Chapter 20

3.2K 64 13
                                    

Isang buwan na akong nag sstay dito sa LFO kasama ang love of my life na si V. Simula ng sinabi niyang gusto niya naman dahil mabuti akong kaibigan. Naisipan kong wag ng mag inarte.

I mean duh? Nakaya ko ngang hangaan sya sa loob ng tatlong taon diba ng walang kapalit o kahit ano.

Atleast ngayon,nakakausap ko siya. Nakakasama,nakakabiruan at nakakakain ko ng luto niya.

Wala naman siyang sinabing bawal ko siyang gustuhin eh.

Kaya okay na ako sa ganito.

Simula nun narealize kong wag ng mahiya sa kahit sino sa kanila. Patutunguhan ko sila ng normal tulad ng pakikitungo ko kay Ronneth at kay Seven.

Bakit pa ba ako mahihiya eh alam na din naman nila. Sila ang mahiya sa akin.

"Seveeeeeen!" Sigaw ko sa labas ng pinto ng kwarto ni Seven. "Lumabas ka dyan bilis!" Sigaw ko ulit at sunod sunod kong kinatok ng malakas ang pinto niya.

Lumabas si Seven na magulo pa ang buhok. Pati damit magulo at pumuputok yung eyebag.

"Ano ba Kierra! Kakatulog ko lang." Pagmamaktol nito habang kinukusot kusot ang mata. Komportable na din akong tawagin nilang Kierra.

Sumilip ako sa kwarto niya at nakakagulat na malinis ito kahit mukhang burara to si Seven.

"Baka alam mong 11am na."

"Alam ko,kaya ng kakatulog ko lang diba? Weekend naman eh,ano ba problema?"

"Gala tayo!" Pag aaya ko dito at ngumiti ng malaki.

"Sa EK din ba?" Mukhang nabuhayan ng dugong tanong nito.

"Hindi." Sagot ko kaagad.

"Ahh wag na nevermind. Matutulog na ako." Walang gana nitong sagot at akmang papasok na ng kwarto niya ng apakan ko ang paa niya.

"Aray ko Kierra.Shiiiit!" Napasigaw siya sa sakit at bigla sa bigla kong pag apak sa paa niya.

"Sasama ka diba?" Tanong ko habang ngumingiti ng pilit.

"Oo na. Maliligo lang ako." Napipilitan nitong sagot habang nangingiwi pa sa sakit ng apak ko.

"Sabay tayo!" Suhestiyon ko at kunwaring papasok sa kwarto niya.

Tinulak niya naman agad ako palabas.

"Kaya kong maligo mag isa. Tsu! Alis!" Pagtataboy nito sa akin.

Nagpout nalang ako at umalis.

"Bilisan mo chupol!" Pahabol na sigaw habang naglalakad papunta sa kwarto ko.

Paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko si V na pababa naman ng hagdan. Hindi ako nito napansin dahil tutok ito sa cellphone ko.

"Pogi. Tingin ka sa hagdan baka mahulog ka sa akin." Pagbibiro ko dito sabay sumipol pa.

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

"Sasaluhin mo naman ako diba?" Tanong nito at ngumiti ng pagkatamis tamis. Shet ako ata ang nahulog sa ngiti niya.

"Hahaha depende kung kakayanin ko yung bigat mo." Sagot ko naman sabay wink.

Tumawa lang siya bilang ganti.

"May lakad ka?" Tanong pa nito. Napansin siguro ang ayos ko ngayon.

"Yup! Sama ka?" Pag aaya ko sa kanya.

"Hindi. May meeting ako ngayon eh."

"Ah sige. Si Seven naman isasama ko eh."

"Hahhaa sige ingat kayo!"

Naglakad na ako paakyat ng hagdan at bumaba na din siya.

Oo komportable na ako kay V. Pero andyan pa rin yung lakas ng kabog ng puso na pilit kong nillabanan.

11:30 ng makaalis kami sa bahay ni Seven dahil wala pa kaming lunch ay naisipan muna naming kumain.

Sa Mcdo.

Pinag awayan pa namin to.

*Flashback*

Kotse ko na ang ginamit namin ni Seven. Ako na din nagdrive dahil mukha pa siyang lutang.

"Lunch muna tayo? Mukha kabg sabog eh at malayo layo biyahe natin eh."

"Sige gusto ko sa Jollibee." Sagot agad nito.

"Tsk ayaw ko gusto ko sa Mcdo. Mas masarap kasi fries dun."

"Ihhh. Gusto ko kasi ng spag,ayaw ko ng spag sa Mcdo eh." Pag mamaktol nito.

"Eh sino ba masusunod?" Kunwa'y naiinis kong tanong.

"Malamang ako. Ako lalaki dito." Sagot nito at tumingin ng masama sa akin.

"Akalain mo yun Sexist ka pala Seven." Pang aasar ko dito.

"WTF!" Pasigaw nitong sagot.

"Wala sa Mcdo tayo."

"Ayoko! Gusto ko sa Jollibee."

"Eh di dun ka,sa Mcdo ako. Problema ba yun!"

"Tsk. Oo na sige na sa Mcdo na tayo!"

*End Of Flashback*

HAHAHAHAHA Kaya ayun dito nga kami sa Mcdo naglunch.

Well,buong lunch namin ay panay reklamo ni Seven na gusto niya daw talaga ng spaghetti ng Jollibee at dahil mabait ako ay dumaan na ako sa Jollibee at nag drive thru order ng Jollibee spaghetti at isang Choco Float.

Parang bata namang tuwang tuwang tong chupol na to kaya tatawa tawa nalang ako habang nagdadrive.

-------------
A/N:
Sorry ngayon lang nakapost ulit ng update :3 ngayon lang ulit bumalik internet eh.

I'll try posting 2-3 chapters today. Tatapusin ko lang lahat ng update sa Webtoon hahhaha 😂😂

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon