Mae's POV"Tang-ina!😂"
"What the F!😂"Sabay naming bulalas ni France sabay tawa ng malakas! Nag tinginan pa nga ang mga tao na kasabay naming kumakain sa restaurant dito sa loob ng resort.
Eh, sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa nalaman namin😂"Panu yan girl, alam na ni Dominic ang size ng hinaharap mo" natatawang sabi ni France.
"Ayaw mo yun, kapag mag asawa na kayo alam na ni Dominic at hindi na sya mag-expect" napasimangot si Stella sa pang-aasar namin😂
"Hayan na naman kayo eh, sige mang-asar pa kayo at babalik ako ng Manila ngayon din😤" sabi ni Stella na hindi na maipinta ang mukha.
"Eto naman hindi na mabiro, eh mukhang patay malisya naman si Dominic di ba, naku marami nang nahawakang bra yun no" marami kasing na li-link na babae kay Dominic dati.
"Pero teka may nangyari na ba sa inyo ha😈" nakakaloka talaga tong si France, walang preno eh.
"Of course wala no! Sa sofa sya natulog, nakakahiya nga eh. I insisted na sa bed nalang sya at ako sa sofa pero wala na akong nagawa dahil doon na sya nahiga"
"Wow, ang gentleman talaga!😍" nakakahanga talaga tong si Dominic kaya nahawa narin kami ni France sa pag fa-fan girl ni Stella.
Natigil ang pag-uusap namin ng magulat kami sa hiyawan sa labas ng resto. Ayun, si Dominic pala! At maraming nanghihingi ng autograph sa kanya sa labas.
Buti nalang at pinatawag ni France ang mga guards para ma control ang mga fan girls nya, pinaunlakan nya rin yung iba hanggang sa magpaalam sya sa mga ito. Nakita kong hindi mapakali si Stella habang papalapit si Dominic.
"Hi Dominic!!!" Bati ni France.
"Hi good morning, " ganting bati nito pero take note, kay Stella nakatingin🤔.
"Hi, sorry kung nauna na ako dito, mukhang ang sarap ng tulog mo kanina eh" nahihiyang sabi ni bff,
"It's okay, ang sarap talaga ng tulog ko dahil napaka peaceful dito, unlike sa Manila" tumango na rin kami bilang pagsang-ayon Pagkatapos nun ay umorder na rin ito ng coffee.
"So ang activity natin ngayon ay mag so- snorkelling tayo ngayong umaga and mag island hopping tayo pagkatapos" excited na sabi ni France.
"I like that!" Sang-ayon ni Dominic, pero si Stella ay nanatiling tahimik lang.
Hehe, sigurado akong magiging kakaiba ang araw na ito😈
----------------------
Stella's POV
Flashback
"Nahulog mo to siguro sa loob"
Omg! Bakit ang dami kong embarrassing moment kapag kasama ko si Dominic! Bakit hindi ko namalayan na nahulog pala ang bra ko sa cr😱?!
"P-pasensya kana" dali-dali kong kinuha ang bra ko sa kamay nya, whaaaaa! Pwede bang kainin na ako ng lupa ngayon😭
"It's okay" nakita kong iba ang ngiti nito, pero bigla itong tumalikod sa akin. "Nakita ko naman lahat yan"
Anu daw? Mahina lang yun pero abot ng pandinig ko yun no!
"H-ha?" Tanong ko sa kanya habang busy ito sa paghahalungkat ng gamit nya.
"Huh? I didn't say anything" humarap ito sa akin na may pilyong ngiti, grrrr, asar! Anong gagawin ko nito?
Buti nalang at dumating na ang food namin kaya itinuon ko nalang ang pansin sa pagkain. Anong mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon?😳
End of flashback
By the way, hindi ko pala na ikwento kay France at Mae na nakita na ni Dominic lahat-lahat sa akin😭, remember nyo yung nalasing ako at pinalitan nya yung nasukahan kong damit
Ayun nga, hiyang-hiya ako sa kanya kagabi, buti sana kung 36 cup C ang bra ko eh maliit lang ang size nitong hinaharap ko😧
"Aren't you gonna join us?"
Nagulat ako nang nasa harap ko na pala si Dominic.
