Chapter 16

3.8K 66 3
                                    

Isang linggo na akong naninirahan sa building ng LFO kasama ang mga member nito lalong lalo na si V! Feeling ko araw araw akong nakasakay sa lumulutang na puso dahil sa kanya.

Una,magkatabi lng kami ng kwartoooo! Minsan ko ng plinanong butasan ng dingding na naghihiwalay sa amin para masilip ko sya kaso di ko mabutasan,masyadong matigas ang sementong gamit nila hehe

Pangalawa,nakakasama ko din si V sa hapag kainan. Tapos sya pa yung cook. Anubeeeey! Feeling ko,ako yung busy wife tapos sya yung house husband. Ang gwapo niya pag may aprooooon! Sana makita ko syang apron lang talaga ang suooooot!

Napapalapit na din ako sa mga member ng LFI lalo na kay Yoosung at Zen,Si Jumin ay laging busy at seryoso sinundan pa ni Jaehae na laging nakasunod kay Jumin.

"Kiesha,ano? Mortal Kombat?" Panghahamon s akin bi Yoosung. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Nasa sala lang kami ni Yoosung,samantalang si Seven ay nasa kwarto niya. Ewan dun kahilig magkulong sa kwarto tapos pag lalabas naman mang aasar lang. Maaga namang umalis si Jumin kasma si Jaehae,may business meeting daw kasi ito. Si Zen naman ay umalis papuntang Spain nung thursday para magshoot sa panibago niyang movie. Si V? Ayun tulog pa ata.

"Sige ba. Pag matalo kita,idate mo ako ah!" Masiglang sagot ko sa hamon niya.

"Ha? Bakit kailangan kitang idate?" Nahihiyng tanong ni Yoosung.

"Hmmm,kasi nabobored ako!" Sagot ko sabay pout. "Takot ka ba?" Panghahamon ko sa kanya.

Isang laruan lang ito. Pag natalo,talo agad wala ng bawi bawi.

Sub-zero yung napili niya habang si scorpion naman yung pinili ko. Sorry Yoosung,maaaring gamer ka pero di para sayo ang araw na to.

Sa huli natalo ko siya. Kaya may date kami ngayooooon! Sa wakas makakalabas din sa bahay na to ng may dahilan.

Madalas kasi kaming maglaro ng Mortal Kombat ni Ronneth kaya kabisado ko ng gamitin yung characters dun.

Hahahahahahahahahahhah xD ang cute mo talaga Yoosung!

Sa huli wala ng nagawa si Yoosung kundi magpout at tanggaping makikipag date sya sa akin. Tinapik ko siya sa balikat habang ngumingisi ng malaki.

"Wag kang mag alala,friendly date lang to. Sadyang bored lang ako." Pagpapagaan ko sa loob niya. Tiningnan ko yung oras. "Tsaka maganda naman ako ah.Ayaw mo ba sa akin?" Kunwang naiiyak na sabi ko.

"H-hindi ahh!S-sige maliligo na ako!" Ani Yoosung sabay tayo at natatarantang naglakad papunta sa kwarto niya.

"10am tayo aalis!" Pahabol na sigaw ko sa kanya.

Hello SATURDAY!Hello DATE WITH YOOSUNG!Hello SHOPPING!Hello WORLD!

Di ko mapigilang ngumisi at tumawa habang naliligo. Isang linggo na din kasi akong LFO,paaralan lang. Wala akong time lumabas dahil busy ako sa pagbabasa at pag aralan ang mga files na naiwan ni Remy na nasa kwarto ko. Dagdagan pa ng ibang mga gawain sa SSG.

Pumili lang ako ng damit na magaan sa mata para bumagay sa personality ni Yoosung ayoko namang mailang sya sa magiging date namin. Black mini skirt at pink blouse sa top lang ang isinuot ko,inipitan ko lang buhok ko sa gilid na na hanggang balikat lang haba. Tapos nag high socks lang ako at converse para komportable sa galaw. Pinarisan ko na din ng pink na shoulder bag.

Paglabas ko ng kwarto ay sakto namang bumungad sa akin ang kalalabas lang na si V. Magulo ang buhok nito na halatang bagong gising,humihikab pa ito. Napatigil ito sa paghikab ng makita ako.

"Ohh! May lakad ka?" WAAAAAH ang hot talaga ng bagong gising na boses ni V!!

"Ah yup!" Yun nalang ang naisagot ko. Nadidistract kasi ako sa sando niyaaaaa ang hot lang talagaaaa!

Halos sabay na kaming bumaba papunta sa sala at andun na si Yoosung nag aantay.

Nakajeans ito at nakapink na shirt. Ang simple lang ng suot niya pero di ko maitatanggi na bagay na bagay sa kanya ang pink na kulay. Mas lalong nangingibabaw yung cuteness niya!

"Ohh may lakad ka din?" Takang tanong ni V kay Yoosung. Bihira kasing umalis ng bahay si Yoosumg dahil lagi lang itong nakababad sa paglalaro.

"Ahhh m-may d-date---" nauutal si Yoosung sa pagsasalita kaya ako na ang nagtuloy.

"Ahh may date kami hehehe!" Sabi ko ay nag peace sign.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon