Chapter 4

6.3K 85 0
                                    

Hindi ko na maramdaman ang kamay ko na may hawak ng tinidor sa sobrang kaba. Bakit di ko to naisip? Bakit di ko naisip na magaling si Seven sa pagtrace ng mga ganitong bagay. Kumbaga sisiw lang ako.

Tinitigan ko si Seven na katabi ni Ronneth na ayun,walang ideya sa nangyayari eh kain lang ng kain.

"Sino?" Tanong ni V.

"Idedemanda ba natin siya? I mean malaking kasiraan sa atin to." Suhestiyon naman ni Jumin.

"Dapat nga magpasalamat tayo sa kanya. Lalong dumami ang fans ko,natin!" Tatawa tawa namang singit ni Zen.

"Nabasa ko ang kwento.At dapat nga talaga tayong magpasalamat. Dahil sa kwento niya,madaming mga gustong sumali sa susunod na party natin. Mga pakiusap ng anak nila." Walang emosyong tugon ni Jaehae.

Titig na titig lang ako kay Seven. Pilit sinasabi sa utak ko na wag niya akong ibuko.

"Ms.President." wika ni Seven.

Hindi ko alam kung tatakbo ako. Tumingin sa akin ang lahat,maliban kay Ronneth na busy sa pangnguya. Pinagpapawisan ako kahit aircondition sa canteen. Gusto kong kainin nalang ako ng lupa.

"Sa palagay mo magpapasalamat ba kami sa author o hindi?" Dugtong ni Seven sabay tawa. "Guys,actually dahil sa author na yun dumami ang nag enroll at nagtransfer sa atin.Tiningnan ko ang files ang school natin,pati mula sa mas kilalang paaralan ay nagtransfer dahil sa parehong dahilan." Tuloy tuloy na salita nito habang nakangiti ng nakakaloko na sinang ayunan naman ng lahat. Samantalang ako,mamamatay na. Di ko na mahagilap kung paano hihinga.

Hinagilap ko muna ang puso ko kung tumitibok pa bago sagutin si Seven. "Totoong madaming nagtransfer sa pare parehong dahilan,pero no comment ako sa issue ng kung anumang kwento.Masyado akong maraming ginagawa." Yung mata ko nakapako lang kay Seven na ngingiti ngiti sa akin.

"Oo nga naman V. Wag na nating gawing malaking issue yung kwentong yun. Lalo ka na Jumin!" Ani pa ni Seven at humagalpak na kakatawa.

"Nabasa niyo bang lahat yun?" Pahabol pa nitong tanong. "Ikaw Ms. President nabasa mo ba yun?"

"H-hindi!" Sagot ko at ibinaba ang tinidor. "Sabi ko naman sayo busy ako para umatupag pa ng mga nonsense na bagay." Tinapos ko na ang natitirang spaghetti.

"Ako,nabasa ko yun!" Singit ni Ronneth na punong puno pa ang bunganga. "Naku V,nabasa mo yun? Shet ang hot mo dun. I mean hot ka naman sa personal pero nakakainlove ka talaga sa story na yun. Fan na nga kita eh. I mean fan mo na ako" tuloy tuloy na daldal ni Ronneth,tinuturo pa si V. Feeling close. Close kayo?

"Tapos si Jumin. Ahhmm hahhaa nevermind. Alam kong ganun na ganun gagawin mo." Sabi pa nito sabay inom ng tubig matapos siya titigan ng masama ni Jumin.

"Tapos ikaw Zen,waaaahhh fan mo na ako dati pa. Pero mas mahal na kita dahil sa kwentong yun." Dugtong pa nito na halos magkapuso pa ang mata nito.

"Thanks honey!" Magiliw na sagot ni Zen at kininditan pa si Ronneth na syang dahilan para halos magwala si gaga.

"At ikaw Seven." Tumingin ito kay Seven na malaki ang ngisi. "Nevermind,no comment!" Dahilan para sumimangot ang kaninang ngiting ngiting si Seven.

"At ikaw Yoosung."

"Po?" Inosenteng tanong ni Yoosung habang hawak gawak ang psp nito. Naglalaro pala.

"Nabasa mo na ba yun?"

"Yung alin?"

"Hindi niya pa alam yun." Plain na sagot ni Jaehae.

"Ohh sabi ko ang cuuute mo talaga Yoosung!" Ani Ronneth na naging dahilan para pumula ang mukha ni Yoosung.

Ero-writer Secret LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon