Binasa ko ang laman ng folder.
Ang pinakamain na trabaho ko ay ako ang kukumbinsi at sasagot sa lahat ng emails ng mga taong iimbitahan nila sa Party. Ako din ang aattend ng meeting kung kakailanganin.
Kung tutuusin hindi mabigat ang trabaho. Maliban sa huling condition.
"Ano to?" Nagtatakang tanong ko. Kasalukuyan syang umiinom ng coke in can.
"Basahin mo."
"Chupol ka ba? Nabasa ko na."
"Bat ka pa nagtatanong?"
"Ang ibig kong sabihin,bakit kailangan kong tumira sa building niyo kasama kayo?"
Isa sa special treatment sa LFO member ay may sarili silang building sa loib ng campus. Bahay nila yun. Sa pagkakakalap ko ng impormasyon ay si Jumin ang nag suggest nun para na din sa proteksiyon ng bawat myembro. Sobrang higpit ng securitu ng building na yun. Promise! Nakakakuha lang ako ng stolen pics dun gamit ang drone na ilang minuto lang itinatagal dahil nag sashutdown din. Siguro dahil sa security na andun.
"Aba Kierra,choosy ka pa? Matutupad ang imagination mo.Ang pinapangarap mo." Natigilan ako. Napaisip ako. Si V,nakaupo sa sofa topless,bagong gising. Tapos lalapitan ko siya,tapos bigla akong madadapa plakda sa ano niya. Kyaaaaah. Omyghad di ko kaya to. Yung puso ko.
"Kierra,yung laway mo.HAHAHAHA" Di ko namalayan na kinakain na naman ako ng imagination ko. At di ko din namalayan na tinatawag niya akong Kierra.
"Don't call me that."
"B-bakit sa akin mo inooffer to?"
"Dahil ako ang iyong fairy-god-seven." Tumawa na naman ito.
"Sa totoo lang,mahirap na wala kaming muse,kasi bawat isa sa amin busy sa kanya kanyang buhay. Last year halos di na matuloy ang party dahil sa nahirapan kaming ipagsabay ang personal na buhay namin at ang organisasyon. Hindi pa nila alam na naghahanap ako ng muse kaya mamaya,ipapakilala na kita sa kanila."
Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Masyado nga naman talaga silang busy.
"At isa pa. Aayaw ka pa ba? Makakasama mo na kami sa iisang bahay. At alam mo ba yung magiging kwarto mo katabi lang ng kwarto ni V." Pangungumbinsi pa nito sa akin habang itinataas taas ang kilay.
Shit! Napakahirap tanggihan nito. Hindi na ako mahihirapang mang stalk. Ano ba!!
"At syempre mabait akong godseven. Kaya ibibigay ko to sayo pag pumayag ka!" May kinuha itong litrato. Iniharap ito sa akin at kyaaaaaahh si V yun na waaaahhh. Si V na nakasuot ng maid costume,may maikling wig at nakaposas ang kamay. Waaaaaahh!
"Waaaaah!SHET KA SEVEN!" Di ko namalayang napasigaw na pala ako sa sobrang saya. "AKIN NA YAN!"
Akmang aabutin ko ang litrato ng ilayo ito. "Oopps!"
"Oo na! OO NA!Payag na ako!" Dali dali ko itong kinuha ng iniabot niya.
Shet! Ang hot niya dito. Tiningnan ko ang litrato. Above the knee ang haba ng maid costume na suot nito. Nakataas pa onti ang palda nito na pinapakita ang magandang legs ni V. Nakahiga ito habang nakaposas ang dalawang kamay. Nakapikit na tila natutulog. Shet! Treasure to!
"Sasambahin na kita Seven!!" Wala sa loob na nasambit ko yun na syang naging dahilan para tumawa na naman si chupol.
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
General Fiction[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...