Gabi na pero di pa rin kami nakakauwi ni Yoosung pinapanood ko muna sa kanya ang firework display.
Nakakatuwang isipin na ang tulad ni Yoosung na laging nasa bahay lang nagkukulong at nagpapakalunod sa laro,na ang tulad ni Yoosung na tinatanaw ko lang dati sa malayuan at ninanakawan ko lang ng mga picture ay makakasama ko ngayon,buong araw at nakita ko pa ang sya. Ang totoong sya.
Chineck ko yung cellphone ko at nainis lang ako. Puro missed call from Seven at flooded na ako sa text niya.
"Asan ka?" -Seven
"Sagutin mo tawag ko." -Seven
"Uy." -Seven
"Kierraaaaaaa" -Seven
"Oh kasama mo daw si Yoosung?" -Seven
"Nagdate daw kayo?" -Seven
"Ang boring dito." -Seven
"Bat di mo ako sinama" -Seven
"Ohh nasa Enchanted Kingdom kayo?" -Seven
"Gusto ko diiiiin" -SevenDi ko na binasa yung iba. Ahhhh! Ano ba naman tong taong to,di nalang magtext ng isahan lang. Kailangan paisa isa pa.
At paano niya nalamang nasa EK kami? Wala akong pinagsabihan dahil biglaan din to.
11pm na ng makarating kami sa bahay at tulog na tulog na sa balikat ko si Yoosung. Marahil napagod kakaiyak at sa mga rides.
Tinapik tapik ko ng mahina yung balikat niya. "Yoosung,andito na tayo."
Dahan dahan niyang iminulat ang isa niyang mata,pero halatang antok na antok na talaga siya.
"Kierra,gusto ko ng matulog!" Inaantok pa ang boses nito at bigla niya akong niyakap ng mahigpit at dahil buong pwersa ang bigat niya ay naout of balance ako sa pagkakaupo at napahiga. Sakto namang paglabas nina Seven at V mula sa gate.
"Kuya patulong naman na mabuhat si Yoosung." Pakiusap ko sa driver ni Yoosung.
Binuksan nito ang pinto sa backseat at bumungad agad sa akin sina Seven at V na gulat na gulat.
"What?" Tanong ko.
"A-anong ginagawa niyo?" Tanong ni V.
"Waaaaaah Kierra bat mo hinahalay si Yoosung.Raaaaape!" Pasigaw na reaksyon ni Seven.
"Gago nakatulog si Yoosung ayaw ng magising,tulungan niyo ako. Di na ako makahinga." Naiinis kong sagot sa kanilang dalawa.
Napa Ah nalang silang dalawa at dali dali ng pinagtulungang buhatin si Yoosung.
"So kumusta ang date niyo?" Tanong agad ni Seven matapos nilang maihatid si Yoosung sa kwarto nito.
"Well, hahahahaha " inilabas ko ang cellphone ko at isa isang pinakita sa kanya ang mga picture namin. Pinapanood ko din sa kanya ang video namin sa viking.
"Pag umiyak ka dito kailangan mo akong nakawan ng boxer ni V."
Pagsisimula ng video.
Napangisi ako ng malaki at tumingin kay Seven,tila nagmamalaki pa at nagulat ako ng makitang nasa tabi niya na si V at nakikinood na din.
"WAAAAAH!" Sigaw ko at bigla kong pinatay ang video sabay tago ng cellphone ko sa bag.
"HAHHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA!" -Seven.
"Langya Kierra! The best ka talaga!""Ahhh V-v! A-ano. Ahhh! Sige bye pasok na ako hehhee" nakita ko kasing namumula si V at tila di maipinta ang mukha. Tumakbo nalang kaagad ako bigla paitaas.
N A K A K A H I Y A!
WAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH
Pero teka? Ano pa bang dapat kong ikahiya? Ang panghihingi ng boxer niya o ang pagsusulat ng Eroge fantasy ko sa kanya?
LUPAAAAA! PAKIKAIN AKOOOO!
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
General Fiction[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...