I'm still shocked...Nakatulala lang ako hindi alintana ang busina ng mga sasakyang nahaharangan ng kotse ko, kung hindi lang ako nilapitan ng isang traffic enforcer ay hindi pa ako matatauhan.
Papagalitan na sana ako ni Mang enforcer pero nang makilala niya kung sino ako ay humingi pa ito ng autograph! advantage talaga ng pagiging artista😅
------------------------------
Star Center
Kahit windang parin ay pinilit kong maging normal ang kilos ko.
"Hi Miss Stella!" Bati sa akin ni Vanessa, PA ni Dominic.
"Hi Vane, nakabalik na pala k-kayo" nag-aalangan kong sabi, matagal nang PA ni Dom itong si Vane and I don't know kung may alam ito sa nangyari dati.
"Yes po Miss Stella, kahapon lang po😊"
"P-pero bakit walang balita kahapon na dumating kayo?" Nagtataka kong tanong, sa kasikatan ni Dominic impossibleng walang press sa pagdating niya.
"Naku Miss Stella, secret po talaga ang pag-uwi namin kasi gusto ni Dominic na e surprise yung fans niya😃"
"Ah ganun ba?" Oo nga, sobrang nawindang ako eh😲
"Oh sige Vane ha, see you when I see you, kailangan ko pa kasi makausap si Ma'am Claire"
"Pero-" may sasabihin pa sana siya pero tumalikod na ako, ayokong lumalim pa ang usapan namin tungkol kay Dominic at super late na talaga ako.
Papasok na sana ako nang marinig kong may kausap si Ma'am Claire, bahagya kasing naka awang ang pinto ng office niya.
What the! Si Dominic! Ang tanga mo talaga Stella, eh nakita mo nga sa lobby si Vanessa diba, malamang sa malamang nandito talaga siya😲
"So December 15 and 16 is the date, but it's Monday and Tuesday Dom, why not 19 and 20? Friday and Saturday para walang pasok" kumbinsi ni Ma'am Claire sa kanya, mas ideal naman talaga ang weekends na concert dahil mas maraming tao ang pupunta, pero knowing how huge his name is, kahit madaling araw na siguro mag start ay sold out parin.
Wait... December 15? Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na yun. Y-yan ang araw na sinaktan ko ang puso niya.
"Booh!”
Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko ang pinto dahilan para malantad ako sa dalawa! 😱 , tiningnan ko kung sino ang lapastangang nanggulat sa akin at aba! Si Diego lang pala, naging mag friends din kami ni Diego pero minsan ay sobrang kulit nito at mahilig mag prank😒, humanda ka sa akin mamaya! Susugurin ko pa sana siya nang lampasan na niya ako.
"Bro!" Ayun niyakap niya si Dominic, mukhang namiss niya yung bestfriend niya.
"Long time no see" nakangiting sabi ni Dominic, oh God, I really missed those smiles..
"Claire your here na!, sit down" pansin sakin ni Ma'am Claire, akala ko nga hangin lang ako dito dahil hindi man lang ako tiningnan ni Dominic😑
"Ma'am Claire sorry if I'm late," sabi ko na nag-iiwas ng tingin dahil nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Dominic! Parang kinikilatis ako😱 did I saw him smirk?
"Your just in time Stella, by the way, nandito na si Dom, hindi man lang ba kayo magbabatian? I heard that you've been so close back in the days" nanunudyong sabi ni Ma'am Claire, hindi man lang ba niya nahalata ang tension between us?
"W-welcome back D-Dominic" ang awkward!
"It's Dom" seryosong sabi nito, pakiramdam ko ay napahiya ako.
"I must go now , let's talk again sometime soon to finalize the details, nice see you again Ma'am Claire" nakipag shake hands lang siya kay Ma'am pagkatapos ay diretsong lumabas kasama si Diego.
Napabuntong hininga ako, hindi ko siya masisisi kung galit siya sakin, he have all the reasons to be mad. Mabuti nalang at pinirmahan ni Ma'am Claire ang request kong pahinga dahil maliit nalang ang possibility na magkikita kami ulit ni Dominic😧
"Thank you Ma'am, I really need this"
"I know Stella, basta after 3 months balik ka na ha" nakangiting sabi ni Ma'am Claire.
"Po? 3 months? Nagtatakang tanong ko.
"I made it 3 months para mas mahaba-haba naman ang pahinga mo, you've been working non-stop sa nakalipas na 7 years kaya deserve mo yan, pagbalik mo ay saka natin pag-uusap ang magiging series of concert mo in 5 different countries😊" hindi ako makapaniwala sa narinig ko! This is not the first time na nag perform ako sa ibang bansa pero with other Star Center artist, first time ko na solo lang!
"G-grabe, thank you so much Ma'am!" Sobrang saya ko!
Swerte talaga naming mga artist dito sa SC dahil may super bait kaming boss at hindi panapabayaan ang lahat ng artista under sa kanya.Wala na rin akong problem sa mga Stellars ko (name of my fanmily) dahil nakausap ko na ang mga heads ng chapters sa ibat-ibang lugar, hihintayin daw nila ang pagbabalik ko😊
I know everything will be just fine..
----------------------
FMS Beauty's branch somewhere in Metro
"Ma'am Stella!" Gulat na gulat na sabi ng mga staff and sale's ladies. Nginitian ko sila.
Ito na ang routine sa nakalipas na isang linggo, ako ang naglilibot sa mga branches namin sa Manila, si Mae naman ang bahala sa mga stocks namin at sya narin ang naging accountant ng lahat nga lumalabas at pasok na pera sa company namin. CPA kasi ito, while si France naman ang nagvi-visit sa mga branches namin sa provinces. Graduate naman si France ng Business Ad. Kung tutuusin ay ako lang ang hindi nakatapos ng college sa aming tatlo😔 sa sobrang busy kasi eh pero baka one of these days, wala namang edad-edad sa pag-aaral eh.
Papasok na sana ako sa office namin nang may marinig akong nagsalita na maarteng babae.
"Honey, what do you think? Bagay ba sakin ang shade ng lipstick na to?" Ang arte! Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nila pero parang familiar sa akin ang built nung lalaki...
Halos idikit na nito sa boyfriend ang boobs niya na halos lumuwa na sa suot nito, hmmp! Dito pa talaga sila naglandian😒.
Bitter ka lang Stella, wala kang ganyan at wala ka ring boyfriend- sabi ng isang bahagi ng utak ko. Erase, erase!
Papasok na talaga sana ako sa office nang biglang humarap sa gawi ko ang lalaki. Naka suot siya ng black na mask pero kilalang-kilala ko ito! Nakita kong natigilan ito pero agad ding nakabawi.
"Let's go honey" yaya niya sa kasama at hinawakan ang kamay nito, ouch!
Mukhang nasiyahan naman ang babae sa ginawa niya😠Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nagseselos ako, pero wala akong karapatan😔
Bakit ba ang liit ng mundo para sa atin Dominic?

YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?