Chapter 24

3K 64 6
                                    

Ngayon ang balik ni Zen mula Spain balak ko sanang mag pawelcome party sa kanya kahit kami lang sa LFO building kaso nung sinabi ko kay Jumin ay tinarayan lang ako at sabi ni Jaehae mas mabuti daw if magpahinga nalang agad si Zen.

"Ano ba?! Di mo ba kakainin yang spaghetti mo?" Malakas na tanong sa akin ni Ronneth.

"Tsk. Bakit ba?"

"Akin nalang hahaha." Sabi nito na ininatawa naman ni Seven.

"Hahaha patay gutom ka talaga Ron." Pang aasar naman ni Seven dito.

"Ahh wag mo akong kausapin. Naiinis ako sayo!" Pagmamaktol ni Ronneth.

"Ha? Bakit? Nag away kayo?" Inosente namang tanong ni Yoosung habang ngumunguya ng manok.

"Eh kasi dinala siya ni Kiesha sa probinsya,samantalang ako hindi." Kunwa'y nagtatampong sabi ni Ronneth.

"Naku,wag ka ng magtampo Ronneth. Sa weekend punta tayo sa resort namin sa Tagaytay. Tayong lahat." Excited na sabi ni Yoosung.

"Talaga?! Libre?" Nanlalaki ang matang tanong ni Ronneth.

"Huy! May pera ka naman ah bat ang hilig mong magpalibre?" Pangbabara sa kanya ni Seven.

"Tsk. Tsk. Masarap kasi ang libre hahahaha" malokonh sagot nito sabay tingin kay V.

"Hindi maganda ang laging tumanggap ng libre." Singit ni Jumin sa usapan nila.

"Sobrang yaman mo kasi. Alam mo di rin maganda ang sobrang sungit sa katawan." Pagbara ni Ronneth kay Jumin na ikinatawa ng lahat.

"Ahem!" Pagtikhim ni Jaehae ng titigan sya ni Jumin.

"Gusto mo bang tumambay muna mamaya sa LFO building Ronneth?" Tanong ni V dito.

"Ha? Bakit? May kainan?"

"Gaga. Mamaya kasi uwi ni Zen mula Spain. Magluluto si V ng marami." Sagot ko dito.

"Ohhh. Gusto kong matikman si V." Malaswa nitong sabi na ikinaatras naman agad ni V. Napapagitanaan kasi si V ni Ronneth at Yoosung. Habang ako naman ay nasa kabilang side ng table sa tapat ni V. Katabi ko si Seven at Jaehae.

"Gaga." Pagalit na saway ko dito.

"Ayy joke lang pala. Kay Kiesha pala si V. Yung pagkain kasi yung gusto kong matikman. Yung luto ni V."

"Hahahahaha pwede ding wag ka nalang pumunta." Naiilang na sabi ni V dahilan para tumawa ng malakas yung gaga.

Natapos ang usapan at kulitan ng may tumawag kay V. Lately,palaging may tumatawag kay V. Nung una akala ko ay ang party guest pero palagi niya itong binababaan kaya maaaring ibang tao yun.

"Bat di mo sagutin?" Ani Jumin. Naurat ata sa cellphone ni V na vibrate ng vibrate.

"Ahh di ko kilala. Unknown number." Sagot ni V at pinatay ang tawag at ang cellphone nito.

Lately din,sobrang naging tahimik si V na parang laging ang lalim ng iniisip.


"WELCOME HOME!" Bati namin ka Zen pagpasok na pagpasok nito sa pinto. Dali dali naman agad pinagpagan ni Jaehae ang upuan katabi nito upang dun umupo si Zen. At dun ng naupo si Zen. Hahaha Kilig kilig na naman to.

"Hello Zen!" Bati ni Ronneth dito sabay himas sa balikat nito.

"Huy ano ba?" Pagsaway ko dito.

"Gaaad nahawakan ko si Zen! Waaaah di na ako maghuhugas ng kamay nito." Tili ito ng tila akala.mo sya lang tao dito.

"Paano pala pag hinalikan kita? Di ka na magtotoothbrush ganun?" Pang aasar dito ni Zen. Pakboy!

"WAHAHAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Ronneth na nagpayahimik sa aming lahat. Akala mo mangkukulam.

"Pwede!" Dugtong nito na ikinanganga namin ni Jaehae at ikinatawa ni Seven,V at Zen.

"Pasalubong?" Paniningil.ko dito.

"Pasulubong agad Kiesha? Wala man kiss?" Sabi nito sabay tapat sa akin ng mukha niya sa mukha ko bigla namang hinawakan ni Seven at V.

"Ang pangit mo Zen. Manahimik ka!" Sabi ni Seven.

"Tama na ang biruan. Kumain na siguro tayo." Sabi naman ni V.

Si Zen naman ay tatawa tawang nakindat sa akin. Feeling ko mga baliw na tong mga chupol na to.

Chance ko na yun ihh! Kiss kay Zen!WAAAAAH KAINIS KA SEVEN! KAINIS KA DIN V PERO SLIGHT LANG!!!

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon