Chapter 11

4K 63 2
                                    

"Welcome to our home and your new home!" Masiglang bati ni Seven sa akin habang nasa labas pa kami ng building. Hindi pa kami nakakapasok sa loob. Hila hila ko ang dala kong maleta ng biglang humarang ang malapad na likod ni Seven.

"Password" biglang nagsalita ang pinto.Tumikhim muna ito bago magsalita sa tapat ng box. "P-A-S-S-W-O-R-D"

Okay umasa talaga ako sa mahirap na password. Saan ang mahirap dun. Parang ang sarap nalang ihampas ang mukha ko sa pader. Nakakaloka.

"Nice! Ang hirap Seven." Naka poker face ako ng bumukas ang pinto at humarap sa akin si Seven. Malaki ang ngiti nito na tila nagmamalaki pa at naka peace sign.

"Weekly ko binabago yan for security purposes." Tatawa tawa itong pumasok. At iiling iling nalang akong sumunod sa kanya. Di ko alam kung pantao ba ang kinakain nito. Masyadong natotoxic na ata ang utak.

"GUYS!" Malakas na sigaw ni Seven. "GUYS EMERGENCY! PUMUNTA KAYO DITO SA SALA NGAYON DIN!" Tila nagpapanic ang boses nito. Lakas trip talaga.

Nagulat ako ng biglang gumalaw ang tila bundok ng basura sa gilid ng sala,sa may sofa banda. Kumot pala yun na napapaligiran ng basura.Basura ng mga junk foods at canned drinks. Biglang lumbas mula dun si Yoosung na nakapikit pa. Sumasabog ang nanlalaking eyebag nito,magulo ang buhok at may tuyo pa atang laway.

Dali dali kong kinuha ang phone ko at pasekretong kinunan ito.

"Ang swerte kooooo!" Naibulong ko sa sarili kaya di ko maiwasang mangiti.

Maya maya ay humahangos na si Zen papunta sa sala. Nakatapis lang ito sa pang ibaba at walang saplot sa itaas. Basang basa pa ito at tila may shampoo pa ata sa buhok dahil bumubula pa ito.

"Ano yun Seven!" Nag aalang tanong ni Zen. Pasigaw ang boses nito at tila di pa ako napapansin. Siguro dahil nasa likod ako ni Seven.

Again,nakahanda ang phone ko for stolen shots. Shit! Gintong ginto to pag binenta ko.

Okay nakacontinues shot ang camera ng phone ko para di ako mahirapan.

Sunod n dumating ay si Jaehae na naka night dress. Mukhang kakagising lang din. May dala itong laptop. Nakasunod sa kanya si Jumin na nakasando lang at nakaboxer na itim buhat buhat ang puting pusa nito.

Sa totoo lang di ko na kinakaya to. Gusto ng sumabog ng dugo ko sa ilong. Pero I.MUST.RESIST.

"Ano ba yun Seven ang aga aga eh!" Pasigaw ngunit malumanay na tanong ng naglalakad na si V. Baritono ang boses nito na katulad ng iba ay tila kagigising lang din. Ang hot ng bagong gising na boses niya. Waaah di ko marecord sayang!

"Okay! Ganito kaso yun.Una,ipapakilala ko si Kiesha Rachelle Salvador a.k.a Ms.SSG president of Lancelot University as our new Muse!" Lumabas ako mula sa likuran niya at nagpakita na sa iba habang nakayuko.

"Good morning! Sorry for sudden intrusion!" Tiningnan ko sila isa isa at heaven pwede na akong maglakad papunta sa daan ng langit.

"Pangalawa. Nakakahiya ang mga itusra niyong lahat ngayon!HAHAHAHAHA!" Ani Seven at tumawa ng tumawa na tila mauubusan na ng hininga.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Yoosung. Bigla itong tumayo at tumakbo palayo. Pupunta siguro sa kwarto niya. Tumikhim naman si Jumin at tumango kay Jaehae. Sabay silang umalis palayo. Si V naman ay lumapit kau Seven,binatukan ito,tumingin sa akin,ngumiti,sabay alis din palayo.

Habang itong si Zen ay ang laki ng ngiti na nagpose pa sa harap ko. Nakalimuta atang mahuhubo na sya kung wala syang towel.

"Tama na titig. Baka maubos yung abs ko." Bigla akong nahiya sa sinabi ni Zen kaya napayuko ako. Tatawa tawa itong naglakad pabalik sa Shower room.

At itong si Seven,di pa rin matigil sa kakatawa.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon