Walang nakakaalam ng biglaan kong pagpunta dito sa probinsya dahil wala naman akong pinagsabihan kaya gulat na gulat si Nanay Cora,ang tagapamahala ng bahay namin sa, ng dumating ako sa bahay.
"Ohh Kiesha anak,bat andito ka? Di ka nagpasabing pupunta ka dito." Bati nito sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang. Yumuko naman si Seven dito bilang paggalang.
"Ahh hehe sorry na po nay,gusto ko kasing lumanghap muna ng sariwang hangin." Sagot ko sabay mano sa kanya.
"Hay naku anak,buti nalang at laging malinis ang kwarto mo." Ani nito. "Ipagluluto ko na muna kayo ng makakain."
Hinatid ko na si Seven sa guest room.
"Magpahinga ka muna,mamaya pupunta tayo sa bayan para bumili ng mga kailangan mo." Sabi ko dito.
"Ahh teka Kiera,wala ka man lang bang game console dito? O wifi?" Pahabol pa na tanong nito.
"Hays. Di ka talaga matigil sa gadgets eh nuh. Wala nun dito,yun yung purpose kaya kita dinala dito. Mas malala ka pa kay Yoosung eh." Pang sesermon ko sa kanya dahilan para mapanguso siya. Nagmamaktol na naman to. Parang bata.
"Sige na sumama ka sa akin,dun ka muna sa kwarto ko. May ps3 ako dun kahit papano." Sabi ko,di rin ako makatiis eh.
Simple lang ang bahay namin. One-storey building lang ito,parang bungalow type pero sementado. 3 lang ang room dito. Yung akin,ang guest room at ang master's bedroom. Pagkalabas mo ng kwarto ay bububgad agad sayo ang sala tas sa gilid nito ay ang kusina na.
Naligo na muna ako habang si Seven ay naglalaro sa Ps3. Tuwang tuwa pa si chupol akala mo naman ay ilang taong di nakahawak ng console.
Bandang alas kwatro ng hapon ng kumain kami ni Seven. Nilagang manok ang ulam na may papaya. Hilaw na papaya yun okay. Lutong probinsya. Ito ang pinakapaborito ko dito.
Nung una ayaw pang kumain ni Seven dahil nawiwierduhan siya pero nung matikman niya ay halos ayaw ng mamigay ng papaya.
Matapos kumain ay pumunta na kami sa bayan. Bumili kami ng mga kailangan niya damit,brief,short at kung ano pang kaartehan niya sa buhay pero karamihan talaga sa binili niya ay chichirya at coke in can.
"Tiyay,pabakla gani sang paho. Isa ka kilo." Sabi ko dun sa ale na nagtitinda ng mangga. (Ante,pabili po ng mangga. Isang kilo)
"Ha?! Alien word?!" Takang takang tanong ni Seven. Yung mukha niya akala mo natatae. Pilit iniintindi ang dialect na ginamit ko.
"Dialect yun dito. Ilonggo dialect." Pagpapaliwanag ko naman.
"Ohhh,pano ako di ako marunong?" Tinuro pa yung sarili.
"Gusto mong matuto? Baka mahirapan ka." Sabi ko na ikinatawa niya naman ng malakas. Nagulat pa yung ale na nagtitinda ng mangga.
"HAHAHAHAHA Baka nakakalimutan mong si God Seven tong kausap mo! Lahat natutunan ko." Mayabang nitong wika na tatawa tawa pa.
"Kfine Seven. Kfine." Sabi ko nalang at kinuha ang ang mangga na binili.
7pm na kami nakauwi sa isla at halos lahat ng kabahayan dun ay naghahanda na sa pagtulog ang mga tao maging si Nanay Cora ay tulog na. Naghanda nalang sya ng makakain sa hapag kainan at tinakpan iyon.
"Sira ba orasan ko?" Tanong ni Seven sabay tapik tapik sa wrist watch niya. "Pati ata cellphone ko sira na." Pagrereklamo pa nito.
Tiningnan ko yung orasan nya at nakalagay dun ay 7:23.
"Ha? Di naman ah."
"Eh bakit ganun halos tulog na ang mga tao? Sobrang tahimik na." Nagtataka nitong wika.
"Hahahhaaha gago! Probinsiya to malamang!" Sabi ko sabay tawa at hampas sa kanya.
"Maligo ka dali may pupuntahan tayo!" Dugtong ko pa.
"Lalabas?" Tanong pa nito.
"Oo kaya bilisan mo."
"Ayoko nga. Baka may aswang dito. Uso pa naman daw ang mga aswang sa ganitong lugar." Sabi nito na mahihimigan ng takot ang boses nito.
Napatawa nalang ako ng malakas sa tinuran niya.
"WOOOOOOW!" Napasigaw si Seven sa pagkamangha sa ganda na nakikita namin ngayon.
Punong puno ang langit ng mga bituin. Tapos mula dito sa kinatatayuan naming damuhan ay makikita ang liwanag ng buwan na nagrereflect sa dagay. Nagkataong high tide ngayon kaya konting lakad lang ay pwede ng magtampisaw sa dagat.
"Last 3 years ago,mas OA pa yung reaction ko sa reaction mo HAHAHAHA" sabi ko sabay upo sa damuha at tumingin sa kalangitan. Ginaya niya din ang ginawa kong pag upo sa damuhan at pagtingin sa kalangitan.
"Nung una kong nakita ang ganito kagandang kalangitan,naipangako sa sarili ko na ang taong mamahalin ko ng sobra ang unang papakitaan ko nito." Sabi ko. Naramdaman ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin.
"Wag kang assuming" dugtong ko pa. "Nung mga panahong yun si V ang tumatakbo sa isip ko." Sabi ko.
Nabalot lang kami ng katahimikan. Nakatitig sa kalangitan at pinupuri ang kagandahang taglay nito. Habang ang tunog naman ng paghampas ng agos ng dagat sa baybayin ang nagpapanatag sa aming mga kalooban.
Hindi man si V ang kasama ko ngayon. Masaya ako na kay Seven ko unang pinakita ang magandang tanawing ito.
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
Tiểu Thuyết Chung[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...