g tugon. "Nakausap ko na din ang parents tungkol dito at akalain mo yun,matulungin pala ang nga magulang mo. At oo,pumayag sila."
WTF! Napapayag nila ang magulang ko sa nonsense na bagay na tulad nito. Samantalang ako pumunta lang sa convention,mamatay matay na para makatakas. Masyado kasing mataas ang expectations ng magulang ko sa akin dahil nag iisang anak lang ako. Kaya sobrang higpit nila sa akin at ang daming bawal lalo na sa mga walang kwentang bagay.
"Syempre naman! Walang nakakatanggi sa charm ng isang Seven Tan."
-------
A/N: sorry kung mabagal ako mag update. Sana wag kayong magsawa actually wala pa ako sa umpisa ng kwento ko hahahaParang pinapakilala ko palang yung nga character.
Salamat sa lahat.
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
General Fiction[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...