Nagising ako na masakit ang ulo. Naalala kong hinimatay ako last night dahil hindi ko kinaya ang lahat ng narinig ko.Nakita kong may gamot para sa hangover sa bed side table. Nahihilo man ay pinilit kong bumangon at inumin yun.
Nakarinig ako ng paghampas ng alon sa dalampasigan. Lumapit ako sa malaking bintana para pagmasdan iyon.
Makulimlim at malalaki ang mga alon, mukhang nakikisimpatya ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.
Sabay ng paghampas ng malamig na hangin ay ang pagpatak ng aking luha. Naaalala ko lahat ng mga sinabi niya...
Bakit ba lagi nalang ganito? Bakit lagi nalang akong umiiyak ng dahil sa kanya? Nakakapagod din pala magmahal...
Ok na sana ako kung hindi niya lang sinabi na balak niya ako balikan dahil mahal niya ako kaya bumalik siya dito pagkatapos ay sasabihin niyang ikakasal na siya sa babaeng malapit ng mamatay. Ang sakit bes!
Bakit laging dapat isakripisyo ang pagmamahal namin para sa isa't-isa? Mahal mo siya, mahal ka niya pero bakit hindi pwede maging tayo?
It's about time para kalimutan ko na siya. Ayoko na masaktan pa ulit.
Nakarinig ako ng marahang katok sa pinto kaya pinahid ko ang aking mga luha.Isang nakangiting dalagita ang bumungad sa akin.
"Miss Stella, breakfast niyo po" ngumiti ako at pinapasok siya.
"Sayo ba tong damit na suot ko?" Nakasuot ako ng short at puting blouse, malamang sa kanya to dahil magkapareho lang yung katawan namin. Payat din kasi na bata pero maganda.
"Ah eh, opo..ako po yung nagpalit ng damit niyo kagabe at saka yung gown niyo po pina laundry na namin"
"Thank you😊. Don't worry papalitan ko to" hindi naman ito tumanggi at mukhang nasiyahan sa sinabi ko.
"Ahm, Miss S-Stella pwede po bang h-humingi ng autograph?" Nahihiyang sabi nito.
"Oo ba!" Sa damit niya pa talaga siya ng pa sign ng pirma ko😅. "Thank you po! Ang bait niyo po talaga kaya idol ko po kayo eh! Sige po Miss Stella aalis na po ako ha"
"Ay wait.." Akmang tatalikod na siya ng pigilan ko.
"Ano po yun Miss Stella?"
"Si.... Si Dominic?" I just want to know if iniwan niya na ako dito last night.
"Eh umalis na po kagabi Miss Stella" sabi ko na nga ba eh.
"Pero inihabilin ka po niya sa amin Miss Stella" mukhang nahalata nito ang paglungkot ng mukha ko. Tumango nalang ako.
Dito na muna ako siguro, I need time alone. Hinanap ko ang purse ko, siguradong dala ko yun kagabi. Nakita ko to sa kabilang side ng bed. Mabuti nandito ang cellphone ko, tadtad ng missed calls from France and Mae.
I dialed Mae's number...
"Stella!"
"Stella!"
Sabay na naman sila😒."Hi girls!" Pinasigla ko ang boses ko.
"Huwag ka nang mag pretend diyan na ok ka lang dahil alam na namin Stel" malungkot na sabi ni Mae.
"Tang inang malandi yun! Hindi ako naniniwala na may cancer yun noh! Mas malakas pa kaya yun kaysa sa kabayo!" Narinig kong sinaway ni Mae si France.
"It's ok girls, nandito ako sa Tony's. Pwede bang huwag na muna ako umuwi? I need time for myself" nabasag na ang boses ko, tengeneng luha to, ayaw maubos!
"Ok girl, basta tawagan mo kami ni Mae kapag ok ka na at susunduin ka namin"
"S-salamat, mahal ko kayo😭"
"Mahal ka din namin Stel, kaya mo yan. You're strong alam mo yan."
"We love you girl!”
Yun lang at tinapos ko na ang tawag. Paano nalang ako kung wala silang dalawa? Sila lang nakakaalam ng mga set backs ko. Ayokong bigyan ng problema ang pamilya ko kaya mga friends ko nalang ang binibigyan ko ng problema.
Kumain lang ako at nagpunta sa dalampasigan. Mabuti nalang at nandito ako sa private part ng resort kaya walang makakaistorbo sa pag e-emote ko.
Dito pala kami banda nag-usap ni Dominic kagabi. Masakit maalala ang pain na nakita ko sa kanya last night. Pareho lang kaming nasaktan, parehong biktima ng madamot na tadhana.
May naka agaw ng pansin ko ng madako ang paningin ko sa buhangin, may kumikislap dun na maliit na bagay.
Singsing? A diamond ring!
May maliit ba initials ko na nakaukit dito. Omg! It can't be😱------------------------
France's POV
"Shit!"
"WTF!"
Sabay na naming bulalas ni Mae."Ayoko talagang maniwala na may sakit ang bruhang yun!" Naiinis na sabi ko.
"Ako din eh, natatandaan mo si Auntie Jenna? She's a Colon Cancer survivor. Nang ma diagnosed siya ay bumagsak na ang katawan niya hindi gaya ng malanding yun!😠😠 so what's the plan?"
"Ihanda mo ang sarili mo Mae, detective mode on na tayo!"
Hindi namin hahayaan na lagi nalang umiiyak si Stella, tama na yung nag suffer siya ng maraming taon😠.
----------------------
Stella's POV
Kasalukuyang naka upo ako ngayon sa sand, nakaka relax pagmasdan ang mga alon na animo'y nag-aanyaya na magpakalunod doon, but then again, wala po akong suicidal tendency kaya huwag kayong mag-alala.
Isinuot ko ang singsing sa daliri ko. I know na para to sa akin, I can feel it. Bahala ka na Dominic pero hindi ko na to ibabalik sayo.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Twitter ko. As expected, trending kami ni Dominic dahil sa mga pictures na kumalat na hila-hila niya ako palabas ng venue ng Ball.
Hindi na rin ako nagulat sa mga negative comments about me. Karamihan ay nagsabi na mang-aagaw daw ako. Pero may iba naman na pinagtanggol ako.
Sa loob ng maraming taon naging manhid na ako sa lahat ng negativity na kaakibat ng fame na tinatamasa ko.
Nag-scroll down pa akong nang biglang mag flash sa screen ko ang name ni Dom, wala sa sariling sinagot ko yun.
"Hoy malanding babae! Layu-an mo ang fiancée kung ayaw mong magkagulo at mawala yang career mo! Letse ka!"
Yun lang at nag beep na sa kabilang linya, matagal bago ako nakabawi dahil na shocked ako. Gamit niya ang phone ni Dominic, hindi man lang ba siya pinigilan nito?
Shit! Humanda ka sa aking babae ka, malalaman ko rin ang baho mo.
Maghintay ka sa pagbabalik ni Stella Racal!
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?