Chapter 4

731 34 1
                                    

Stella's POV

May guesting ako ngayon sa isang sikat na morning show. Medyo kabado ako, this is my first time and kinakabahan ako. I'm still not used to this, "FAME", hindi ko naman to pinangarap but since heto na nga, i'll just go with the flow.

" Stella, be ready, tatawagin kana after 5 minutes," my manager.

"Ok mam Jem" nag thumbs up pa ako,


Ilang sandali pa ay narinig ko na ang introduction ng host at nag cue na ang isa sa staff na lalabas na ako.


"Just be yourself ok"


"Don't worry mam, i'll try my best na maging natural" nginitian ko si mam jemma, feeling ko mas kabado pa sya sakin😊

Ok this is it!


Paglabas ay sinalubong ako ng masigabong palakpakan at hiyawan ng mga fans ko, ang "Stellers" ang cute ng name nila and i'm really thankful sa kanila. Nakausap ko ang tumatayong head ng fans club ko na si ate Jean at sinabi ko sa kanya na kapag may time ako ay i me-meet ko silang lahat.


Nag beso ako sa dalawang batikang host, si miss Kelly and miss Melissa.


"Alam mo bet talaga kita eversince, binoto kita ha" walang kagatol gatol na sabi ni miss Melissa, kalog kasi ito at prangka.


I just smiled and say "thank you."


"We heard na you signed already an exclusive contract sa Star Center is that true?"
Si miss Kelly.


" ahm, yes po and i'm very lucky kasi pinagkatiwalaan nila ako"


"Naku, ano itong nabalitaan namin na sinabi daw ni Dominic Pascual na gusto ka nyang maka trabaho?"
Kinikilig pa ata si miss Melissa habang nagtatanong. Eh hindi ko naman alam kung pano ko to sasagutin, baka mabuking pa ako na ultimate crush ko si Dominic, 😱


"Ah eh, hindi po ako sure eh"


Nasabi ko nalang dahil ayoko namang mag mukhang assuming noh, baka kasi nagbago din ang isip ni Dominic or di kaya trip nya lang sabihin sa press.


"Teka may video ata kami dito ng interview ni Dominic nung sinabi nya yun" sinenyasan ni miss Kelly ang isa sa staff ng show at di nagtagal ay lumabas sa screen ang interview ni Dominic, nagtilian pa ang mga fans ko nung sambitin ni Dominic ang name ko, nakakahiya talaga😶 as if naman nagtapat sya ng pag ibig sa akin, ooppss! Anu ba tong naiisip ko?


"So what is your reaction to that?, naku ang swerte mo, never ko pa atang nakita si Dominic na nakipag duet sa girl" si miss Kelly.



"I don't know what to say pero thank you po kay sir Dominic, talagang hindi ko po to inaasahan"


Nahihiya na talaga ako, buti nalang at nag change topic na kami, marami pa silang tinanong sa akin at syempre kumanta ako, Ordinary People while playing the piano. All praises sila sa akin..dapat siguro masanay na ako sa ganito.


After almost 45 minutes ay natapos din ang guesting ko.


"Ang galing mo nang sumagot, i'm proud of you!" happy ako dahil napasaya ko mam Jemma.


"Syempre po, ayoko kayong mapahiya noh, pero sobra talaga ang kaba ko kanina mam as in!"


"Naku masasanay karin Stella, this is just the beginning of a brighter future for you"


Kumikinang pa ata ang mga mata ni mam Jemma while stating that. Ilang sandali pa ay iniwan na nya ako sa dressing room with ate Serena, magbibihis lang ako and then uuwi na din kami.


"STELLA!!!!"



Nagulat na naman ako sa tili ni ate!
Ano bang nangyayari sa kanya at napapadalas na ang kakatili,kaloka!



" ano ka ba naman ate, lagi ka nalang sumisigaw, hindi ako bingi ang lapit natin oh" tinuro ko pa ang maliit na space between us.


"Open mo twitter mo bilis!"


Kahit hindi ko sya maintindihan ay sinunod ko narin sya, hindi ko pa naoopen ang social media accounts ko since kagabe.


Nagulat ako sa nakita ko! Maraming nag tatag sa akin ng tweet ni Dominic.


"Hi Stella, this is an awkward way to introduce myself but hi, I'm Dominic"


Natulala ako sa nabasa ko!
O.M.G !!!!!!!!!!!


Nagtititili na rin ako with matching talon talon pa!


" reply ka na dali!"



"Ha? Anong sasabihin ko ate?"


"Edi magpakilala ka rin, kaloka naman to oh, nag rereach out na nga sayo yung tao, isipin mo ha THE SUPERSTAR Dominic Pascual na notice ka!"


But i don't know what to say, hmmmm..
..and then after 40 years ay nag type na din ako ng e rereply.


"Hi Dominic, I'm Stella" binasa na ate. Nagulat nalang ako nang binatukan nya ako.


"Aray! Para saan yun ate??"


"Ang tagal mong mag isip tapos yan lang reply mo? Kaloka ka!naku duduguin ang matris ko sayo eh"


"Eh sabi mo magpakilala ako, oh heto na nagpakilala na nga ako"


"Ewan ko sayo, hmmp, oh sya magpalit ka na at uuwi na tayo, hihintayin nalang kita sa labas bilisan mo"


"Yes po"


Naku, pano na to? Pano kung magkita na kami ni Dominic pagbalik nya sa Pinas? Pano ko sya haharapin?"


Ang awkward nito sigurado!



-------------

Hi readers, as you can see or read, this first 4 parts is really familiar especially if you are a MarNigo fan... But after this..mag iiba na ang lahat, ang mga kaganapan sa mga susunod na chapters ay sadyang kathang isip lamang ng malikot kobg isipan para syempre hindi na sya maging predictable diba😉

Don't forget to vote, thank you!😘

I'm Inlove With A Superstar (Completed)Where stories live. Discover now