Chapter 6

5.3K 81 1
                                    

"Muse? Saan?"

"Sa LFO,dalawang taon ng wala muse at org at kakailanganin namin ngayon dahil may malaking project kaming parating."

"Madami akong ginagawa,iba nalang." Buong loob kong sagot. Very nice! Kakaumpisa palang ng araw ng klase pero ganito na ang sinapit ko.

"Come on,magbe benefit ka din naman sa offer ko." Mayabang na pag pupumilit nito.

"Ha? Lakas mo ah. Ginusto niyo yan,panindigan niyo." Akmang aalis na ako ng hawakan niya na naman ang braso ko.

"3786 stolen pics ni V na ang pangalan ng folder ay 'Asawa ko',nasa lagpas isang daan dun ay mga stolen pics habang naliligo sa building mismo namin mula first year hanggang sa kasalukuyan. May ilang libo ding stolen pics si Zen,Jaehae,Yoosung,Jumin at ako sa magkakahiwalay na folder at lahat yun may pics ng naliligo kami. Secretly vice president ng fanclub ni Zen. Ikaw yung sender ng mga natatanggap na bagong laro ni Yoosung. May share of stock ka sa kompanya ni Jumin,nasa 45% yun nung nag uumpisa palang magsarili si Jumin,hindi mo ginamit ang pangalan mo. Isa ka din sa highest bidder ng mga kuha ni V tuwing may party. Ngayon,sabihin mong wala kang mabebenefit sa pagiging muse."

"What the----" pulang pula na ako sa mga sinabi niya. Totoo lahat yun. At wala na akong takas.

"Paano ko nalaman? Simple. Dahil ako si Seven." Nilagpasan ko siya. Lutang akong naglakad palayo sa kanya.

Lahat ng mga sekretong pinakatago tago ko,nalaman lang ng isang mukhang ewang lalaking to.

Tumutulo na pala ang luha ko ng di ko namamalayan,dahil ba sa frustation,kahihiyan o kasiyahan? Frustation kasi ang lakas ng topak ng lakaking to pakialaman at ipangtakot sa akin ang sekreto ko. Kahihiyan dahil naisampal sa akin ang katotohanan na isa akong dakilang stalker. At kasiyahan dahil ito na ang araw na pinapangarap ang mapasali sa LFO,at muse pa.

May humawak na naman sa braso ko. Seven again.

"Malalaman mo pati ang pinakatatagong mga sekreto ng grupo. Hindi mo na kailabgang maging stalker at ikaw ang may pinakaimportanteng papel na gagampanan sa grupo."

Sa mga oras na to hindi na smirk o Nakakainis ang ngiti nito. Isa na yung ngiti na nakikiusap at totoo.

Kumuha ito ng panyo mula sa bulsa at pinunasan ang luha ko. Hindi ako nagkamali. Mabait si Seven,sweet kahit na loko loko siya minsan at malakas ang trip. Isa syang ideal man kung tutuusin. Mabilis mo syang makakasundo.

Tinitigan ko siya sa mata habang pinupunasan niya ang luha ko. Napaka angelic ng mukha niya kapag hindi sya nakasmirk.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Nararamdaman ko din ang pag init ng pisngi ko.

Ngumiti ulit sya,yung ngiting kahit sino mahihimatay dahil ang gwapo talaga.

"Ang pangit mong umiyak!" Malumanay nitong pagkakasabi sabay tawa ng malakas at sa oras na to ayun siya nagpapagulong gulong na sa lupa sa sobrang tawa. Tang na may asin,mabulunan ka sana ng laway mo.

Sa sobrang inis ko. Nilapitan ko siya at sinipa sa bayag. Ngayon ka magpagulong gulong sa sakit. Bwisit ka!.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon