Seven's POV.
"Seryoso di ako umiinom ng alak." seryosong sagot ko kaya di na sila namilit na dalawa.
Bakla na kung bakla pero di ako magiging si Seven kung iinom ako ng alak. Di ko ikakagwapo ang pag inom ng alak dahil gwapo na ako.
Hahahahahahaha
Pero seryoso,di ako umiinom talaga ng alak.
Bata pa po ako. Baka paluin ako ni mommy.
Joke wala akong mommy dito sa kwentong to.
At isa pang dahilan,siguradong maglalasing tong dalawang to dahil gwapo ako at mabait. Di rin ako iinom baka malasing ako at reypin ako ng dalawang to. Iniingatan ko po ang katawan ko.
Pero seryoso pag nalasing kasi sila walang tutulong sa kanila kung pati ako lasing hahaha
Inom lang ako ng inom ng soda samantalang sila ay inom lang din ng inom ng alak. Grabeng mga babaeng to dinaig pa ako. Eww. Major Turn Off.
Hahaha joke kahit pa ata tumae sa harap ko yang si Kierra di ako matuturn off.
Tulad ng ginagawa niya ngayon dapat talaga matuturn off na ako eh.
Nagpapaunahan lang naman silang makaubos ng isang boteng alak ni Ronneth. Tangina.
Matapos ang almost 20 minutes na puro lang sila inom ay nag umpisa na silang mag ingay.
Tinamaan na ata ng alak.
Nag umpisa na silang maglaro ng nanay tatay gusto ko tinapay.
Gusto kong makisali kaso di daw nila ako kilala.
Nakakaiyak makisama sa mga lasing na babae huhuhu.
Maya maya pa ay natapos na silang maglaro kaya ako naman ang naisipan nilang pagtripan.
"Bat ang cute mo?" tanong sa akin ni Ronneth.
"Syempre ako si Seven." sagot ko sa kanya sabay ngiti ng napakalaki. Cute daw ako Hahahahaha, maniniwala na sana ako kaso galing naman sa lasing.
"Ha?! Di ikaw si Seven. Ikaw si Chanyeol ko!" sagot ni Ronneth sa akin at nilalamutak pa yung mukha ko. Sinong Chanyeol?! Ha? Kung sino man yun mas gwapo ako dun.
"Ha? Sino yun?" patanong bigla si Kierra na kanina ay nagbibilang ng langgam sa floor kahit wala naman.
"Oo nga sino yun!" pagsang ayon ko dito."Waaaah!" bigla nalang umiyak si Ronneth. "Asawa koooo!" bigla nalang akong niyakap. Kaya ito ako todo tanggal sa kamay niya. Pota allergic ako sa babae.
Joke hahahahaha
"Huy ano ba Ronneth di siya si Chanyeol. Si Seven sya!" biglang singit ni Kierra na parang batang may pinaglalaban.
"Ha?! Sino yun si Seven!" oh my gad. Mababaliw akong kasama ang dalawang lasing na babae.
"Yung niyayakap mo. Umalis ka nga dyan. Nakakainis ka?!" biglang nasigaw na si Kierra.
"Oh eh di sayo na kainis ka!" sagot din ni Ronneth na parang bata. Umalis na ito sa pagyakap sa akin. Tapos,nag umpisa na naman itong lumagok ng alak.
Maawa kayo sa atay niyo please lang. Friend kami niyan. Kakatext lang sa akin ng mga atay niyo,mamatay na daw sila.
Lumapit sa akin si Kierra. Pero di sobrang lapit. Pinat nito yung ulo ko.
"Ang cute moooo!" Gad bigla akong kinilig. Feeling ko biglang naging garden ang paligid. Sinabihan akong cute ni crush. Gusto kong magpaparty ngayon hahahha.
Nagpangalumbaba si Kierra sa mesa nakatapat sya sa akin. Nakangisi lang ito habang nakatitig sa akin.
"Kung sabihin ko bang magpakasal tayo ngayon,papakasalan mo ako?"
Nashock ako sa tanong niya. WTF! KASAL! DI AKO READY! ASAN YUNG SINGSING KIERRA PAG MAGPOPROPOSE KA DAPAT MAY SINGSING. OH MY GAD NAKAPAMBAHAY LANG AKO. KUMUSTA YUNG EYEBAG KO PUMUPUTOK PA!
"Please say yes!"
Di talaga ako mapagpatol sa lasing pero natetempt akong patulan yung offer niya.
"Lasing ka Kierra,bukas pag maalala mo to. Baka ilibing mo sarili mo ng buhay,at isama mo pa ako!" sagot ko sabay pitik sa noo niya.
Biglang may tumulong luha sa mata niya. Tuloy tuloy yun hanggang sa humagulhol na siya.
Matapang,palaban at easy easy lang ang tingin ko kay Kierra at ngayon ko lang nakita ang side na to. Ang Kierra na tao din,yung di kailangang magpakamatapang sa harap ng iba. Yung Kierra na mahina. Yung Kierra na tulo uhog umiyak.
Lumagok pa sya ng alak hanggang sa kumalma siya.
"Kung ikaw yung nauna kong nagustuhan at napag aksayahan ng ilang taong paghanga,siguro ang saya ko na ngayon!"
Hindi ko alam Kierra. Komplikado akong tao pero sigurado akong kaya kong bumili ng isang comedy bar para lang mapasaya ka.
"Just marry me okay! It's better if it's you." sambit nito bago mawalan ng malat sa sobrang kalasingan.
Wala na ding ulirat si Ronneth. Andun na sa gilid at masarap ng natutulog.
Tinitigan ang natutulog na si Kierra. Ngayon ko lang sya makitang tulog kasi obviously bawal ako pumasok sa kwarto niya hahaha.
Sabog sabog na yung mukha niya pero maganda pa rin siya. Kalat kalat na yung mascara niya pero maganda pa rin siya. Kita na yung pamamaga ng mata niya kakaiyak pero ang ganda pa rin niya.
Mukha syang anghel na minudmod sa lupa. Ang sarap niyang titigan habang natutulog. Parang ang sarap ding matulog nakakapagod silang pakisamahan pag lasing.
"Komplikado din ang buhay ko Kierra,pero handa akong gawin ang lahat para mapasaya ka lang!"
Inayos ko ang magulo nyang buhok at onti onting nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Hinalikan ko siya sa labi.
"Yes,I will marry you!"
Shet first kiss ko Kierra,ninakaw mo! Langya ka! Pasalamat ka tulog ka,di ako pumapatol ng tulog!
BINABASA MO ANG
Ero-writer Secret Life
General Fiction[The Sex Web Season 2] Matapos ang natagumpay na pagtanggap ng storyang "The Sex Web" ay naging usapin ito sa labas o sa loob man ng paaralan ng author nito na si Kiesha Rachelle Salvador o mas kilala sa pen name nito na si Kierra. Pero kailangan n...