Hindi ko man lang namalayan na nakaahon na pala ito, nakakailang talaga lalo na at naka swimming trunks lang ito ngayon😳"Ah, eh. Dito lang ako Dom hindi kasi ako marunong lumangoy" palusot ko😉 champion swimmer kaya ako noong high school, nahihiya lang talaga akong makasama sya.
Nagulat ako nang bigla nya akong buhatin😱
"D-Dominic bakit mo ako binuhat? ibaba mo ako!" Nagpupumiglas kong sabi.
"Alam kong champion swimmer ka when you were in high school, sinabi sakin ni Mae and France😁" nakangising sabi nito.
Wtf! Kahit kailan talaga pahamak ang dalawang yun!
Ibinaba nya lang ako nang nasa tubig na kami, hinawakan nya ang mga kamay ko at hinila papunta sa mga kaibigan ko. Ang puso mo Stella!
Paglapit namin ay nagulat pa akong ng sabuyan kamo ng tubig ng dalawa, aba! Gumanti rin kami Dominic, para kaming mga bata na naglalaro😊
Hindi ko akalin na aabot kami sa ganito, yung makasama sya ng ganito, kung panaginip lang to ay ayoko nang magising.
Magtatanghali na nang magdecide kaming umahon at mag lunch na, mag a-island hopping pa kasi kami pagkatapos.
"Stel, yung puso mo okay pa ba?" Bulong sa akin ni Mae habang naglalakad kami, medyo nauna kasi si Dominic at France dahil may pinag-uusapan din ang mga ito.
"Parang lalabas na nga sa katawan ko sa sobrang bilis ng tibok nito"
"Ayiiiiii! Pag-ibig nga naman! Pero Stel, I think hindi rin magtatagal ma i-inlove tong si Dominic sayo, konteng push nalang"
"At paano ka naman nakakasiguro?ayokong umasa Mae, si Dominic Pascual yan, superstar" Alam nyo yung feeling when reality hits you? Cause that's what I'm feeling right now.
"Ano ka ba? Eh ano ngayon? Sikat ka na rin naman may nag pa autograph din naman sayo kanina diba. Alam kong malayo ang mararating mo sa showbiz Stel and alam mo ba kung bakit nasabi ko sayo na it's possible na ma inlove sayo si Dominic? Kasi iba ang tingin niya sayo, believe me😉"
Medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Mae, pero ayoko umasa baka masaktan lang ako.
Pagkatapos naming mag lunch ay hindi na kami nag aksaya ng oras, bumalik kami sa room para magbihis and then agad kaming nag arkila ng motor bangka para sa paglilibot namin sa mga isla dito.
This place is Paradise! babalik talaga ako dito kapag may time.
Ang ganda ng naunang dalawang isla na pinuntahan namin, pero man na mesmerise ako dito sa Mermaid Iland, hugis buntot ng mermaid kasi ito. Malayo palang ay makikita mo na ang ibat-ibang puno ng prutas na hitik sa bunga gaya ng saging, niyog at papaya.
Nang nakalapit na ang motor bangka ay naunang bumaba si Dominic at inalalayan akong bumaba, mukhang nasasanay narin ako sa pagdadaop ng palad namin😊.
Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan..
"Bye muna sa inyo!, babalikan namin kayo dito tomorrow morning!" Pasigaw na sabi ni Mae habang umandar na papalayo ang motor bangka na sinakyan namin😱.
"Enjoy girl! Dominic ikaw na bahala sa kaibigan namin!" Pasigaw ding sabi ni France.
Nakita kong tumango si Dominic at kumaway pa ito sa dalawa, iniwan nila kami dito!
I'm shookt!😱😱😱
-------------------
Hi readers! Sorry if may makita kayong typo error sa story ko, super gabi na kasi ako nag uupdate, minsan antok na antok na ako kaya hindi ko na nakikita ang mga typo error😊
Anyways, don't forget to hit like if you like my story😉, thank you!
YOU ARE READING
I'm Inlove With A Superstar (Completed)
RomanceHe's a superstar, I'm a newbie in the business.. He really rocks, I'm his biggest fan.. What if mag krus ang landas namin sa maliit na mundong ginagalawan namin? Mapapansin nya kaya ako?