"Uy V nasan tayo?" Tanong ko kay V. Nasa tapat kami ng isang maliit na bahay. 1 storey building lang sya na nasa pinakatagong bahagi ng isang tahimik na subdivision.
Kanina,matapos naming mag almusal ay bigla niya nalang akong pinagbihis at samahan ko daw siya sa lakad niya. At dahil isa akong,mabait na asawa kaya sinamahan ko siya. Ghhaaad asawa feeling ko nangilabot yung mga bulbol ko.
Ilang araw ng mukhang problemado at laging lutang si V. Kalimitan na din siyang tahimik at halos nagkukulong nalang sa kwarto. Ayaw ko namang magtanong kasi nakakahiya. Yung LFO nga di nagtatanong ih.
Binuksan ni V yung gate at pumasok kaya sumunod na din ako. Gaya gaya ako ih.
Bumungad sa akin ang maalikabok na loob ng bahay. Maganda ang loob niya kaso halatang di na nalilinisan ang bahay na ito.
Pagkapasok mo ng pinto ay bubungad kaagad ang sala. Isang mahabang sofa at mini table na glass. Sa bawat sulok ng bahay ay mga paintings at photograph. Kalimitan ay nature ang subject.
Ngunit sa dami ng nakasabit na pinta at larawan ay isa lang ang umagaw sa pansin ko. Ang pinta ng isang batang babaeng nakangit habang nakatingin ito sa bandang gilid. Maganda ang pagkakapinta. Ewan ko ba,pero sa mga oras na to nararamdaman ko ang pagmamahal,paghanga at pag iingat ng sinumang nagpinta nito.
Mahaba ang buhok ng batang babae na medyo curly. Nakaside view ito pero mapapansin mo talaga ang pagiging inosente niya at ang ganda niyang mukhang anghel.
Mukha siyang familiar.
"Kaninong bahay to?" Tanong ko ulit. Sa tinagal tagal kong nag sstalk ngayon ko nalaman ang bahay na ito. Nakakaapak ng dignidad.
"Mine." Malumanay niyang sagot. Tiningnan ko sya na,maaaninag sa mata niya ngayon ang lungkot na hindi ko pa nakita sa kanya. So sino ang batang babae? Siya ba ang mag pinta nun?
"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Samantalang siya ay nakatitig sa kawalan. O to be specific ay sa larawan ng bata.
"Can you help me clean this house?" Mahinang tanong nito,tumingin na ito sa akin at ngumiti.
"Matagal ko na kasing di nalilinisan to,so dahil di naman tayo busy kaya naisipan kong linisan na ito." Dugtong pa nito sa pinasiglang boses.
"Di lang busy pero walang tayo." Pagbibiro kong sagot sa kanya at itinali ko na yung buhok ko.
"Hahahahaha eh di gawan natin ng paraan para magkaroon ng tayo." Banat nito at tumawa sabay kindat sa akin bago umalis papunta sa kusina.
"Huy! Wag mo akong binibiro ng ganyan! Baka totohanin ko." Pahabol na sigaw ko sa kanya.
"Pwede naman ah! Tulungan pa kita!" Sagot nito at ngingisi ngisi.
WAAAAAAHH! Ano daw. Ghad sanay ako sa ganitong biruan pero di ako ready. Baka totohanin ko to V reypin kita mismo dito.
Habang naglilinis ay di ko maiwasang magtanong kay V.
"V sayo yung mga photograph na yan?" Tanong ko sabay turo sa mga larawang nasa dingding.
"Yup."
"Woaah! Ang gaganda ng kuha mo!" Pagpuri ko. Totoo naman kasi.
"Pero pansin ko,bakit halos nature. Field of flowers at ang araw,paglubog at pagsikat nito."
"Ahhh may nakapagsabi kasi sa akin minsan na para daw ako ang araw niya. Ako daw ang nagbibigay ng dahilan sa kanya para magising sa bawat araw na lumilipas. Ako ang nagbibigay sa kanya ng liwanag. At nagbibigay ng dahilan para mabuhay." Sagot nito habang ngumingiti ng mapakla.
"Siya ba yung tinutukoy mo?" Tanong ko at tinuro yung painting ng isang batang babae.
Tumango naman sya bilang sagot at di na sumagot. Namayani na ang katahimikan sa buong bahay.
So,siya nga ang nagpinta sa batang babaeng yun. So pagmamahal niya,paghanga niya at pag aalaga niya ang naramdaman ko kanina nung tiningnan ko ang pintang iyun para sa babae.
Pagmamahal na kahit ano sigurong gawin ko ay di ko mapapantayan.
Pagmamahal na isang beses lang dumating.
Pagmamahal na alam kong hanggang ngayon ay pinanghahawakan niya pa rin.ppp
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
General Fiction[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...