Chapter 31

2K 61 20
                                    

Mga ilang minuto din kaming nagtitigan at ako naunang bumawi ng titig.

"HAHAHA oo nalang Seven!"

"Hahahaha napaniwala na ba kita?" tatawa tawa nitong tanong. Ngunit nakikitaan ko ng lungkot yung mga mata niya.

Nanahimik lang ako. Mga ilang minuto din ng umorder ako ng hot coffee.

"Seryoso Seven. Do you like me?"

"Oo naman."

"Irerephrase ko. Do you love me?"

Nanaig ang katahimikan hanggang sa dunating na ang order kong hot coffee. Pagkalapag na pagkalapag palang ng kape ay dali dali ba itong nilagok ni Seven. Di alintana ang init nito. Hinihintay ko syang humiyaw sa init ngunit hindi yun nangyari.

"Akala ko nung una,gusto lang kitang asarin kasi ang cute mo pag naaasar. Lagi kitang pinupuno ng photo ni V kasi alam kong mahal mo sya at gustong gusto. Sa storyang ginawa mo palang ay alam kong pinagnanasaan mo na sya. Halata naman eh. Yung kahit maliit na ngiti mo lang yung puso ko nagpaparty na,iniimbitahan pa pati yung lungs,atay,apdo at ibang lamang loob ko na magparty." panimula ni Seven,matapos inumin ang kape. Garalgal na din ang boses at lumuluha na ang mata niya.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Kung nahihirapan kang mahalin si V dahil may iba ng nag mamay ari sa kanya,ay mas mahirap ang sitwasyon ko. Masakit sa aking nasasaktan ka,masakit sa aking may iba kang minamahal. Masakit sa aking umaasa ka sa wala. Pero pangako ko,sa kahit anong dahilan ng pag iyak mo,handa akong pasayahin ka. Kahit yun nalang,kahit mapasaya nalang kita. Handa akong maging si Seven sa storyang ginawa mo. Masaya na ako sa yakap na kaya mong ibigay Kiezha."

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Seven. Hindi ko alam. Hindi ko alam na sa bawat sakit na nararamdaman ko ay may isang taong mas nasasaktan para sa akin.

Siguro masyado akong nag focus kay V,na di ko na nakita ang ibang handa akong mahalin ng walang kapalit.

Di ko naramdaman ang pagtulo ng luha kasabay ng mga luha ni Seven.

"Bat ka umiiyak?" mahinang tanong ni Seven.

"Kasi umiiyak ka." Sagot ko at di ko alam,parang naging trigger yun para ngumawa ako ngumawa na parang bata.

"Gaga,naiyak ako sa init ng kape,pinipigilan ko na ngang masigaw para di nakakahiya. Magtigil ka na sa pagngawa nakakahiya." natatawang sabi nito at pinunasan na ang luha,lumapit na din ito sa akin para punasan ang luha ko.

Niyakap ko sya. Nagpapasalamat ako na may isang Seven sa buhay ko.

"Minsan ang sarap mo talagang hampasin ng mesa." bulong ko sa kanya habang nakayakap lang ako.

Matapos namin sa kape at dumaan muna kami sa park para tumambay.

"Namiss ko tuloy bigla sa Tabugon." panimula ni Seven habang nakasakay kami sa swing at nakatingala sa kalangitan.

"Bakit?"

"Kasi dun parang ang lapit lapit ng langit. Punong puno ng bituin,samantalang dito,Wala! Hays!"

Natawa nalang ako sa kanya.

"Dalhin mo ako ulit dun Kierra!"

"Ayaw." sagot ko nanaging dahilan para magpout sya. Natawa nalang ako sa kanya.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa tawag ng tawag sa akin.

Nang tingnan ko ang screen ay si mommy pala ang tumatawag.

Sinagot ko kaagad ito. Minsan lang kasi tumatawag si mommy at laging importante yun.

"Hello." seryoso kong pagbungad.

"Ipapasundo kita sa driver ko para maiuwi ka dito saglit. May meeting tayong pupuntahan."

Yun lang ang sinabi ni mommy at binaba niya nakaagad ang tawag.

Tiningnan ko ang oras at nasa alas otso palang ng umaga.

Lumabas na ako ng kwarto ko at himala nakita kong magkakasama ang mga chupol sa sala. Tahimik lang silang nakaupo at nakatitig lang sa babaeng nasa nakatayo sa harapan nila.

Tinitigan ko ang babae,nakangiti ito sa kanila. Napakaputi at napakakinis ng balat nito,napakahaba din ng buhok nito at curly sa bandang baba. Napakainosente ng mukha nito na aakalain mong anghel.

Teka,pamilyar sya sa akin.

Siya yung batang babaeng nasa painting na nasa bahay ni V.

Tumikhim ako para mapansin nila ako. Napalingon naman agad sila sa akin at nabasag ang katahimikan at pagtunganga nila sa akin.

"Uyy Kierra! Buti gising ka na,kanina pa kita inaantay!" Pilit na pinasiglang bati sa akin ni Seven.

"Hello,I'm Rika!" bati sa akin ng babae at ngumiti ito ng matamis.

"Hi! Keizha. Baka gusto mong maupo,naka high heels ka pa naman!" Okay,di bastos ang boses pero hindi din magalang. Ewan! Parang di ko siya gusto.

Saktong sasagot pa sana sya ng biglang may nag doorbell.

Ako na ang nagbukas at nabungaran ko ang driver ni mama.

Parang Taenang yan,ang sarap magmura. Di ko alam pero ang agang uminit ng ulo ko ngayon.

Wala na akong nagawa kundi nagpaalam na sa kanila na may lakad ako. Di na ako naligo,umalis nalang akong nakapantulog pa. Sa bahay na ako mag aayos.

Pagkadating sa bahay ay pinaayusan na agad ako ni mommy at pinabihisan.

Nakasuot ako ng isang cocktail dress na white,yung dress na above the knee. Nakaayos din ang buhok ko pero nakalugay lang ito na syang bumagay lang sa suot kong maliit na kwentas.

Pag ganitong mga suot ay alam kong tungkol sa business na naman tong pakay ni mommy.

Nagpunta kami sa isang sikat at kilalang restuarant. Dumiretso kami sa isang table at nagulat ako ng makita sina Jumin at Daddy niya na nakaupo sa table na tinutumbok namin ni mommy.

Tumayo agad sina Jumin at Daddy nito at nakipagkamay sa amin matapos kaming makita.

Anong meron?


"Let's get to the point." bungad agad ni mommy ng makaupo na kami. Tumitig ito sa akin at bumaling lay Jumin sabay ngiti.

"You,Kiezha and Jumin. We decided to engage you both."

----------------------------
Thank you all for waiting my update :* :*

Iloveyou guys! Please continue supporting me guys kahit mabagal ako mag update.

Magbibigay na po ako sched ng updates ko.

Saturday at Wednesday po ako mag aupdate as possible hehehe. Busy busy lang ang drama ko kasi huhu.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon