Chapter 34

2.4K 44 19
                                    

V's POV
Same Day

Nagising ako dahil sa biglaang pagbukas ng pinto at nagulat ako ng makita kung sino ang naglakas loob na buksan ang pinto.

Nung una akala ko si Remy na,handa na sana akong tumayo at yakapin sya hanggang sa makita ko ang maliit na nunal sa leeg nito.

Si Rica.

Kakambal ni Remy.

Biglang nasira ang mood ko.

"I've been expecting you." naiusal ko sa mapait na tono.

"Oh thank you V!" masigla nitong pasasalamat at patakbo pang lumapit sa akin. Kumapit kaagad ito sa braso ko.

Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis tamis. "I miss you!Nakakainis ka,di mo man lang sinasagot ang mga tawag ko,tapos ngayon parang ayas mo na akong makita!Nambabae ka nuh." sabi nito at nag pout. Ganyan na ganyan si Remy kapag nagtatampo. Kung si Remy nga talaga baka yakapin ko pa at lambingin hanggang humupa ang pagtatampo niya. Pero hindi. Hindi sya si Remy. Kahit anong gawin niyang paggaya kay Remy ay hinding hindi sya magiging si Remy.

Tinitigan ko lang sya at tumayo na para mag tshirt.

"Don't you miss me?" malumanay nitong tanong habang nakayuko at pinaglalaruan ang kumot ko. Akala mo batang naglalambing sa kuya.

"Stop it Rica."

"HAHAHAHAHAHA!" tumawa ito ng mahina pero hindi maganda pakinggan ang tawa nito. Akala mo tawa ng mga kontrabida sa mga pinapanood dati ni Remy. In short,tawang bitch.

"Pwede na ba akong bumalik dito sa LFO at maging Remy ulit?" mapang asar nitong tanong sa akin. Masisilayan mo ang nakakairitang ngiti sa labi niya.

"So are you here to hurt Kiezha?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"If she likes you,maybe." sagot nito at tumawa ulit.

"But then,she likes you,so yes! I'm here." wika pa nito at tumayo upang lumapit sa akin. Hinawakan yung mukha ko habang may ngiti sa labi. Maya maya ang ngiti sa labi niya ay nawala. Bigla nalang may tumulong luha mula sa mga mata niya.

"I told you,you're only mine." dugtong ito sabay dampi ng magaang halik sa labi ko.

Pinunasan agad nito ang mga luha at ngumiti.

"Ohh! I also miss them. Better wake them up."

At yun nga ang ginawa niya. Ginising niya lahat maliban kay Kiezha.

Makikita mo ang gulat sa mukha ni Yoosung at Zen. Samantalang si Jumin at Seven ay nagpapahiwatig na inaasahan na nila ang pagdating nito. At si Jaehae naman ay walang pakialam.

"Ohh Ricaaaa!" Masiglang pagbati ni Seven dito ng magtipon tipon na amg lahat sa sala.

"Hi Seven!" masigla ding pagbati ni Rica dito at nakuha pa nitong kumaway.

Bigla namang nandilim ang mukha ni Seven. Makikita mong naiirita sya. Biglang nawala yung ngiti niya kanina. "Fuck off!" pagtataboy nito dito.

"Oh I miss you too!" sagot lang ni Rica dito at ngumiti ng sarkastiko.

"You know you're not welcome here!" diretsong wika ni Jumin.

"I don't care!"

Lumapit ito kay Yoosung at yumakap dito. Makikitaan mo talaga sila ng pagkakahawig. Pare pareho silang ang inosente ng mukha.

"Hello cousin!" bati ni Rica kay Yoosung sabay pat sa ulo nito. Walang ibang magawa si Yoosung kundi ang yumuko.

Malaki ang galit ni Yoosung kay Rica yes,pero wala syang magawa dahil pinsan niya ito.

"Jaehaeee~!" excited na wika ni Rica at lumalapit ito kay Jaehae upang yumakap o makipagkamay.

Umatras naman agad ito para iwasan si Rica.

"Sorry,I'm not paid to act friendly to a bitch." mahina at walang emosyong wika nito.

"Guys kumalma kayo! Ang aga aga eh! Let's be cool!" pagsingit ni Zen upang basagin ang awkwardness.

"Nice one Zen!" friendly na pag conpliment ni Rica kay Zen at nag thumbs up pa ito at nagpacute.

"Fuck off Rica!" sagot agad ni Zen dito at tila nandilim na din ang mukha.

Saktong paglabas naman ni Kiezha mula sa kwarto niya. Nakapantulog pa ito. At makikita mo sa mukha niya ang pagkabadtrip.

Napatingin kaming lahat sa kanya ng tumikhim sya. Habang sya naman ay nakatitig lang kay Rica. Tila may pilit na inaalala.

"Uyy Kierra buti gising ka na! Kanina pa kita inaantay!" masiglang bati ni Seven kay Kierra.

"Hello, I'm Rica!" masiglang bati ni Rica kay Kiezha at ngumiti ito ng matamis.

"Hi! Kiezha. Baka gusto mong maupo nakahigh heels ka pa naman!" mahihimigan ng pagtataray ang boses ni Kiezha. Di ko alam kung bakit. No one knows Rica,so if ever, iisipin niya sanag si Remy ang kaharap niya.

Saktong sasabat naman si Rica ng tumunog ang doorbell. Umalis lang kaagad si Kiezha para tingnan ito.

"Touch her and you're dead!" madiin na wika ni Seven habang nakangiti kay Rica.

"Try me." sagot naman ni Rica at ngumiti din.

Umalis nalang si Seven at bumalik sa kwarto niya.

"She's my fiancee." wika ni Jumin at umalis na din. Halos lahat kaming andun ay nagulat sa sinabi ni Jumin.

Fiancee? Kelan pa? Akala ko ba,gusto ako ni Kiezha? Paanong?

Titigil na ba talaga si Kierra na gustuhin ako?

Nakaramdam ako ng panghihinayang. Deep inside,I enjoy Kiezha's company. Are they serious?

Bigla akong nabalot ng lungkot. Napasunod nalang ako ng tingin sa naglalakad na si Jumin at wala sa isip kong napatitig ako sa pinto kung saan lumabas si Kiezha.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon