After class. Pauwi na ako para maghanda sa usapan namin ni Jumin.
Pero nakita kong nagmamadali si V na lumabas ng campus. I tried to call him. Pero parang di niya ako naririg. Galit ang expression na nakikita ko sa mukha niya.Sa sobrang curiosity ko ay nakalimutan ko na lahat ng plano ngayon. Wala sa sarili ko siyang sinundan kung san sya papunya. Tumwag sya ng taxi. Tumawag na din ako ng taxi at pinasundan yung taxi na sakay niya.
Napunta kami sa isang park. Park malapit dun sa subdivision kung nasa yung bahay niya na puro artworks niya ang laman.
Nakaupo lang sya dun nakapikit.
Habang ako nakaupo lang din. Mga 3 bench ang layo sa kanya.
Okupado sya masyado. Malalim ang iniisip niya habang nakatingin lang sa kawalan.
Nakatitig lang ako sa kanya. Nagtatanong sa sarili.
Dapat ko ba syang lapitan?
Hindi ko alam.
Nanatili lang akong nakaupo havang nakatingin sa kanya.
Nakikita kong nasasaktan sya.
Saan?
Di ko alam.
Di ko namalayang gabi na pala.
Di ko namalayang madilim na.
At di rin namalayang nakatulog ako sa kinauupuan ko.
"Gising! Kiesha! " nakaramdam ako ng pag alog sa balikat ko kaya iminulat ko ang mga mata ko?
"Hmm" nagpakawala ako ng mahinang ungol bilang pagtugon na gising na ako.
Bumungad sa akin ang maamo at nakangiting mukha ni V.
"Pasensya ka na. Ginabi ka na kakaintay sa akin! " sabi pa nito.
Biglang nagising ang diwa ko sa sobrang bigla ng marealize ko na nahuli ako ni V. Nahulo niya akobg sinusundan ko sya.
"HAHAHA mukha kang nakalunok ng bato. " pang aasar nito sa akin.
"Hehehe sisigaw na nga dapat ako ng Darna kaso nasa harap kita. " pagsakay ko nalang sa biro niya.
"Tara na. Uwi na tayo." Yaya nito at nagpatiuna ng lumakad.
Sumunod na din ako sa kanya at sumabay sa lakad niya.
"Dito ako pumupunta kapag may bumabagabag sa isip ko. " panimula niyo.
Di ako sumagot.
"Paano kung may mahal kang tao, pero ang taong yun ang dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Mamahalin mo pa ba yung taong yun? " Out of the blue nitong tanong habang naglalakd kami.
"Ikaw ba ang tinutukoy mo?" tanong ko.
Hindi ito sumagot.
"At yung taong mahal mo ba na tinutukoy mo ay yung batang babaeng nasa painting? " pagtatanong ko ulit. Hindi ulit ito sumagot.
Nakatingin lang ito sa malayo. Tumigil ako sa paglalakad samantalang sya ay patuloy pa rin sa paglalakad.
Nung napansin niya ng di niya na ako kasabay ay tumigil ito at humarap sa akin. Ngayon ay magkaharapan na kami na may ilang metrong agwat.
"Ang sagot ko sa katanungan mo. Kung mahal ko talaga sya kahit anong sakit pa yung idulot niya mamahalin ko pa rin sya. Hanggat ang pagmamahal na nararamdaman ko ay nasa sistema ko pa rin, patuloy ko syang mamahalin kahit ang sakit sakit na. " mahina kong sabi, sapat lang para marinig niya.
"Kagaya ngayon, Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko. Ang sakit sakit na ng puso ko." pagpapatuloy ko. Yumuko ako dahil ramdam ko ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko.
"Mahal pa rin kita kahit alam kong nasasaktan ka dahil sa mahal mong hindi naman ako. Mamahalin pa rin kita hanggat andito yung pakiramdam na to. " tumigil na ako sa pagsasalita. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaang umagos ang mga luha ko.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa ulo ko.
Hinihimas niya ang ulo ko at alam ko. Wala man syang sabihin ay kinocomfort niya ako.
Gusto kong humagulhol lalo. Ang sarap kasing humagulhol kapag alam mong may nagkocomfort sayo. Pero sya pa rin ang dahilan ng mga luhang to. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.
Pinilit ko ngumiti at tumingin sa kanya.
"Hindi ko alam ang dapat sabihin. " mahina nitong sambit.
"It's okay. Wala kang dapat sabihin at ipag alala. I'm fine" sagot ko sa kanya na may ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
General Fiction[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...