Chapter 29

2.1K 42 16
                                    

Nagpatiuna na akong umalis. Nilagpasan ko sya. Gusto ko pa sanang umiyak. Umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko kasi tinutusok yung puso ng ilang libong karayom.

Ang sakit na parang ang hirap huminga.

Lumingon ako sa kanya. Nakasunod sya sa akin at makikitaan mo ng pag aalala yung mukha niya. Ngumiti ako bilang assurance sa kanya na okay lang ako.

Naramdaman kong nag vibratr yung cp ko. Pagkatingin ko may 3 miss calls na ako from Jumin.

Oh My Gaaaaaad! Yung pinangako ko kay Jumin.

"H-hello Jumin." Tumigil muna ako sa paglalakad para kausapin siya.

"Sorry I'm kinda late. May nakameet kasi akong client. Papunta na ako sa cafe sa tapat ng school. I'll be there in 30 mins.Dun na kita susunduin."

Di niya na inintay yung sagot ko. Binaba niya nalang yung linya. Tsk. Boss talaga!

"Si Jumin?" Tanong ni V.

"Ah oo. May usapan kasi kaming magkita after class."

"Bakit?"

"Ah pupunta daw kami sa condo niya. Ewan ko dun." sagot ko at inayos ko na yung buhok ko,medyo magulo na kasi. "Mauuna na ako sayo ah. Mahirap na baka mag antay si boss."

Natawa nalang itong tumango at kumaway. Habang ako ay nagdadali dali ng makapunta sa main road.

[JUMIN'S POV]

I was about to call Kierra to meet me outside the school gate but I saw her tailing V. So out of curiousity ay sinundan ko na din si Kierra habang sinusundan si V.

Tumigil sila sa park. I saw V,nakaupo lang siya habang nagmumuni muni at sa di kalayuan naman ay si Kierra na nagtatago kunwari.

I got bored looking at them kaya umalis na ako. Bumalik nalang ako sa school at tumambay sa malapit na cafe na andun.

Halos dalawang oras na akong nag aantay. Halos maubos ko na din basahin lahat ng magazine na meron sila. I hate waiting since time every second is gold. But just this once,I'll forgive her.

Since I know V,sa mga oras na to tapos na syang mag munimuni nito. I called 2 times pero walang sumagot. I waited for another 20 minutes to call again.

"H-hello Jumin." medyo garalgal yung boses niya sa kabilang linya. My plan of scolding her suddenly disappear. After hearing her voice,I suddenly lost every reason to get angry.

"Sorry I'm kinda late. May nakameet kasi akong client. Papunta na ako sa cafe sa tapat ng school. I'll be there in 30 mins.Dun na kita susunduin." Gumawa nalang ako ng dahilan para hindi sya maguilty na pinag antay niya ako ng ilang oras,na nakalimutan niya yung usapan namin.

After 30 mins of waiting ay dumating na din syang nagmamadali.

"Kanina ka pa?" Tanong nya ng makita na ako.

"I just got here." Kaswal na sagot ko nalang sa kanya.

"Hays,buti naman. Akala ko napag antay na kita. Ayaw ko pang mamatay!" Sabi nito. Natatawa tawa pa sya sa biro niya.

Kung alam mo lang Kierra baka ikaw na pumatay sa sarili mo.

"Pwede libre mo muna ako ng maiinom. Mauhaw e."

Umorder na ako ng drinks para sa aming dalawa.

"Umiyak ka ba?" Kaswal na tanong ko. As long as possible iniwasan kong magpakita ng emosyon.

Tinitigan niya ako. Tila kinukumbinsi ang sarili kung dapat ba syang magkwento o hindi. At then end,pinili niyang magkwento.

"I saw V hurting over someone who I don't even if she still exist.It hurts me.Ang hirap magmahal ng tao na hindi nagtetake risk. I know it's one-sided."

I took a sip from the capuccino i ordered. Nakatitig lang ako sa kanya. Minsan kasi mas magandang wag ka nalang magsalita.

"Ayoko na." Malumanay niyang sabi. Nakangiti sya ng sinabi niya yung mga salitang yun,kasabay ng dahan dahang pagtulo ng mga luha niya.

I don't like feeling such extravagant emotion. It will consume much of my time and energy or the worse. Money.

Pero hindi ko din maitatanggi na katangi tangi si Kiera. May pagka balahuba yung utak niya. Pero mabait sya specially sa mga kaibigan niya. She's a responsible and a lovely person.

Tinitigan ko lang siya ng seryoso.

"So then,will you be my fiancee?"

--------------------

Salamat sa mga reader ko na hindi nagsawang maghintay sa update ko. Sa mga nagppm sa akin sa facebook at dito sa wattpad para sa update ko. Di ko na kayo mamention pero sobrang nagpapasalamat ako sa inyo. Lalo na sa mga di nauumay na kulitin ako.

Hopefully ngayon ay tuloy tuloy na akong makapagbigay ng update sa inyo.

Lablab guys!!

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon