Chapter 9

4.6K 73 1
                                    

Hinihintay kong matapos si Ronneth sa sinusulat niya para sabay kaming umuwi. Makikisabay daw sya sa kotse at dun na sa bahay matutulog. Ang dahilan niya? Tinatamad syang umuwi. Minsan talaga di ko maintindihan tong babaeng to.

Napag kasunduan namin ni Seven na bukas na ako magpapakilala sa buong LFO. Araw ng sabado. Kailangan ko pang ihanda ang nga personal na gamit dahil dun ako na ako titira once na mag umpisa na ako.

Kung paano niya napapayag ang magulang ko hindi ko alam.

"Ano ba Ronneth,bilisan mo." Nakita kong nakatitig lang si Ronneth sa notebook at ballpen niya. Hindi nagsusulat.

"Bakit nga ba ako nagkukumahog makatapis ng pagsusulat dito eh pwede naman akong kumopya sayo,dun naman ako matutulog." Clueless na tanong nito.

"Aba malay ko sayo." Natawa na ako sa kakuyaran ng kaibigan ko.

"Oh siya. Bilisan mo na oara makauwi na tayo. Marami pa akong gagawin."

Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang usapan tungkol sa The Sex Web. Hindi ako proud pero hindi rin ako nahihiya. Duh?! Gawa ko yun.

"Pakiramdam ko di na mag aupdate si Kierra sa story niya. Ang tagal niya ng di nagparamdam eh." Pagbubukas ng topic ni Ronneth,kasalukuyan kaming nasa kotse.

"Ewan ko. Wala akong paki."

"Alam mo,kung tutuusin sa lahat ng babae dito. Ikaw lang ang dinedeny ang existence ng The Sex Web." Umismid ito at inirapan ako.

"Kasi wala naman akong mapapala dyan. Ang dami ko kayang gawain. Dagdagan pa. Mukha ba akong may oras sa ganyan? Malaman nga lang nila mommy na nagbabasa ako ng novels eh halos paluhurin na ako sa asin."

"Di ka naman kasi robot alam mo yun. Minsan masaya ang lumabag sa utos,kasi bawal."

Nag iisa akong anak kaya pinalaki ako ng magulang ko sa mahigpit na paraan. Mula pagkabata ko palang ay predetermined na ang mangyayari sa akin sa future,baka nga di pa ako nabubuo ay nauna pa nilang hubugin ang magiging future ko.

Exports and agriculture ang isa sa business ng father ko dito sa Pilipinas. May iba pang mga business ang parents ko sa ibang bansa,resorts and hotel,restaurants at iba pa. Habang ang mommy ko naman ay pagbili ng shares,stocks and investments ang pinagkakaabalahan. Halos lahat ng may mallaaking kompanya sa lipunan ay may shares sya.

Kaya sobrang higpit nila dahil ayaw nilang masayang ang pinaghirapan nila dahil sa huli ako naman daw ang sasalo ng lahat bg iiwan nila. Naiintindihan ko sila. Kaso minsan nakakasakal na.

"Wag mo akong itulad sayo Ronneth! Chill lang kasi ang parents mo kaya nasasabi mo yan."

"Ewan ko sayo. Basta pag handa ka ng magbulakbol andito lang ako."

Siraulo talaga.

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay dumiretso na kami sa kwarto ko. Wala si daddy,nasa batangas. Habang si mommy ay nasa Dubai. May kanya kanya pinagkakaalabahan.

"Maliligo lang ako ah. Bahala ka na sa buhay mo kung anong gagawin mo."

"Okay." Malaki ang ngiti nito at nag umpisa ng maghalungkat.

Kumuha na ako ng susuotin at dumiretso na sa shower.

Tatawagan ko pa mamaya si mommy at si daddy. Ikokompirma ko ang tungkol s LFO.

Tapos mag aayos pa ako ng mga gamit.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon