Chapter 21

3K 62 13
                                    

"Hello Kuya Ted,papunta po akong airport. I'll be there in 30 minutes. Can you go there and bring Kuya Jo to drive my car back." Pagtawag ko sa driver namin sa bahay.

"Airport? Bakit tayo pupuntang airport?" Inosenteng taong ni Seven habang nasa passenger seat at nagsecellphone.

"Basta. Malalaman mo din." Sagot ko nalang sabay ngiti sa kanya. Well,mabilis naman siyang mawalan ng pake kaya binalik niya nalang ulit amg atensyon niya sa cellphone niya.

Pagdating namin sa airport ay andun na sina Kuya Kuya Ted at Kuya Jo.

"Ma'am bakit parang biglaan ata ang alis niyo?" Magalang na tanong ni Kuya Ted.

"Ahh amboring kasi Kuya Ted eh." Sagot ko nalang sa kanya.

Nakapagpabook na ako ng ticket kaya walang problema. Sakto lang din ang dating ko dahil anytime eh mag boboard na kami sa plane.

"Uy Kierra!" Pagtawag sa akin ni Seven.

"Sabing wag mo akong tawaging Kierra eh." Baling ko sa kanya matapos ipagbilin ang kotse ko kay Kuya Jo.

"Ano meron?" Tanong niya.

Sasagutin ko na sana siya ng narinig ko na sa intercom na kailangan na naming magboard.

"WHAT?! Kierraaaaa! Anong kagaguhan to?!" Halos di na mapakali si Seven sa pila habang ako nakangiti lang habang nakatingin sa kanyan.

"Why?" Mapang asar kong tanong.

"Bakit mo ako dadalhin sa Iloilo?" Tanong pa nito na tila naghehestirical na.

"Why not? Masaya naman dun ah!" Sagot ko at tinapik tapik ko pa ang balikat niya.

"Magpapasalamat ka din sa akin." Dugtong ko pa.

"You okay? Dadalhin mo ako sa Iloilo? Teka sa City mo naman siguro ako dadalhin diba? Kung saan may internet? May computer shop? Diba?" Sunod sunod nitong tanong at di ko na siya sinagot.

Buong biyahe niya ako kinukulit sa tanong niya at ngingiti ngiti lang ako kahit napipikon na ako. Kahit ang sarap niya ng itapon sa bintana ng airplane. Kahit ang sarap niyang bigwasan.

Matapos ng halos dalawa't kalahating oras na biyahe ay nakadating na din kami sa Roxas. Ang isa sangay ng Iloilo.

Yung biglang aliwalas ng mukha ni Seven dahil City ang pinagsakan namin.

Pero halos maiiyak siya ng sumakay kami ng bus and after 1 hr na biyahe ng bus ay sumakay pa ulit kami ng motor pandagat papunta sa isang isla na walang internet. Walang computer shop. At di kakayanin ang mobile data dun dahil mahina ang signal.

"Welcome to Tabugon!" Sigaw ko matapos makababa ng motor pandagat.

Tumingin ako sa paligid.

Tahimik na lugar,payak na pamunuhay,malawak na karagatan,mga puno. Ahhh namiss ko to.

3 years ago ng pumunta kami dito ni Daddy para asikasuhin ang business niyang tinayo dito. Pangingisda yun pero malakihang sasakyang pandagat ang kailangan. Madami ding tauhan ang isang sasakyan at palaging madaming huli. Hulbot ang tawag nila dito nun.

Binalingan ko si Seven. Ayun siya nakalupasay sa buhangin habang nakapout at nagsusulat sa buhangin gamit ang daliri niya.

Mukha na talaga syang iiyak.

"Seven!" Tawag ko sa kanya pero di siya bumaling sa akin. Nagtampo ata. Ikaw ba naman biglain ng ganito daig mo pa nakidnap.

"Seven!" Pagtawag ko ulit sa kanya habang naglalakad na palapit sa kanya di pa rin siya lumilingon. "Alam mo ba kung bakit ikaw ang dinala ko dito? Eh pwede naman si V! Para masolo ko ang oras niya at malay mo may mangyari sa amin dito dahil ang romantic diba? Tapos pag uwi ko buntis na ako HAHAAHHAHA!" Pagbibiro ko kaya tumingin siya sa akin ng masama.

"Pero alam mo kung bat ikaw ang sinama ko at hindi si V?" Tanong lo ulit.

"Bakit nga ba kasi di nalang si V?!" Pagmamaktol nitong tanong.

"Kasi tayo ang pinakaclose sa LFO,ikaw ang pinakaclose ko pero wala tayong oras magbonding o gumala dahil busy ka laging magprogram sa computer mo." Paliwanag ko habang nagtatampo.

"Halos di ka na natutulog o kumakain ng maayos." Dagdag ko pa.

"Tatlong araw tayo dito. Tatlong araw na walang computer,internet o kahit ano! Ipapakita ko sayong mas masaya ang ganitong buhay kesa sa buhay na nakasanayan natin."



----------------------------


Dedication to @Pittypillow for making the book cover :) I love it <3 thanks for the support

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon