Chapter 12

4.1K 78 1
                                    

After 20 minutes na pag iintay ay isa isa na silang nagsidatingan. Malinis at nakaayos na. Pero si Zen lang ang nakaligo palang habang itong si Seven ay di pa rin nagtitigil sa pagtawa. Kakaiba talaga ang trip ng taong to.

"So,bakit mo naman naisipang kumuha ng muse ng di man lang nagpapasabi sa amin?" Matigas na tanong ni Jumin.

"Handa na ba kayo sa panibagong muse?" Tanong naman ni Jaehae habang nililinisan ang eyeglass nito.

"Well,di naman natin maipagkakaila na kailangan talaga natin ng muse lalo na sa bagong project natin." Ani Zen.

"Wala namang problema ang magkaroon ng bagong muse,ang tanong kakayanin niya kaya ang ginagawa ni Remy?" Malumanay na wika ni Yoosung at nahihimigan ng kalungkutan ang boses nito nang banggitin nito ang pangalang Remy.

"Kaya mo ba Miss President?" Direktang tanong sa akin ni Jumin. Titig na titig ito sa akin tila sinusuri ako.

"Ano ba guys. Syempre kaya niya. Buong Lancelot kaya niyang hawakan eh." May pagmamalaking sagot ni Seven. "At sigurado ako dito."

"Okay then." Biglang pumalakpak si V ng may kasamang ngiti. "Welcome to Lancelot Fundraising Organization Ms.Kiesha Rachelle Salvador.We'll be counting on you." Ani pa nito at inilahad ni V upang makipagkamay. Nanginginig kong tinanggap ito. V's hand on the flesh.WAAAAAAH!!!

Isa isa na akong winelcome ng iba at
nakipagkamay sa akin,niyakap naman ako ni Yoosung at ni Seven na malaki ang ngisi.

"I will be expecting too much from you,jus so you know!" Direktang wika ni Jaehae sa akin.

"I'll guide you to your room." Pagpipresenta ni Yoosung.

"Ako na Yoosung." Pag agaw naman agad ni Seven.

"Thanks." Pagpapasalamat ko kay Yoosung at ngumiti ito bilang ganti.


"Ito ang magiging bago mong room.Dati itong room ni Remy kaya andito pa ang mga kagamitan niya. Isa lang ang pakiusap naming lahat.Wala ka sanang gagalawing kahiy ano sa kwartong to maliban sa higaan,computer,upuan at gamit mo.  Wag mong pakikialaman ang mga nasa cabinet. At kung ano pang meron." Mahabang habilin nito sa akin habang ipinapasok sa kwarto ang maleta ko.

Malaki at malinis ang kwarto. White ang kulay nito na nagpaaliwalas ng buong kwarto. Maayos din ang pagkakaarange ng mga libro sa mini shelf na andito. May mga folder sa taas ng study table at maganda din,madami pero hindi nakakalat.

Makikita mong alagang alaga ang kwartong ito. Walang kaali-alikabok.

Matapos ayusin ang mga damit at gamit ko ay naligo muna ako. Tapos na ako sa paliligo ng may kumatok sa pinto.

Bumungad sa akin ang nakangiting si Yoosung.

"Breakfast?"

"Sure."

"Sana maging komportable ka dito." Panimula ni Yoosung habang naglalakad kami papunta sa dining area nila.

"Plano ko namang enjoyin ang task na inatang sa akin." Masigla kong sagot.

I mean,sino ba namang di mag eenjoy dito.

Araw araw mong makikita ang hubad na katawan ni Zen,may maipampopost na ako sa fansite ni Zen.

Ang bagong gising na mukha ng ibang myempre at syempre ang bagong gising na boses ni V.

Pagkadating na pagkadating namin sa kusina ay nakita ko ang mga nakahain na almusal. Ang dami ng nakahain.

Lumabas mula sa cooking area si V na naka apron at may dala pang pinggan na puro sunny side up egg ang laman.

"Good morning!" Bati nito sa akin.

WAAAAAAH!!! YUNG PUSO KO! SHIT! ASAN NA YUNG KALULUWA KO?

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon