Chapter 17

3.5K 62 6
                                    

"San mo gustong pumunta Yoosung?" Masiglang tanong ko sa kanya. Nakasakay kami ngayon sa kotse niya sa backseat. May sarili siyang driver dahil sya ang may kotse na takot magdrive.

"Ihhh wala naman akong alam na mga lugar maliban sa school!" Nakapout na sagot ni Yoosung.

"Ohhhh! Don't tell me first date mo to?!" Kunwari pang nanlalaki ang mata ko sa gulat.

Tumanho sya ng nakapout.

"Mas pipiliin ko nalang maglaro kesa magdate." Sagot nito.

"Tsk.tsk.tsk. Wag ganun!" Ginulo ko yung buhok niya. Hays kahit kelan talaga ang cute ni Yoosung. Ahh sana may kapatid akong katulad niya.

"Alam mo bang mas maraming nakakaenjoy na gawin sa labas kesa magkulong sa mga laro mo." Sabi ko sa kanya na may himig na paninermon.

Dumaan muna kami sa mall para dun kumain. Inilibot ko muna siya saglit sa mall pero mukhang bored na bored talaga sya.

Kaya ipinagpaliban ko muna yung plano kong pagsashopping.

Matapos namin maglibot sa mall ay pinadiretso ko na kay kuyang driver ang sasakyan sa Enchanted Kingdom.

Alam kong hindi sanay ang katawan ni Yoosung sa ganitong activity pero sigurado akong maeenjoy niya dito. At matagal ko na ding gustong pumunta dito. Buti nalang pala dala ko ang camera ko.

"Waaaah!Kiesha bakit dito?!" Naiiyak na tanong ni Yoosung.

"Yoosung,alam mo ba na sa date dapat babae ang nasusunod!"

"Ihhhh,malay ko ba!"

"Tandaan mo yan para sa susunod di ka na magreklamo!"

"Pero wala naman akong planong makipag date eh!"

Ginulo ko nalang ang buhok niya at nagpout naman siya. Bigla ko namang kinuhaan ng picture ang mukha niyang nakapout at gulo gulo ang buhok habang ako nakapeace sign sa gilid.

"Ayoko sa rides na ganyan Kiesha,uwi na tayo!" Naiiyak na wika ni Yoosung. Haha sa totoo lang mukha syang pandang naiiyak na. Ang cuuuuuute talaga.

Tinititigan ngayon ni Yoosung ang mga exciting rides yung pagtanggalan talaga ng kaluluwa.

Dahil mabait ako dinala ko muna sya sa mga rides na pwedeng sakyan ng mga bata. Hahahahaha xD at langya enjoy na enjoy talaga sya.

Ang CUTE CUTE CUTE niya. Tawa sya ng tawa at mas mukhng excited pa sya sa mga kasabayan niyang bata.

After nun hahaha dinala ko na siya sa HORROR HOUSE! HAHAHAHA XDD

Kinailangan ko pa syang hilahin papasok. Eh sakto pagpasok palang may nakaabang na sa pintong ngpapanggap na multo.

"WAAAAAH!" sigaw nito at akmang tatakbo pabalik buti nalang hawak hawak ko sya.

"Yoosung ano ba,wag kang matakot. Hahayaan mo ba ang babaeng tulad ko dito. Di mo man lang ako naisip?" Pagpapacute ko sa kanya.

Umiiyak naman syang tumango. "Oo hahayaan kita dito huhuhu" pag amin nito at pinunasan ang luha.

Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis.

"Kung ganun umiyak ka gang paglabas dito." Ani ko sabay hila sa kanya. Nasa may bandang parang tulay na kami ng biglang may humawak sa paa niya.

"Waaaaaah!" Sigaw nito at napayakap sa akin. "Kieshaaaaa! Sorry na. Sorry na WAAAAAAHH!"

Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya. "Wag kang mag alala Yoosung,poprotektahan kita sa kanila." Sheeeet feeling ko nasa Kdrama ako. HAHAHAHAHA

Ako yung maganda at matapang na bidang babae tapos si Yoosung yung Prinsipeng iyakin pero gwapong cute na kailangan kong bantayan lagi. Hahahhaa feeling ko mas bagay kaming dalawa.

Siya nalang kaya crush ko lol hahahahaha

At dahil tsansing na yung gusto ko yun lumabas kaming magkahawak kamay. Hahahaha nanginginig nga lang yung kamay habang ako naman ay may malaking ngisi.

Sumunod naming pinuntahan ay ang bumper car hahaha ayan ah. Pambawi dun sa horror house. Nung una ayaw niya pa kasi di daw sy marunong mag drive pero nung sinabi kung para laro lang yan ayun game na game. Nagpaunahan kami tas balyahan. Tawa naman sya ng tawa.

Ang dami na naming sinakyan. Halos lahat na ata. Maliban lang ferris wheel tapos yung rides na iaakyat ka tas biglang ibabagsak at yung viking.

"Pili ka. Viking o yang ride na yan." Turo ko sa ride na iaakyat tas bigla kang ibabagsak.

"Hmmm ayaw ko dyan eh. Viking nalang" inosente itong tumawa tas biglng parang naiiyak ng makitang biglang pagbagsak nung rides  kasabay nung sigawan ng mga nakasakay dun.

Nasa viking na kami ngayon nakaupo sa may pinakadulo. Chill chill lang sya kasi kasi mukhang safe naman daw hahaha.

So hinanda ko na yung cellphone ko na naka on ang video recording.

"Pag umiyak ka dito kailangan mo akong nakawan ng boxer ni V." Sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis kasabay ng pag start ng ride.

Nung una relax relax at enjoy na enjoy pa sya. Tawa pa sya ng tawa kasi yung iba nagsisigawan na. Inaasar pa ako na di niy kakailanganing kunin ang boxer ni V dahil di sy iiyak.

"Okay ka lang?" Pasigaw na tanong ko ng nasa pinaka peak na ang pagtaas ng habyog ng barko.

"WAAAAAAAHHH! AYOKO NA! MOMMY! V! SEVEN! ZEN! JAEHAE! JUMIN! WAAAAAAHHH HELP ME!" Sunod sunod na sigaw ni Yoosung habang umiiyak pa.

"KUYA TAMA NA PLEASEEEEEEE! WAAAAAAAAAH!"

"AYOKO PANG MAMATAAAAAAAY!"

"WAAAAAAAAAAH! PROMISE DI AKO MAGLALARO NG ISANG LINGGO. ITIGIL NIYO NA TO PLEAAAAASEEEEEEE!"

After ng ilang minutong kakasigaw ni Yoosung habang umiiyak at nagmamakaawa ay tumigil na din sa wakas ang ride. Nauna na akong bumaba. Ez pz hahahaha

Pero ayun si Yoosung di pa rin gumagalaw sa kinauupuan niya habang humahagulhol ng malakas.

Naawa naman ako sa kanya. Ang sama ko. Pero ang cute niya kasi di ko mapigilan.

"Tara na Yoosung!" Aya ko,tahimik naman itong tumayo at pansin ko ang sobrang panginginig ng paa nito. Namumutla din ito.

"Sorry!" Sambit ko sabay yakap sa kanya. Bigla naman itong umiyak ulit.

"Alam *hic* kong natalo ako *hic* pero huhuhuhu *hic* di mo naman ako kailangang pagtripan ng ganito *hic*" paglalabas nito ng sama ng loob habang umiiyak sa balikat ko.

Hinimas himas ko naman yung likod niya,pampalubag loob.

Matapos namin makaalis sa viking ay naghanap muna ako ng pwede naming pag upuan.

"Dito ka lang ah. Wag lang aalis!" Ani ko sabay takbo. Pumunta ako sa isang firing booth.











After 30 mins. bumalik ako sa pinag iwanan ko kay Yoosung andun pa rin siya nakaupo habang masayang nakikipag usap na sa dalawang bata.

Iniabot ko sa kanya ang isang malaking Panda stuff toy. "Sorry kung natakot ka sa mga rides,sorry kung napaiyak kita ng sobra. Gusto ko lang naman na mag enjoy ka at hindi puro sa bahay ka lang. At wag na wag kang matatakot kasi andito ako kahit ano pa yan poprotektahan kita sa kanila!" Nakatitig ako sa mga mata niyang akala mo lging naiiyak habang sinasabi ang mga katagang to. Tahimik lang syang nakatitig sa akin.

"Ako lang ang pwedeng magpaiyak sayo,tandaan mo yan!" Dugtong ko pa sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon