Ngayon ko palang masasabi na naenjoy ko ang breakfast ko. Oo simpleng breakfast lang ito na nakasanayan ng lahat pero feeling ko napakasarap nito.
Dahil siguro sa luto ito ni V o dahil masaya lang ang ambiance sa mga kasama ko.
"Zen,itlog?" Offer ni Jaehae dito.
"Thanks." Pagpapasalamat ni Zen sabay paggulo ng buhok ni Jaehae. Nakita kong namula si Jaehae pero agad din namang nakabawi.
"Kumusta naman ang kwarto mo?" Tanong ni Jumin habang hawak ang baso upang uminom.
"Okay naman." Sagot ko sabay subo ng hotdog.
"Bat feeling ko ang sarap ng hotdog pag ikaw ang kumakain?" Pang aasar ni Seven sabay tawa. Kumain din ito ng hotdog.
"Gago!" Wala sa loob kong napamura na ikinagulat ko din. Tinakpan kaagad ni V ang tenga ni Yoosung. Habang ako naman ay napayuko sa hinga.
"Hahahahahaha thanks Rachelle." Tatawa tawang pang aasar pa lalo ni Seven. Nakisabay na din sa pagtawa si Zen habang wlaang pakialam na kumakain lang si Jumin at Jaehae.
"Maiba tayo,balita ko may bago kang movie Zen ah." Pag iiba ng topic ni V.
"Yup. Medyo malaki ang project na to at may ibang scene na gaganapin pa sa spain kaya malaking tulong talaga na nagkaroon tayo ng bagong muse."
"Magpapa auction ka ba ulit ng works mo?" Tanong naman ni Jumin kay V.
Binitawan na ni V ang tenga ni Yoosung at bumalik sa pagkain.
"Siguro." Malungkot nitong sagot.
"Sana kayanin mo ang trabaho ni Remy at mapunan mo pa yung mga naiwan niyang trabaho." Ani Yoosung na malungkot din ang tono.
Napuno ng katanungan ang utak ko.
Ano nga bang nangyari kay Remy?
Bakit bigla syang nawala matapos ang pinakaunang party last 3 years ago.?
Patay na ba siya?
O buhay pa?
Nasaan na sya?"Si Rachelle pa. Kaya niya yan!" Masiglang sagot ni Seven.
"Sobrang daming naiwang files si Remy sa kwarto niya na gamit mo ngayon. Sana maalagaan mo at mapag aralan mo na din ang iba." Ani Jaehae.
"Hindi naman natin ipagpapalit si Remy sa kanya diba?" Naiiyak na tanong ni Yoosung.
"Actually,sya na ang papalit kay Remy." Matigas na sagot ni Jumin.
Nakita kong nagpipigil nalang ng iyak si Yoosung.
"Paano si Remy?"
"Alam mong di na siya babalik diba? Wag na sana nating isali sa usapan ang taong wala na."
Tuluyan ng naiyak si Yoosung. Walang imik naman si V habang pinapatahan nman ni Zen si Yoosung. Si Seven,ayun kumakain.
"Matanong lang." Pagbabasag ko sa namumuong tensyon.
Lahat sila napatingin sa akin. Tila umaasa sa napaka importanteng anunsyo.
Tumukhim muna ako at humugot ng malalim na hininga.
Isa isa silang tiningnan sa mata.
"Si Remy Geronimo ba patay na?" Inosente ngyunit matigas kong tanong.
Nagsiyukuan lahat maliban kay Yoosung na lumakas ang paghinga at kay Seven na humagalpak kakatawa.
Walang sumagot.
"Ano?" Naiinip kong tanong ulit.
Tumawa lalo si Seven. Halos di na ito makahinga.
"Hahhahaa taympers Kierra hahahaha laughtrip ka talaga kahit kelan."
"Bakit ka ba tawa ng tawa at pwede ba wag mo akong tawaging Kierra." Bigla akong mapatahimik. Nawalan ng kaluluwa. Masyado akong naging komportable kay Seven na nakalimutan kong kasama ko ang buong myembro ng LFO.
Shock akong tumingin sa kanila. At shock din silang nakatingin sa akin.
Fuck.You.Seven.Tan.
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
General Fiction[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...