Chapter 2

8.4K 95 23
                                    

"Kieshaaaaaa!" Dinig na dinig na kaagad ang natinis na boses ni Ronneth mula sa labas ng SSG Office.

"Alam mo naman sigurong bawal ang maingay dito." Sambit ko ng makapasok na siya. Saktong sakto kakatapos ko lang sa mga ginagawa ko.

"Nagugutom na ako."

Kinuha ko ang card ko sa wallet. "Oh ito na! Gumastos ka bg kahit magkano wag mo lang ako guluhin. Magpapahinga lang ako at kailangan ko na ding pumasok sa subjects ko mamaya." Inaayos ko na ang mga gamit na nakakalat sa table ko.

"What?!" Pasigaw nitong sambit sa harap ng mukha ko.

"Ano ba Ronneth,kakasabi ko lang na bawal maingay!"

"Hindi pwede,kailangan sumama ka."

"Ayokong nagpupunta sa canteen,madaming tao.Alam mo naman yan."

"Umasa akong sa pagkakataong to makakasabay kita sa pagkain sa canteen."

"Sino ba may sabing umasa ka? Sige magpapahinga na ako" pagtataboy ko sa kanya sabay upo sa sofa. Iidlip nalang muna ako.

"Ayoko. Kailangan magkasama tayo ngayon. Kundi."

"What?" Pinanliitan ko siya ng mata.

Nagpout lang siya bilang ganti. "Kundi,sisigaw ako ng sisigaw dito. Ipagsisigawan kobg crush mo si V,guguluhin ko yung office na to."

"Ha? Baka natakot ako. Chu!Alis!" Napakaisip bata talaga ng babaeng to.

Binuksan niya abg pinto. Tumayo dun sa tapat at huminga bg malalim. Eh di magsisigaw sigae ka dyan.

"Taehyung 'V' Martinez!!! ALAM MO BANG CRUSH KA UMMMHP HMMP HHHHMP!" Dali dali akong tumakbo at tinakpan ang bunganga niya.

"Walanghiya ka!"

"Talaga?! SASAMA KA O SASAMA?"

Wala na akong choice kundi sumama. Ewan ko ba paano pa ako nakakatagal sa babaeng to. Kung di ko lang bestfriend to. Pinatapon ko na sa dulo ng mundo to kung meron man.

"Anong sayo?" Masiglang tanong ni Ronneth habang pinapaikot ikot sa palad niya yung card ko.

"Wala. Ayokong kumain. Sasabayan lang kita para manahimik ka."

"Kailangan mong kumain. Pag di ka umorder--"

"Spaghetti and icetea. Masaya ka na?" Di ko na siya pinatapos,medyo naririndi na ako.

Matapos niyang sabihin ang napakadami niyabg order ay umupo na kami sa isang table na sya din ang nanguna.

"Alam mo ba araw araw na kumakain dito ang grupo nila V?" Pag uumpisa nito,nababagot siguro habang hinihintay ang pagkain namin.

"Canteen to,so malamang oo." Gusto ko lang talagang magpahinga.

Tumawa lang ito bilang ganti at sakto namang dumating ang mga order namin.

Halos nangangahalati na ako sa icetea di ko pa din ginagalaw ang spag. Habang si Ronneth ay di magkamayaw kung ano ang unang isasalpak sa bungabga niya. Tsk,kung kagaya niya lang akong di tumataba kahit anong kain.

"Uhhm excuse me?" Malambing na tinig lalaki ang umagaw sa atensyon ko.

"Yes?" Tanong ko ng di ito nililingon.

"Umm table kasi namin to at darating na yung iba maya maya."

"Kelan pa nagkaroon ng arian dito sa canteen?Di ata ako informed." Walang gana kong sabi. Tumingin ako sa side niya at nagulat akong si Yoosung pala ang kausap ko. Kaibigan o kasama sa grupo ni V. So table nila to.

Tinitigan ko sya. Mukha siyang naiiyak. Ang cute niya talaga.

"Waaah! Ms. President,sorry ikaw pala!" Nagulat nitong sabi. "Naku sorry,maghahanap nalang ako ng ibang table pansamantalaga."

Tiningnan ko ang buong canteen at wala ng available na table.

"Bat di nalang tayo makishare sa kanila. Kasya naman ata tayo dito." Boses ng lalaki yun,at kahit hindi ako lumingon kilala ko kung sino yun. Dahil sa bilis ng puso ko at sa nagwawalang halimaw sa tyan ko. Si Taehyung Martinez o mas kilala bilang V.

Walanghiya ka talaga Ronneth.Sinasadya mo to. Patay ka sa akin mamaya.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon