Chapter 14

3.9K 53 0
                                    

"Ooops" dahan dahang sambit ni Seven,nagpapatunay na nalaman na ang sekreto namin.

Ahhh Seven yan talagang bunganga tatahiin ko talaga yan.

Sabay kaming napatingin sa iba. Nakatigil na sila sa pagkain at at pare-pareho ng nakatingin sa amin. Naguguluhan,nagtataka at nagtatanong.

Well,maliban kay Yoosung na ayun kumakain pa rin. Marahil ay dahil wala syang ideya.

Namayani ang katahimikan sa hapag kainan tanging ang tunog lang ng kubyertos ni Yoosung at maririnig. Kahit ata maghulog ako ng karayon ngayon ay dinig na dinig pa rin dahil sa sobrang katahimikan.

"A--ahhh! Malelate na pala a-ko!Hehehe! M-m-mauna na ako!" Pagbasag ko sa katahimikan at dahan dahang tumalikod akmang aalis na.

"Hahahaha Ohhh! Nakalimutan ko may tatapusin pa pala akong program!HAHAHA!" Ang awkward ng ginagawang pagtawa ni Seven,ang sakit sa tenga. Tumalikod na din at sabay karipas ng takbo walang lingon lingon. Kaya napatakbo n din ako.

"BUMALIK KAYO DITO! NGAYON DIN!" Maotoridad na sigaw ni Jumin na syang ikinagulat ni Yoosung.

"Ha? Anong meron?" Inosenteng tanong ni Yoosung.

"Wala yun. May kalokohan na namang ginawa kasi Seven at kasama niya ngayon si Miss President sa kalokohang yun." Paliwanag ni Jaehae kay Yoosung.

Napatingin naman sa akin si Yoosung na til nagtataka. Kasalukuyan na kming naglalakad pabalik ni Seven sa dining area.

Tinapos muna namin ang pagkain dahil na din sa utos ni Jumin at napagdesisyunang hindi na muna papasok sa first period. Teka,ako ang may mataas na rank dito,SSG President ako pero kinakaya niya lang ako. Aba!

"Seven,Explain!" Malumanay ngunit may otoridad na sabi ni V.

Nasa conference room kami ngayon. May isang mahbang table dun. Nasa left side kami ni Seven ng table,magkatabing nakaupo habang silang lima naman ay nasa right side. Nakatitig na amin. Pakiramdam ko tuloy ay lilitisin kami.

Tumingin ako kay Seven pero petiks lang sya. Kabaliktaran ko na nakayuko at kinakabahn.

"Ganito kasi yun,napag-alaman ko na si Miss president ay si Kierra na writer ng The Sex Web kaya pinamblockmail ko yun sa kanya para pumayag siyang sumali sa org natin at maging muse." Paliwanag ni Seven,walang halong kaba at takot. At nakuha niya pa talagang sabihin ang pambablock mail niya. Mukhang proud pa tong chupol na to.

Ulit napatingin na naman silng lahat sa akin. Di ko maexplain yung tingin nila. Nagtataka,nagtatanong o nanghuhusga? Ewan. Well,maliban ulit kay Yoosung na walang ideya sa nngyayari.

"Miss Kiesha,totoo ba ito?" Tanong ni Jaehae ng diretso at nilinisan ang salamin nito.

Tinitigan ko muna sila bago tumango. Naiiyak na ako sa kahihiyaaaaan!

"Pffft" narinig ko ang impit at pagpipigil ng tawa ni Zen. "Good story!" Natatawang ani ni Zen habang nakathumbs-up sa akin at nagpipigil pa rin ng tawa.

"Dibaaaaa?HAHAHA" Pagsabat naman agad ni Seven.

"Ahem!" Napatikhim si Jumin at uminom ng tubig. "Anong masasabi mo V?"

Napatingin naman si V kay Jumin na may bakit-ako-look. Ginesture lang naman ni Jumin yung ulo niya na til tinuturo ako.

"A-hh. N-nabasa ko yung k-kwentong g-ginawa mo.Hehehehe! A-hhh,p-pinagnanasaan mo ba kami?" Hindi mapakali ngunit mapaghihimigan ng kainosentehan ang tanong niya. Ramdam ko naman ang init sa mukha ko sa sobrang kahihiyan dahil sa tanong niya.

At dahil dun napahagalpak naman ng tawa si Seven,pati si Zen na kanina pa nagpipigil ng tawa ay todo nakikisabay pa kay Seven sa paghampas ng mesa sa kakatawa. Si Jaehae naman ay napaub ub nalang sa mesa,di alam ang dapat ireact at si Jumin naman ay napabuga sa iniinom na tubig sa pagkabigla sa tanong ni V.

At well,ayun si Yoosung mas pinili nlang maglaro ng psp dahil wala naman syang magets.

---_-----------------------------------

Helloooo mga bebe koooo~ sorry ngayon lang nakapag update. XD kakatapos ko lang kasi magpkin kay Juanito! Char~

Tinapos ko kasing basahin ang I Love You Since 1892. Dati pa kasi talaga ako may hilig sa ganitong story. Yung future napuntang past or past na napunta sa future. Well,di ko kasi matawag na present. Kasi present matatawag yun sa POV ng bawat isa na nasa panahon nila XD

At dagdagan p na nag aadik ako sa Mythology ng Pilipinas xD

HAHAHAHA pero char lang bawi ako ngayon.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon